(JESSE KABEL/BERNARD TAGUINOD) NAPIPINTONG umiral na naman ang mga lockdown at muling pagpapagamit ng face shield ngayong may banta ng Omicron strain ng Coronavirus na kumakalat na sa ilang bahagi ng mundo. Kaugnay nito, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa sila sakaling magpatupad ng hard lockdown ang Inter-Agency Task Force (IATF). Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, hindi na ito bago sa PNP, at mayroon na silang template o gagayahing estratehiya katulad noong unang pinairal ang pinaka-istriktong quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa. Gayunman, aminado ang…
Read MoreCategory: COVID-19
BAKUNA SA 3-DAY NAT’L VAX PROGRAM NAIPAMUDMOD NA
HANDANG-HANDA na ang pamahalaan sa three-day national COVID-19 vaccination program na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. “Lahat po, iyong deployment, lahat ng assignments, lahat ng tasking at responsibilities down to the regional level at pakikipag-ugnayan po natin sa mga LGUs ay napaghandaan na po nating lahat,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. “Nag-meeting na naman kami sa IATF kahapon to, again, emphasize and remind. At sa araw na ito and sa susunod pang mga araw na naiiwan before the November 29 ay patuloy pa…
Read MorePINAS NAKAPAGTUROK NA NG 79.6M DOSES NG COVID-19 VACCINE
INANUNSYO ng Malakanyang na umakyat na sa 79.6 milyong doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok na ng gobyerno sa buong bansa. Mula sa bilang na ito ay 19.8 milyon ang napunta sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na 45.32% ng target population ng gobyerno sa buong bansa ay fully vaccinated na laban sa virus. Katumbas aniya ito ng 34.9 million na mga Pilipino. Sa Kalakhang Maynila naman, 95.11% ng target population sa rehiyon ay fully vaccinated na rin…
Read MoreMANDATORY VAX ITUTULAK NI GALVEZ
BUKAS si National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na itulak ang mandatory vaccination dahil na rin sa patuloy na nakatatanggap ang bansa ng mas maraming suplay ng bakuna laban sa COVID-19. “Talagang darating ang araw na ‘yan dahil kasi dati hindi natin imamandato ang bakunahan kasi wala pa tayong supply. Ngayon maganda na ang supply natin at saka gusto nating maprotektahan yung karamihan, ayon kay Galvez sa isang panayam sa isinagawang ceremonial booster vaccination ng senior citizens at immunocompromised persons sa Batangas City. Tinukoy…
Read MorePAGBABAKUNA SA EDAD 5-11 PAG-AARALAN NG IATF
KAILANGAN munang pag-aralan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung kapaki-pakinabang ba talaga ang pagbabakuna sa mga batang may edad na 5 hanggang 11 laban sa COVID-19. Sa Laging Handa press briefing, tinukoy ni National Task Force (NTF) against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na ang mga batang may kinatatakutang coronavirus ay kadalasang mayroon lamang “very mild symptoms” gaya ng ubo at lagnat. Mayroon naman aniyang ilang minor COVID-19 patients ang nagkakaroon ng multi-organ dysfunctions kapag ginamot na sa intensive care unit (ICU)…
Read MoreHIGIT 3M MINORS BAKUNADO NA
MAHIGIT tatlong milyong kabataan na may edad 12 hanggang 17 ang bakunado na laban sa COVID-19. “I am very pleased to know that we have already vaccinated more than three million minors aged 12 to 17 as of today (Martes). Marami yan, three million,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People. Ang pagbabakuna sa lahat ng menor de edad o 12-17 ay sinimulan noong Nobyembre 3, 2021 sa National Capital Region habang ang nationwide implementation ay noong Nob. 5. Sa kabilang dako, sa Enero 2022…
Read MoreNASAL COVID-19 VAX STUDY SINIMULAN
PATULOY ang gobyerno sa pagsasagawa ng mga research study at clinical trial hinggil sa mga COVID-19 vaccine na inaangkat ng Pilipinas mula sa ibang bansa. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOST vaccine expert panel head Dra. Nani Gloriani, kailangang magpatuloy ang kanilang mga pag-aaral ukol dito lalo na ngayon na marami pang bagong Covid vaccines ang nalilikha na mas ligtas at mas epektibo. Kung mapapansin aniya, puro injectable pa lamang ang mga available na bakuna sa bansa pero posibleng mayroon nang dumating na intranasal administered vaccine o iyung ipadadaan…
Read MoreQUARANTINE DAPAT NANG ALISIN SA BALIKBAYAN
MAKAKAPILING ng mga balikbayang Pilipino ang kanilang pamilya nang mas maraming araw kung di na sila mandatong sumailalim sa limang araw na quarantine kung sila ay kumpletong bakunado at negatibo sa Covid swab test sa loob ng tatlong araw ng pagdating sa Pilipinas. Iyan ang mungkahi sa Pamahalaang Duterte ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) dahil sa dagsa ng kahilingan ng mga pauwing Pilipino sa United States na alisin na ang quarantine na nag-uudlot sa pagkikita ng mga magka-pamilya bukod sa dagdag-gastos pa. “Sandamakmak ang may gusto at may planong…
Read MoreIATF NAGTAKDA NG BAGONG QUARANTINE, TESTING PROTOCOLS SA INBOUND TRAVELERS
NAGPALABAS ng bagong quarantine at testing protocols ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mga Pilipino at foreign travelers na manggagaling sa green, yellow, at red list territories, epektibo Nobyembre 22, 2021. Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na hindi pa rin makapagdesisyon ang Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases kung bubuksan ang bansa sa mga turista. Ang mga fully vaccinated Filipino mula sa green list countries ay maaaring pumili na sumailalim sa negative reverse transcription-polymerase…
Read More