17 DISTRITO, BUMIDA SA 121st ANIBERSARYO

KASABAY ng pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Bureau of Customs (BOC), binigyang pagkilala ang mga natatanging opisyales at empleyado ng kawanihan. Tampok ang parangal na iginawad sa BOC-Port of Batangas District kaugnay ng agresibong kampanya laban sa smuggling at katiwalian sa nasasakupang distrito. Maliban sa BOC-Batangas, pasok din sa talaan sina BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan at Deputy Port Collector Atty. Lourdes Mangaoang. Pinarangalan din ang Ports of Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Tacloban, Surigao, Cagayan de Oro, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparri, Limay, Manila, San Fernando, Manila International Container Port,…

Read More

CONSIGNEE DAKIP SA P16.8M DROGA

TIMBOG sa isang operasyon kontra drug smuggling ang isang consignee kaugnay ng P16.8-milyong halaga ng drogang ikinubli sa balikbayan box na inilipad pa mula sa bansang Estados Unidos. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), unang nabisto ang nasa 12 kilong ‘kush’ na isinama sa mga dapat sana’y pasalubong na karaniwang laman ng mga balikbayan box na nakalagak sa People’s Air Cargo (Paircargo) sa Lungsod ng Pasay. Batay sa rekord ng kawanihan, idineklarang ‘personal effects’ ang kargamentong lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula pa sa State of California,…

Read More

RUIZ OUT, RUBIO IN SA BOC

Ni JOEL O. AMONGO SA gitna ng kabi-kabilang imbestigasyon sa malawakang illegal smuggling sa bansa, sinibak sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasabay ng anunsyo ng paghirang kay Bienvenido Rubio bilang bagong Commissioner ng Bureau of Customs (BOC). Sa anunsyo ng Presidential Communications Office (PCO), walang inilahad na dahilan sa likod ng pasya ng Palasyo. Bago pa man itinalagang kapalit ni Ruiz, nagsilbi si Rubio bilang Director ng BOC Port Operations Service at officer-in-charge ng Assessment and Operations Coordinating Group ng nasabing kawanihan.…

Read More

BABALA KONTRA DOROBO

HINDI kailanman pinahihintulutan ng Bureau of Customs (BOC) ang pagbabayad ng buwis at taripang kalakip ng mga bagahe at kargamento gamit ang personal na virtual wallet, ba­yad center o bank transfer na nakapangalan sa isang indibidwal. Paglilinaw ng BOC, isang malinaw na panloloko ang mga mensahe ng isang grupong nagkukunwari di- umanong kawani ng natu­rang ahensya. Hindi rin anila polisiya ng BOC ang tumawag o magpadala ng mensahe para maningil. “BOC officials, including the BOC Customer Assistance and Response Services, do not directly communicate with parcel recipients via phone call,…

Read More

CLAIMANT DAKIP SA P10-M KETAMINE

HINDI na nagawa pang pumalag ng isang banyaga matapos dakpin ng mga operatiba sa aktong pagtanggap ng tinatayang P10-milyong halaga ng ketamine mula sa bansang Malaysia. Arestado sa controlled delivery operation na ikinasa ng Bureau of Customs – Port of Clark, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Clark International Airport Drug Inter-Agency Task Group, National Bureau of Investigation at Philippine National Police (PNP), sa Lungsod ng Pasig ang mestisong Tsino-Malaysian national na nakilala sa pangalang Thai Lian Shiong. Sa ulat ng BOC-Clark, kumpiskado rin ang mahigit sa dalawang kilo…

Read More

P18.6-M IMPORTED ONION, BULILYASO SA ZAMBO

SA gitna ng mainit na kontrobersiyang kinasasangkutan ng bayaw ng Pa­ngulo, nasa P18.6-milyong halaga ng mga imported na sibuyas ang nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa Lungsod ng Zamboanga. Sa ulat ng BOC-Port of Zamboanga (BOC-Zambo), timbog sa maritime patrol operation na ikinasa ng Water Patrol Division ang bangkang-de-motor na MV Princess Nurdisza lulan ang 5,611 mesh bags ng red and white onions (katumbas ng P18.6 milyon) sa Barangay Ayala, ng nasabing lokalidad. Hinala ng mga nakasabat na operatiba, dadalhin ang kontrabandong mula sa Tawi-Tawi sa…

Read More

P9.6-M SMUGGLED YOSI, KUMPISKADO SA DAVAO

TUMATAGINTING na P9.6-milyong halaga ng imported na sigarilyong pinaniniwalaang ipinuslit sa bansa ng isang sindikato ang sinamsam ng pinagsanib na ope­ratiba mula sa hanay ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Army sa Davao noong nakalipas na buwan ng Enero. Sa ulat na isinumite ng BOC-Port of Davao sa tanggapan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, hagip sa magkakahiwalay na checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ang mga nabanggit na kontrabando. Ayon kay BOC-Davao District Collector Erastus Sandino Austria, malaking bentahe ang ugnayan sa pagitan ng kawanihan at mga…

Read More

BANYAGA TIMBOG SA P120-M DROGA

Ni JOEL O. AMONGO HINDI nakalusot sa mapanuring mata ng mga opera­tiba ng Bureau of Customs (BOC) ang isang dayuhan sa tangkang pagpupuslit ng tinatayang P120-mil­yong halaga ng droga sa Mactan Cebu International Airport kamakailan. Sa kalatas ng BOC, ares­tado ang South African Pietro Alquo na dumating sa bansa lulan ng Qatar Airways Flight QR 924, mula sa Lungsod ng Doha ng bansang Qatar. Ayon kay BOC-Subport of Mactan collector Gerry Campo, timbre ng isang impormante ang nagtulak sa kanilang mga kawani para abangan ang banyagang una nang iniulat na…

Read More

BOC UMALMA VS. FAKE ACCOUNTS SA SOCIAL MEDIA

MATAPOS makatanggap ng kabi-kabilang reklamo kaugnay ng modus gamit ang pangalan ng mga opisyales at empleyado ng Bureau of Customs (BOC), nagbabala ang kawanihan laban sa mga pekeng account sa iba’t ibang social media platforms. Sa kalatas ng BOC, nanawagan ang ahensya na huwag agad na maniwala sa mga natatanggap na tawag at mensahe ng mga nagpapakilalang BOC personnel na “naniningil” para makuha ang mga padalang bagahe – kung hindi man kargamento. “The accounts are disseminating false information against the agency and its officials and personnel. The Bureau warns all…

Read More