CLAIMANT, TIMBOG SA P0.8-M ECSTASY

TIMBOG sa pinagsanib na operasyon kontra droga sa Lungsod ng Parañaque ang isang claimant ng bagaheng naglalaman ng nasa halos isang milyong halaga ng party drugs na mas kilala sa tawag na ecstasy.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), arestado sa kinasang controlled delivery operation sa Better Living Don Bosco sa Parañaque ang 29-anyos na call center agent na kinilala sa pangalang Jan Vino Siwa sa aktong pagtanggap ng bagaheng naglalaman ng 495 pirasong pildoras.

Kumpiskado rin mula sa suspek ang tatlong botelyang plastik, limang silver pouches na pinaglagyan ng droga at isang ID.

Ayon sa PDEA, unang nabulilyaso sa Port of Clark ang naturang bagaheng mula sa bansang Netherlands, bunsod ng timbre ng isang impormante.

“PDEA International Coope­ration and Foreign Affairs Service (PDEA ICFAS) received information from its counterparts that a package containing illegal substances from the Netherlands will arrive at the Port of Clark. This information was transmitted to PDEA Region III for interdiction operation,” ayon sa ahensya kontra droga. Nahaharap naman ang suspek sa patong-patong na kaso kabilang ang paglabag ng mga probisyon sa ilalim ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act). Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa hangaring matukoy ang iba pang sangkot sa smuggling ng droga sa bansa.

167

Related posts

Leave a Comment