SONA NI BBM DRAWING – TEVES 

MULING nagpakawala ng banat  si Negros Oriental 3rd district Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr sa ikalawang naging  State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naging taliwas ang mga sinabi ng pangulo sa bayan sa totoong kalagayan ng mas maraming Pilipino na naghihirap sa walang prenong pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Unang pinuna ni Teves ang pagkabigo ni Marcos Jr. sa pangako nitong magiging abot kaya ng Pinoy ang bigas ngunit ito ay mas lalo pang lumolobo kung kayat ang presyo ng bigas ay hindi na maawat dahil na rin sa smuuglers na mas nakikinabang sa panahon ngayon na hinahayaan lamang ng administrasyon.

Ang rice tariffication law na layunin sanang mapababa ang presyo ng bigas ay naging isang panaginip na lamang na ayon na rin sa Department of Agriculture (DA) ay malabong maibaba sa target na presyo ng nito. Dahil dito ay inaasahang mas marami pa ang bilang ng mga nagugutom na hindi nakikita at itinatago sa publiko.

Matapang na pinuna rin ng kongresista ang pambobola ng Pangulo upang mapagtakpan ang kapalpakan ng kanyang pamamahala sa bansa isa na rito ang lalong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na ramdam ng mas maraming kababayan natin na halos wala ng maiuwing kita sa kanilang pamilya isa na rito ang mga jeepney drivers na mas tinamaan sa pagtaas ng diesel.

Nakakabahala rin ani Teves ang pagtaas ng krimen sa bansa na mas delikado na ang buhay ngayon ng mga ordinaryong mamamayan dahil sa ibat-ibang uri ng scam, kaliwat kanang pagpatay at maging ang pagkalat sa kalsada ng iligal na droga na resulta ng pagkalulong sa bawal na gamot at pagkasira ng maraming pamilya.

Sa kabila ng paglobo ng utang ng bansa na umaabot na sa 14.1 trillion ay mas itinulak pa ni Marcos Jr. ang Maharlika fund na mas lalo pang magpapalubog sa ekonomiya dahil magkakaroon ng utang ang bawat Pilipino ng P113,000.00 at ang resulta nito ay lalo pang magpapataas sa presyo ng mga bilihin.

Naging talamak na rin ang korapsyon ng administrasyon dahil sa mga walang kwentang paggastos ng pamahalaan sa hindi naman kailangan ng mga mamamayang Pilipino isa na rito ang logo lamang ng PAGCOR na umani ng batikos sa mga netizens dahil sa P3 milyon na sinayang at sanay nakatulong pa sa nagugutom na sikmura ng marami. (SAKSI NEWS TEAM)

843

Related posts

Leave a Comment