Hamon kay BBM 14M PAMILYA IAHON SA HIRAP

HINAMON ng isang mambabatas sa Kamara si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na iahon sa hirap ang may 14 milyong pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagtataas ng sahod ng mga manggagawa. Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang hamon matapos lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) na umaabot sa 14 milyong pamilyang Pilipino ang ikinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap. “Hindi pwedeng ibangko na lamang ang mga batas na nagsusulong ng pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa. Hindi pwedeng magbulag-bulagan ang gobyerno sa matagal nang panawagan…

Read More

VP SARA HINDI NA SOLONG CARETAKER SA PAG-ALIS NI PBBM PATUNGONG INDONESIA

BUMUO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng caretaker committee para magsilbing tagapangalaga ng bansa habang siya ay nasa Indonesia para magpartisipa sa 42nd ASEAN Summit. Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, si Vice President Sara Duterte ang magsisilbing chairperson ng komite. Ang mga miyembro naman ay sina Bersamin at DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga. Bago lumipad patungong Indonesia ang Pangulo ay pinirmahan nito ang administrative order para rito. Sinasabing, ito ang unang pagkakataon na bumuo ng komite ang Chief Executive sa kanyang paglabas ng bansa o ang magtalaga ng tatlong…

Read More

SOLON: PANALO NI BBM BUNGA NG DISINFORMATION

PRODUKTO ng disinformation campaign hinggil sa umano’y “golden age” noong panahon ng Martial law ang naging daan kaya nanalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong nakaraang presidential election. Sagot ito ni Albay Rep. Edcel Lagman sa pahayag ni Marcos Jr., sa isang interview sa United States (US) kamakalawa, na hindi na bumenta ang mga isyu noong panahon ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. dahil ang iniisip ng mga tao ay kinabukasan at hindi ang nakaraan. “His victory was principally the result of years of massive…

Read More

PBBM BINIGYAN NG FULL MILITARY HONORS SA PENTAGON

GUMAWA ng kasaysayan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang kauna-unahang foreign head of state na binigyan ng “full honors” sa The Pentagon sa ilalim ng administrasyon ni US President Joseph Biden. Si US Secretary of Defense Lloyd J. Austin ang nag-welcome kay Pangulong Marcos sa Pentagon. Sinabi ng US Dept. of Defense Protocol office na ang full honors na ibinigay sa Pangulo ay unang ipinagkaloob sa foreign head of state o gobyerno sa ilalim ng administrasyong Biden. Sa kanilang pagpupulong, nagpahayag si Austin ng commitment ng kanyang bansa para…

Read More

KMP: BBM LAMYERDA INUNA KAYSA PAGHAHANDA SA EL NIÑO

IMBES paghandaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang El Niño phenomenon ay naglalamyerda ito. Akusasyon ito ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) dahil matapos ang US State visit ng Pangulo na siya ring Department of Agriculture (DA) secretary ay tutungo naman ito sa London para dumalo sa koronasyon ni King Charles. “Sa halip na maghanda para sa kalamidad ng El Niño at epekto nito sa agrikultura, naglalamyerda na naman ang Pangulo at DA Secretary na papunta naman sa London para sa koronasyon ni King Charles,” ayon kay KMP chairman…

Read More

75K PINOY SEAFARERS KUKUNIN NG US FIRM

MAG-EEMPLEYO ang isang US firm ng 75,000 Filipino seafarers sa susunod na tatlo hanggang apat na taon. Sa isang pulong kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Washington, sinabi ni John Padget, presidente at CEO ng Carnival Corp. na ang kanyang “group of companies” ay nakatakdang mag-hire ng Filipino seafarers. Si Padget, kumakatawan din sa Carnival Cruise Line, Holland American Airlines and Seaborn, ay pinuri ang mga manggagawang Pilipino sa kanilang “hospitality at competitiveness” sa global workforce. “It doesn’t matter whether it’s the marine, deck, hospitality, restaurant…everything is based…

Read More

Sa BBM admin may importasyon na, may smuggled pa pero.. PRESYO NG ASUKAL MAHAL PA RIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINDI pa rin nasosolusyunan ng pamahalaan ang mataas na presyo ng asukal sa kabila ng mga ikinasang importasyon ng suplay nito. Sa price monitoring ng Sugar Regulatory Administration (SRA), lumilitaw na tumaas ng hanggang P136 kada kilo ang retail price ng asukal sa supermarkets sa kabila ng pagbuhos ng inangkat na asukal sa merkado. Matatandaan na una nang pinayagan ng pamahalaan ang pag-angkat ng 440,000 metrikong tonelada ng asukal sa ilalim ng Sugar Order No. 6 para umano mapababa ang presyo sa pamilihan. Naglalaro sa pagitan…

Read More

Sa paghaharap nina Marcos Jr. at Biden ‘PARTNERSHIPS’ NG PH-US PINAGTIBAY

PINAGTIBAY nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joseph Biden ang serye ng “partnerships” na naglalayon palakasin ang alyansa ng Maynila at Washington. Sa isang joint statement, kapwa pinuri nina Pangulong Marcos at Biden ang “remarkable ties of friendship, community, and shared sacrifice that serve as the foundation of the U.S.-Philippines alliance.” “In efforts to promote inclusive and broad-based prosperity, invest in the clean energy transition and the fight against climate change, uphold international peace and stability, and ensure respect for human rights and the rule of law,…

Read More

BBM DEDMA SA OBRERO ‘DI KASI ‘NAGBABANAT NG BUTO’ – LABOR GROUP

HINDI na ipinagtaka ng isang dating kongresista ang inasal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bumiyahe sa Amerika imbes na harapin ang mga manggagawang Pinoy sa Araw ng Paggawa dahil hindi nito alam ang pinagdadaanan ng mga anakpawis. Ginawa ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, acting chairman ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang pahayag dahil nasa Amerika si Marcos habang ginugunita ng mga obrero ang Labor Day noong Lunes. “Mismong si Marcos na ang naglantad ng sariling kawalang pakialam sa anakpawis. Palibhasa’y hindi nagbabanat ng…

Read More