COVID DEATH TOLL SA MALABON, UMAKYAT SA 700

UMABOT na sa 700 ang COVID-19 death toll sa Malabon City matapos na tig-isang pasyente sa mga barangay ng Baritan at Catmon ang binawian ng buhay noong Enero 28. Ayon sa City Health Department, 30 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw mula sa Barangays Catmon (3), Ibaba (2), Longos (6), San Agustin (2), Tañong (3), Tonsuya (7), at Tugatog (7). Sa kabuuan ay 25,059 ang positive cases sa siyudad, 152 dito ang active cases. Habang 35 ang bilang ng mga gumaling mula sa Barangays Catmon (2), Concepcion (2),…

Read More

Sa Bloomberg COVID-19 resilience ranking PILIPINAS KULELAT NA NAMAN

MULING nalagay sa kulelat na pwesto ang Pilipinas pagdating sa COVID-19 resilience ranking ng isang international firm. Tinawag ng Bloomberg na “the best and worst places to be as we learn to live with COVID”, ang pinakabagong listahan na kinabibilangan ng Pilipinas. Kabilang sa pamantayan sa resilience score kung paano tinutugunan ng 53 mga bansa ang pandemya, ang vaccination coverage, virus containment, mga ipinatupad na lockdown, kalidad ng healthcare system, muling pagsisimula ng pagbiyahe, at overall mortality. Ito na ang ikatlong pagkakataon sa nakalipas na limang buwan na kulelat sa…

Read More

GOBYERNO, PINAGHAHANDA SA PAGTAAS PA NG COVID-19 CASES

HINIMOK ni Senador Leila de Lima ang gobyerno na tiyakin ang kahandaan sa posibilidad ng pagtaas pa ng kaso ng COVID 19 dahil sa posibleng pag-usbong pa ng mga bagong variant. Sinabi ni de Lima na dapat laging handa ang gobyerno sa mga dagdag na kaso ng COVID 19 upang maiwasang madagdagan pa ang mga namatay o nahihirapang pasyente. Iginiit ng senador na dapat maglaan ang gobyerno ng sapat na pondo upang labanan ang pagtaas pa ng kaso ng COVID at magpatupad ng pandemic-related responses. Binigyang-diin ni de Lima na…

Read More

5 COVID DEATHS NAITALA SA MALABON, 3 SA NAVOTAS

LIMANG COVID patients ang binawian ng buhay sa Malabon City noong Enero 20 mula sa mga barangay ng Longos (1), Niugan (2), San Agustin (1), at Tugatog (1) at sumipa na sa 689 ang COVID death toll sa lungsod. Ayon sa City Health Department, 178 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw mula sa Barangay Acacia (2), Bayan-bayanan (6), Catmon (40), Concepcion (14), Dampalit (2), Flores (3), Hulong Duhat (11), Longos (24), Maysilo (3), Muzon (3), Niugan (2), Potrero (14), San Agustin (11), Tañong (8), Tinajeros (3), at Tugatog…

Read More

DUDA SA BAKUNA NABAWASAN – SWS

KUNG pagbabatayan ang resulta ng pinakabagong survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS), maliit na bahagi na lang ng populasyon ang may agam-agam sa bakuna kontra COVID-19. Lahat ng tatlong kategorya – duda, takot at ayaw magpabakuna, bumagsak sa pinakamababang antas mula ng manalasa ang nakamamatay ng karamdaman. Sa survey na isinagawa noong Disyembre ng nakaraang taon, 8% na lang ng adult respondents ang “ayaw magpabakuna.” Isang porsiyento naman ang nagsabing “malamang hindi na sila magpabakuna.” Sa datos ng SWS, higit na mababa ang antas ng vaccine hesitancy sa…

Read More

APAT NA LALAWIGAN ITINAAS SA ALERT LEVEL 4

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), ngayong Huwebes, Enero 20, 2022, na ilagay sa ilalim ng Alert Level 4 ang Kalinga, Ifugao at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region, at maging ang lalawigan ng Northern Samar. Sa kabilang dako, ang mga sumusunod na lugar na inilagay naman ng IATF sa Alert Level 3 ay ang: · Luzon: Apayao, Puerto Princesa City and Masbate · Visayas: Siquijor · Mindanao: Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay sa Region 9; Lanao del Norte sa Region 10; Davao de Oro at Davao Oriental sa…

Read More

DENGVAXIA PUBLICITY, BAHAGI NG PAG-AALINLANGAN NG PUBLIKO SA COVID-19

NANINIWALA si Senate Minority Leader Franklin Drilon na bahagi ng pag-aalinlangan ng taumbayan sa bakuna kontra COVID 19 ang pinangunahang Dengvaxia publicity ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta. Sinabi ni Drilon na sa ngayon nasa 54 percent pa lamang ang vaccination rate ng bansa at isa sa pinakamababang numero kumpara sa ibang bansa. Ipinaliwanag ng senador na mahalagang sangkap sa paghikayat sa taumbayan na magpabakuna kontra covid 19 ang kredibilidad ng gobyerno. Ipinaalala ng mambabatas na nakakaraos pa lamang ang bansa sa Dengvaxia fiasco na naging malaki ang…

Read More

SA HALIP IPILIT, PAGHIMOK SA PAGBABAKUNA PALAKASIN

DAPAT palakasin ng gobyerno ang kampanya na mahimok ang di-bakunadong indibidwal na piliin ang magpaturok ng COVID-19 vaccine upang maprotektahan ang kanilang sarili at pamilya sa halip na ipagpilitan ito dahil walang batas sa bansa na nagsasabi na mandatory ang pagbabakuna, ayon kay Sorsogon Gov. Chiz Escudero. Ipinaliwanag ni Escudero na naka-emergency use authorization o naka-EUA pa rin hanggang ngayon sa Food and Drug Administration ang lahat ng bakunang mayroon sa Pilipinas kung kaya hindi ito puwedeng ipagpilitan sa mga mamamayan. “Naka-EUA pa ang mga bakunang ito at ibig sabihin…

Read More

Magbabakuna kontra COVID-19 PHARMACIST BIGYAN DIN NG SRA

MANILA – Hiniling ni Senator Joel Villanueva na mabigyan rin ng benepisyo ang mga nagtatrabaho sa mga pribadong botika na magsisimula nang magbakuna kontra COVID-19 tulad ng mga healthcare workers o HCWs sa ilalim ng 2022 national at iba pang mga kaugnay na batas. “Ang posisyon po natin sa isyung ito ay dahil ang kanilang gagawin ay essentially frontline anti-COVID work, kaya nararapat lang na bigyan sila ng Special Risk Allowance na binibigay natin sa ating mga healthcare workers,” ani Villanueva, chair ng Senate labor and employment committee. “Kapag po…

Read More