BOC-LEGAZPI HATAW SA ANNUAL TARGET!

TATLONG buwan bago matapos ang 2022, sapul na agad ng Bureau of Customs – Port of Legazpi ang (BOC-Legazpi) ang itinakdang target collection ng naturang distrito para sa kasalukuyang taon.

Sa ulat ng BOC Financial Service Office, umabot na sa P406.49 milyon (katumbas ng P31.43 milyong surplus) ang ipinasok na kita ng BOC-Legazpi – malayo sa takdang target collection na P375 milyon.

Sa pagtataya ng BOC Financial Service, nakapagtala ng 8.38% increase ang naturang distrito.

Para naman kay BOC-Legazpi acting District Collector Arthur Sevilla, mala­king bentahe sa kanyang pinamumunuang distrito ang inaasahang pagdagsa ng mga kalakal at kargamento sa papalapit na Kapaskuhan.

Kumpara sa P329 mil­yong nakolekta noong 2021, lumalabas din na mas mataas ng 26.62% ang pumasok na kita sa naturang distrito ngayong taon.
Binigyang pagkilala rin ni Sevilla ang mga kawa­ning nagpalamas aniya ng sigasig, husay at katapatan sa pagtugon sa hamon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. (JOEL AMONGO)

177

Related posts

Leave a Comment