NCR POSITIVITY RATE UMAKYAT NA SA 50%

PUMALO na sa 50% ang bilis ng hawahan sa COVID-19 sa National Capital Region. Nangangamba si OCTA Research Fellow Guido David na posibleng tumaas pa ito sa mga susunod na araw. Ang positivity rate ay ang porsyento ng bilang ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19 tests. Ang 50% na positivity rate ay nangangahulugan na sa dalawang tests na isasagawa ay isa ang magpopositibo. Nitong Sabado, nakapagtala na ng 43.7% na positivity rate sa 77,004 indibidwal na isinalang sa tests. Nahigitan na nito ang 21% positivity rate na siyang pinakamataas…

Read More

TOTAL LOCKDOWN HINDI IDEDEKLARA Pero Alert Level 4 posible – Nograles

TINIYAK kahapon ng Malacañang sa publiko na hindi magdedeklara ang gobyerno ng “total lockdown” para mapigil ang kasalukuyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Kasabay nito, itinanggi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang kumakalat na voice clip na nag-aabiso sa publiko na mag-stock ng essential supplies dahil sa posibleng pagpapatupad ng lockdown at martial law ng pamahalaan. Tiniyak ni Nograles sa publiko na ang imbentaryo ng bansa para sa mga pangunahing bilihin ng pagkain, partikular na ang bigas, ay sapat. Sa kabila nito, sinabi ni…

Read More

BAKUNAHAN SA 5-11 ANYOS SISIMULAN SA PEBRERO

TARGET ng Department of Health (DOH) na umpisahan ang bakunahan para sa 5-11 age group sa Pebrero gamit ang Pfizer vaccine kontra COVID-19. Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, head ng National Vaccination Operations Center (NVOC). Aniya, hinihintay na lamang nila ang pagdating ng Pfizer jabs para sa mga bata na may naturang edad. Ipinaliwanag niya na kaiba ito sa formula ng bakuna na ibinigay sa kabataan na nasa 12-17 age group. “Ang tinitingnan nating date, earliest first week of February maumpisahan natin ‘yung pagbabakuna ng ating 5…

Read More

DRIVE-THRU COVID -19 BOOSTER SHOTS SINIMULAN SA MAYNILA

SINIMULAN na ang drive-thru booster vaccination para sa motorcycle at bicycle riders nitong Sabado sa lungsod ng Maynila. Ang pagtatayo ng naturang special drive-thru vaccination hub ay ipinag-utos ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential candidate Francisco “Isko Moreno” Domagoso, para kaagad na mabigyan ng booster shots ang mga rider ng bisikleta at motorsiklo. Pinasalamatan naman ni Moreno ang 1,000 miyembro ng iba’t ibang bike at motorcycle riders’ organizations na nagpabakuna para mabigyan sila ng ekstrang proteksiyon laban sa COVID-19. Ayon sa alkalde, sa tulong nina Vice Mayor Honey Lacuna,…

Read More

CURRY, DURANT UNA SA ALL-STAR VOTING

NANGUNA sina Golden State Warriors guard Stephen Curry at Brooklyn Nets forward Kevin Durant sa unang resulta ng fan voting para sa NBA All-Star Game, ayon sa pahayag ng liga Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila). Nitong nakaraang buwan lang, sinira ni two-time league Most Valuable Player at 3-time champion Curry ang NBA career record for 3-point baskets sa ­itinalang 2,974th, na ­malaking paktor sa ­ pangunguna niya sa Western Conference guards na may 2,584,623 votes. Habang ang 2014 MVP, two-time champion at current NBA scoring leader na si Durant…

Read More

Paglilinaw ng Palasyo ‘NO VAX, NO LABAS’ EPEKTIBO NATIONWIDE

NILINAW ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na paiiralin sa buong bansa ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pigilan sa paglabas ang mga unvaccinated individual. Sa kanyang ‘Talk to the People’, inatasan ni Pangulong Duterte ang local government officials na tiyaking hindi makalalabas ng tahanan ang mga hindi bakunado maliban na lamang kung ito ay essential. Dapat aniyang hilingin ng mga opisyal ng barangay sa mga residenteng kanilang nasasakupan na hanggang ngayon ay hindi pa bakunado laban sa COVID-19 na manatili sa kanilang bahay. “In…

Read More

Hindi nakadalo sa Comelec prelim hearing BBM NA-EXPOSE SA COVID POSITIVE STAFF; NAG-ISOLATE

AGAD nag-isolate si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. matapos ma-expose sa dalawang tauhan na kapwa nagpositibo sa COVID-19. Dahil dito, hindi nakadalo si Marcos, Jr. sa preliminary hearing ng Commission on Elections (Comelec) kahapon kaugnay ng mga petisyon laban sa kanyang pagtakbo sa 2022 elections. Sa pamamagitan ng kaibigan na si former congressman Anton Lagdameo, humingi ng paumanhin si Bongbong sa Comelec, partikular kay Presiding Judge Rowena Guanzon, sa anomang abala, kung mayroon man, na idinulot ang kanyang hindi pagdalo. Ani Lagdameo, “two personalities who’re…

Read More

BOOSTER SHOTS DALHIN SA PALENGKE – DEFENSOR

HINDI dapat maging balakid ang limitadong galaw ng mga residente ng Metro Manila sa pagbabakuna kontra COVID-19, partikular sa pagtuturok ng booster shots para sa karagdagang proteksyon sa gitna ng peligrong dala ng mas nakakahawang Omicron variant. Ang solusyon ni Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor, mobile booster teams na iikot sa mga komunidad na sakop ng National Capital Region (NCR) para sa pinaigting na turukang dadalhin sa mga pamilihang bayan – kung hindi man kayang ibahay-bahay. Aniya, ang pagtatalaga ng mobile booster team ang pinakamainam na paraan upang hindi maantala…

Read More

‘NO VAX, NO LABAS’ DIN SA CALABARZON

PAIIRALIN din sa Calabarzon ang resolusyon ng Metro Manila mayors na naglilimita sa paggalaw ng mga unvaccinated o hindi pa bakunadong indibidwal. Inihayag ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos maglabas ang regional task force COVID-19 ng Calabarzon ng isang memorandum na naglalayong i-adopt o ipatupad na rin sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon ang ‘no bakuna, no labas’ policy ng National Capital Region (NCR). Sa kabilang dako, hinimok ng RTF- Calabarzon ang lahat ng local task forces sa rehiyon na pairalin na sa kanilang…

Read More