INIREKOMENDA ng World Health Organization (WHO) nitong Huwebes ang pagbibigay ng third dose ng COVID-19 vaccine sa mga taong may immunocompromised condition o hindi kayang makapag-develop ng full immunity matapos ang dalawang doses. “We are now in a position to say that for people with immunocompromised conditions who have been unable to develop full immunity, WHO is supporting a third dose as an extended primary course,” ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque. “Even if they are less…
Read MoreCategory: COVID-19
AYAW MAGPABAKUNA TURUKAN HABANG TULOG – DUTERTE
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na magmamatigas pa rin o ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 at bakunahan ang mga ito habang natutulog. Layon nito na makamit ang herd immunity laban sa virus. “Alam kong marami pang ayaw. ‘Yan ang problem, ‘yung ayaw magpabakuna. Kaya hanapin ninyo ‘yan sa barangay ninyo. Akyatin natin pagtulog at turukin natin habang natutulog para makumpleto ang istorya,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Martes. “Kung ayaw, akyatin sa bahay, tusukin sa…
Read More50% POPULATION FULLY VACCINATED SA DISYEMBRE
KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na 50% sa bansa o 109 milyong populasyon ang magiging fully vaccinated laban sa COVID-19 bago mag-Pasko. Ang pahayag na ito ng pangulo ay bunsod na rin ng ulat na may 23 milyong Filipino na ang fully vaccinated. Sa Kalakhang Maynila, 77% ng mga residente ang fully vaccinated. “The challenge is now to further speed up our vaccination rollout, especially in the provinces, in the key cities and municipalities to achieve our target of at least 50% of the country’s target population by the…
Read MoreSa matatandang naturukan ng China vax BOOSTER SHOT INIREKOMENDA NG WHO
REKOMENDADO ng World Health Organization Organization (WHO) na bigyan ng booster shot ang matatandang unang naturukan ng Sinovac at Sinopharm COVID-19 vaccines at maging mga indibidwal na may mahinang ‘immune system’. Pero nilinaw ng Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) na hindi nila inirerekomenda ang pagbibigay ng booster shot sa mayorya ng populasyon kahit ginagawa na ito sa ibang bansa. Sa halip, nais ng WHO na magpatupad ng moratorium sa booster doses hanggang hindi nababakunahan ang mga populasyon ng mahihirap na bansang kapos pa sa suplay ng bakuna.…
Read MoreMas makahihikayat kaysa raffle VACCINATION REGISTRATION GAWING SIMPLE
HINDI raffle kundi ang madali at maayos na pagpaparehistro sa mga local government units (LGUs) ang sagot para makumbinsi ang publiko na magpabakuna. Reaksyon ito ni House committee on ways and means chairman Joey Salceda matapos maglaan ang Department of Health (DOH) ng P3 million na ipara-raffle sa mga magpapabakuna. “Vaccination incentive, easy registration better than raffle in encouraging Pinoys to get COVID-19 jabs,” ayon sa mambabatas. Ayon sa mambabatas, marami pa rin ang hirap makapagrehistro sa pamamagitan ng online sa kanilang LGUs lalo na sa mga probinsya kung saan…
Read MoreKahit fully vaccinated CLOSE CONTACT NG MAY COVID 7 DAYS I-QUARANTINE – IATF
DAPAT pa ring mag-quarantine ang isang indibidwal na fully vaccinated hanggang 7 araw kapag nagkaroon ng exposure sa isang probable o confirmed COVID case. Ito ang nakasaad sa IATF Resolution 142 na inilabas ng Task Force. Ganunpaman, applicable lamang ito, ayon kay IATF at Presidential spokesperson Harry Roque sa mga asymptomatic fully vaccinated. Nakapaloob din sa inilabas na IATF Resolution na kailangang maisagawa ang RT-PCR test makalipas ang limang araw na makasalamuha ang fully vaccinated sa pinaghihinalaan o positibong indibidwal na tinamaan ng virus. Para sa mga closed contact na…
Read MoreUPDATED TESTING AT Q PROTOCOLS INILATAG NG IATF
INAPRUBAHAN at nagbigay ng updated report ang Inter-Agency Task Force (IATF), ukol sa testing at quarantine protocols para sa international arriving passengers na manggagaling mula sa “Green” at “Yellow” List of countries/ territories/jurisdictions epektibo, Oktubre 8, 2021. Ang mga fully vaccinated individuals na manggagaling mula sa “Green” o “Yellow” List ay kailangan na sumailalim sa facility-based quarantine hanggang sa mapalabas ang kanilang negative RT-PCR testing na kinuha sa ikalimang araw. Kailangan din na sumailalim ang mga ito sa home quarantine hanggang sa ika-10 araw, ang unang araw ay ang araw…
Read MoreNapag-iwanan sa bakuna COVID CASES TUMAAS SA NEGROS ISLAND
HINDI prayoridad ng gobyerno ang Negros Island noong mga nakalipas na buwan pagdating sa pagbabakuna. Ito ang dahilan, ayon kay IATF Chief implementer for Visayas Gen. Melquiades Feliciano kung bakit 90% ng mga nahahawa ng COVID-19 sa lugar na ito ay pawang unvaccinated. Ani Feliciano, sa Laging Handa public briefing, dahil din dito kaya’t madalas nagkukulang ng COVID-19 vaccines ang mga lokal na pamahalaan sa nasabing isla na sinabayan pa ng pagdadalawang-isip ng mga tagaroon. Subalit, ngayong bulto-bulto na aniya ang pagdating ng bakuna, naniniwala si Feliciano na mabibigyan na…
Read MorePasyenteng positibo nabawasan na PGH ICU BEDS PUNO PA RIN
BAGAMAT nakapagtala na ng mas mababang bilang ng ng mga pasyenteng positibo sa nakamamatay na COVID-19 kumpara sa nakaraang dalawang linggo, nananatili namang puno pa rin ang Intensive Care Unit (ICU) ng Philippine General Hospital (PGH). Pag-amin ni Dr. Jonas del Rosario na tumatayong tagapagsalita ng PGH, nasa critical level pa rin ang kanilang pagamutan, lalo pa’t 237 pang pasyenteng positibo ang nasa kanilang pangangalaga. Aniya, nasa 75% pa rin ang kanilang occupancy rate, at marami aniya sa kanilang mga pasyente ay nasa kritikal na kondisyon – dahilan kung bakit…
Read More