KANTYAW ang inabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa mga netizen na nakapanood sa kanyang Tweet na nag-aanunsyo ng topic ng kanyang bagong vlog. Sa tweet ng Presidente nitong Mayo 20, ganito ang nakasaad: BBM VLOG 242: Ang Init!! Sa isang #BagongPilipinas, sapat at murang kuryente ang handog natin para sa lahat! Ngunit sinopla ito ng mga netizen dahil yun naunang pangako ng Pangulo na magiging P20 ang kada kilos ng bigas ay hindi pa nito nabibigyang katuparan. Wala pa umanong natutupad sa mga naunang ibinida ay nangangako na…
Read MoreCategory: BBM
BBM TAGILID SA PAGKABIYAK NG UNITEAM
(BERNARD TAGUINOD) HINDI pa man nakaka-isang taon sa pwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., biyak na ang kanilang Uniteam ni Vice President Sara Duterte kaya hindi malayong manganib ang kanyang administrasyon. Ganito ang basa ni ACT party-list Rep. France Castro matapos tuluyang masira ang Uniteam nang patalsikin bilang pangalawang pinakamataas na lider ng Kamara si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo. Sa press conference ng Makabayan bloc, sinabi ni Castro na may dahilan kung bakit tinanggal si Arroyo at hindi lamang ito prerogatibo ng liderato ng Kamara. “Ang tinitingnan natin…
Read MoreTUBIG, KURYENTE TIPIRIN – PBBM
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko at local government units na magtipid sa paggamit ng tubig at power resources dahil sa pagharap ng Pilipinas sa El Niño ngayong taon. “The Philippines’ power demand far exceeds the supply in the country, and the 35 percent decrease in rainfall has already affected several dams, irrigation systems and hydroelectric power plants,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang YouTube vlog. “Ang DILG inatasan natin na paratingin sa mga LGU ang kampanya natin sa pag-mitigate ng impact ng El Niño gaya ng pagtitipid…
Read MoreSOLON: AGRI SECTOR ‘DI AASENSO KAY BBM
(BERNARD TAGUINOD) HUWAG nang umasang aasenso pa ang sektor ng agrikultura kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Reaksyon ito ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro matapos aprubahan ni Marcos Jr. ang pag-angkat ng 150,000 metric tons ng asukal na karagdagan sa mga naunang inangkat. “It would be a monumental task indeed for the agricultural sector to improve when the default position of the Marcos administration thru the Department of Agriculture (DA) is to import agricultural products,” ani Castro. Imbes aniyang tutukan ang pagpapaunlad sa…
Read MorePresyo ng sibuyas hindi maibaba BBM NANGANGAMOTE BILANG DA SECRETARY
(CHRISTIAN DALE) HINDI pa rin masolusyunan ng Department of Agriculture (DA) ang pagtaas ng presyo ng sibuyas sa kabila ng ikinasang importasyon kamakailan. Ang DA ay pinangangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang pansamantalang kalihim. Ayon sa DA, pinag-aaralan nito ang lahat ng opsyon kabilang na ang posibilidad na mag-angkat para mapababa ang presyo ng sibuyas. Sa isang panayam, sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na nakikipag-ugnayan na sila sa onion farmers para matukoy kung paano nila maibababa ang farm gate price, na kasalukuyang nasa P100 hanggang P120 kada…
Read MorePresyo tumataas na naman BBM ADMIN PATULOY AANGKAT NG SIBUYAS
(BERNARD TAGUINOD) WALANG plano ang gobyerno partikular na ang Department of Agriculture (DA) na tumigil sa pag-angkat ng sibuyas. Ganito ang pagtaya ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa pinakahuling pagdinig ng House committee on agriculture and foods kaugnay ng hoarding, price manipulation at cartel ng sibuyas na naging dahilan kaya umabot sa P750 kada kilo ang presyo nito noong Disyembre. “While the investigation has to come up with concrete recommendations, the Marcos Jr. administration continues to insist on onion importation,” pahayag ni Brosas. Imbes aniya na paunlarin ng DA…
Read MoreCABINET POSITION ‘DI DAPAT TUNTUNGAN SA ELEKSYON
KAILANGANG magtalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng mga miyembro ng Gabinete na walang ambisyong pulitikal sa 2025 midterm election upang hindi mahati ang kanilang atensyon sa trabaho. Ito ang mungkahi ni House minority leader Marcelino Libanan kasunod ng nakatakdang pagbalasa ni Marcos sa kanyang Gabinete kung saan maingay ang ulat na marami sa mga natalong kandidato noong 2022 ang itatalaga nito. “Our suggestion is for the President to appoint highly capable department heads who can focus entirely on their jobs until 2028, and who do not have any…
Read MoreRIGODON SA GABINETE NI MARCOS JR. KASADO
(CHRISTIAN DALE) TIYAK na ang pagbabagong-bihis sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatapos ng appointment ban sa mga talunang kandidato na tumakbo noong nakaraang eleksyon sa bansa. Ang pagtatapos ng appointment ban ay nitong Mayo 9, 2023. Inamin ng Pangulo na masigasig siyang magtalaga ng ilang indibidwal sa ilang posisyon na hindi na sakop ng prohibisyon. “Marami. Talagang gagamitin mo ‘yung one year. Asahan niyo ‘yun. By the end of the first year magiging maliwanag in the sense na tapos na yung OJT ng lahat ng tao. We’ve…
Read MorePAGSASAPINAL NG COC SA SCS ITUTULAK NI BBM
HIHIKAYATIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang mga kapwa-Southeast Asian leaders sa 42nd ASEAN Summit na maghanap ng paraan para isulong ang pagsasapinal ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea (SCS). Layon nito na pagaanin ang tensyon sa pinagtatalunang katubigan. “So yes, I will bring it up again because when we talk about – when we talk about the issues on the West Philippine Sea, South China Sea, hindi magkakalma ‘yan hanggang mayroon na tayong Code of Conduct,” ayon kay Pangulong Marcos nang tanungin kung muli…
Read More