TUMATAGINTING na P4.49 bilyon ang isinampang pondo ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Cebu, para lang sa buwan ng Setyembre. Sa datos ng BOC Financial Service Office, lumalabas na lumabis pa ng mahigit isang bilyong piso ang kabuuang halagang nalikom ng naturang distritong naatasang mangolekta ng P3.354 bilyon mula sa buwis at taripang kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamentong dumadaan sa Port of Cebu. Sa pagtataya ng BOC Financial Service Office, umabot naman sa 33.81 ang naitalang surplus collection ng BOC-Cebu para sa nakalipas na buwan.…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
Nasabat na P6.7B droga, sampol pa lang PUSLIT DROGA SA PINAS HINDI PALALAMPASIN
Ni JOEL O. AMONGO ASAHAN ang mas madalas at mas malaking operasyon kontra droga, ayon kay Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasabay na pagbibigay ng pagkilala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na kapwa sumang-ayon na pangunahan ang naturang operasyon sa Tondo, Maynila. Sa isang pahayag, binigyang halaga ni Ruiz ang pagsasanib pwersa ng tatlong ahensya – PDEA, PNP at Bureau of Customs (BOC). Aniya, naging maingat ng bawat kilos ng tatlong ahensya sa hangaring panatilihin lihim ang bawat detalye ng operasyon batay sa…
Read MoreBOC, PINASOK NA NG MGA MARITES
(JOEL O. AMONGO) HINDI ko lubos maisip kung bakit walang puknat ang pagpapakalat ng tsismis sa Bureau of Customs. Ayon sa mga tinaguriang “Marites,” nakatakda anilang palitan ang liderato ng kawanihan. Susmaryosep! Kung kailan nakatisod ang BOC ng isang mahusay na komisyoner, saka niyo naman siya gustong palitan? Sa tinagal-tagal ko bilang peryodistang nakatutok sa kawanihan, ngayon lang ako nakakita ng mga komisyoner na mula sa baba. Sa kanyang ipinamalas na husay mula pa sa pinagmulang ahensya, hinirang siyang pamunuan ang Enforcement of Security Service (ESS) ng kawanihang nangangasiwa sa…
Read MoreBOC, WAGI SA BILIS-TUGON
GINAWARAN ng pagkilala ng Civil Service Commission (CSC) ang Bureau of Customs (BOC) bilang isa sa mga ahensyang nagpamalas ng mataas na antas ng mabilis na pagtugon sa mga dinudulog na suliranin at reklamo sa nakalipas na 10 taon. Sa kalatas ng CSC, partikular na tinukoy ang kagyat na solusyon sa 517 sa 542 dokumentadong reklamo na inihain sa kawanihan para sa 95.39% “solution efficiency” na nagsilbing hudyat para gawaran ang BOC ng natatanging parangal isang linggo na ang nakaraan. “The Bureau of Customs is issued a certificate of recognition…
Read MoreDAGDAG PANTUGIS SA KARAGATAN VS. SMUGGLERS – BOC
SA hangaring ganap na maisakatuparan ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., humirit ang Bureau of Customs (BOC) ng karagdagang modernong kagamitan sa pagpapatrolya sa karagatan at pagtugis ng mga smuggler. Sa isang kalatas ng ahensya, iginiit sa pamahalaan na dagdagan ang 20 fast patrol vessels na mayroon ang kanilang kawanihan para mas mabantayan ang mga karagatan kung saan karaniwang itinatawid papasok ng bansa ang mga ilegal na kontrabando. “The acquisition of more FPVs (fast patrol vessels) would further boost our efforts to enforce the laws on the country’s geographical…
Read MoreCLAIMANT, TIMBOG SA P0.8-M ECSTASY
TIMBOG sa pinagsanib na operasyon kontra droga sa Lungsod ng Parañaque ang isang claimant ng bagaheng naglalaman ng nasa halos isang milyong halaga ng party drugs na mas kilala sa tawag na ecstasy. Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), arestado sa kinasang controlled delivery operation sa Better Living Don Bosco sa Parañaque ang 29-anyos na call center agent na kinilala sa pangalang Jan Vino Siwa sa aktong pagtanggap ng bagaheng naglalaman ng 495 pirasong pildoras. Kumpiskado rin mula sa suspek ang tatlong botelyang plastik, limang silver pouches na…
Read MoreDAVAO PORT BUMIDA SA DAMI NG NAHAGIP NA ‘SMUGGLED YOSI’
SA kabila ng paghihigpit sa mga pantalan, nanatiling agresibo ang operasyon ng mga sindikato sa likod ng cigarette smuggling sa gawing katimugan ng bansa – bagay na tinumbasan ng mas mataas na antas ng sigasig ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Davao. Sa ulat ni Port of Davao District Collector Erastus Sandin Austria kay Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ibinida ang tumataginting na P85 milyong halaga ng smuggled na sigarilyong kinumpiska ng pinamumunuang distrito mula Enero hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre – pinakamataas sa hanay…
Read MoreBOC-SLFU, WAGI SA SEPT TARGET
WALANG kahirap-hirap na naabot ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa San Fernando sa lalawigan ng La Union ang itinakdang target collection ng naturang distrito para sa buwan ng Setyembre. Sa datos ng BOC Financial Service (BOC-FS), nakapagtala ng P1,055,542,982.88 kita ang BOC-Port of San Fernando, La Union (BOC-SLFU) katumbas ng “outstanding performance” sa larangan ng wasto at naaayong sistema ng paglikom ng buwis at taripang kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento sa pinangangasiwaang pantalan sa gawing hilaga ng Luzon. Batay sa pagtataya ng BOC-FS, lumabis pa…
Read MoreBOC-LEGAZPI HATAW SA ANNUAL TARGET!
TATLONG buwan bago matapos ang 2022, sapul na agad ng Bureau of Customs – Port of Legazpi ang (BOC-Legazpi) ang itinakdang target collection ng naturang distrito para sa kasalukuyang taon. Sa ulat ng BOC Financial Service Office, umabot na sa P406.49 milyon (katumbas ng P31.43 milyong surplus) ang ipinasok na kita ng BOC-Legazpi – malayo sa takdang target collection na P375 milyon. Sa pagtataya ng BOC Financial Service, nakapagtala ng 8.38% increase ang naturang distrito. Para naman kay BOC-Legazpi acting District Collector Arthur Sevilla, malaking bentahe sa kanyang pinamumunuang distrito…
Read More