HATOL NG KORTE VS 4 SMUGGLERS 5-TAON SA HOYO!

Ni JOEL O. AMONGO SA pambihirang pagkakataon, bilangguan ang kahahantungan ng apat na negosyanteng hinatulan ng husgado sa lalawigan ng Bataan. Ang kaso – smuggling! Sa inilabas na desisyon ng 3rd Orion-Pilar Municipal Circuit Trial Court (MCTC), hinatulang “guilty beyond reasonable doubt” ang apat na rice traders na dinakip sa aktong pagpupuslit ng bigas na lulan ng barkong LCT Yellow River sa Orion Dockyard sa bayan ng Orion noong buwan ng Pebrero ng nakalipas na taon. Bukod sa bigas, hagip din sa naturang operasyon ang iba pang kontrabando – kabilang…

Read More

Pagtitiyak ni Ruiz sa Senado ASUNTO ISASAMPA KONTRA SMUGGLER AT PROTEKTOR

Ni angel f. jose WALANG planong ibaon sa limot ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ang rekomendasyong pagsasampa ng mga karampatang asunto ng Senado sa mga personalidad na bahagi ng talaang inilabas ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) kaugnay ng malawakang agri-smuggling sa bansa. Ito ang tiniyak ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasabay ng pahiwatig sa mga mambabatas ng patuloy na pangangalap ng mga ebidensyang higit na kailangan para tumindig ang kaso sa husgado. Bukod sa mga pangalan ng mga negosyante, bahagi rin ng naturang talaan ang…

Read More

PETISYON KONTRA BOC AUTOMATION, KINAPON

Ni JESSE KABEL TULUYAN ng kinapon ng husgado ang petisyong kumukwestyon sa siento-por-sientong automation ng mga transaksyon ng Bureau of Customs (BOC), batay sa inilabas na pasya ng Manila Regional Trial Court. Sa hatol na ibinaba ni Judge Paulino Gallegos ng Manila RTC Branch 47, binigyan lang ng limang araw ang BOC para tupdin ang desisyon ng husgado kaugnay ng nabinbing “computerized processing system” sa Aduana. “Considering the appointment of the new commission of the Bureau of Customs, honorable Yogi Filemon Ruiz, let the decision and writs of execution in…

Read More

Inspeksyon sa mga bodega, ‘di ititigil TRABAHO LANG!

Ni JUAN PABLO OPERARIO SA kabila ng mga batikos, hindi nagpatinag ang Bureau of Customs (BOC) kasabay ng patuloy at kabi-kabilang inspeksyon ng mga bodega bilang tugon sa direktiba ng Pa­ngulo – ang tiyaking walang magaganap na pagpiit sa mga produktong pang-agrikultura. Patunay nito ang pinakahuling pagsabak ng mga tauhan ng kawanihan sa lalawigan ng Batangas kung saan P1.8-bilyong halaga ng asukal ang tumambad sa isang bodega. Paglilinaw ng ahensya, hindi pagsalakay ang pakay ng operasyon kundi isang inspeksyon sa hangaring tiyaking naaayon sa batas ang dinatnang supply ng asukal…

Read More

YOGI LANG ANG KATAPAT!

Imbestigahan Natin Ni JOEL O. AMONGO SA kauna-unahang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, nakapagtala ng higit pa sa itinakdang collection target ang lahat ng tanggapan ng Bureau of Customs sa 17 distritong saklaw ng kawanihan. Ano nga ba ang dahilan sa ipinamalas na sigasig ng 17 district collection offices? May mga nagsasabing paandar lang dahil bago ang amo. Meron din naman naniniwalang paandar lang para hindi malaglag sa pwesto. Ang totoo, kilala ng bawat isa sa 17 district collectors are kalibre ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz. Mula pa…

Read More

SMUGGLED YOSI SILAT SA ZAMBO

TUMATAGINTING na P3-milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nahagip ng mga alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa bandang timog ng bansa kamakailan. Sa kalatas ng BOC, timbog sa ikinasang anti-smuggling operation sa pagitan ng BOC- Port of Zamboanga, Regional Mobile Force Battalion at Tungawan Municipal Police Station, ang isang trak na naglalaman ng target na kontrabando. Sa imbestigasyon, lumalabas na isang impormante ang nagtimbre hinggil sa pagbiyahe ng trak sa Barangay Baluran sa bayan ng Tungawan patungo sa mga karatig bayan para magdala ng mga sigarilyong ipinuslit…

Read More

SACRED COWS HINDI NA UBRA SA BOC – RUIZ

Ni ANGEL F. JOSE HINDI pa man nag-iinit sa pwesto, pinatunayan ng bagong pamunuan ng Bureau of Customs (BOC), na tapos na ang panahon ng pamamayagpag ng mga tinaguriang “sacred cows” sa pinamumunuang ahensya ng gobyerno. Babala ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, wala rin sasantuhin ang inilatag na reporma sa kawanihan sa hangaring ibangon ang reputasyon ng ahensyang higit na kilala sa larangan ng katiwalian. Katunayan aniya, anim agad ang nasampolan bilang pambungad bunsod ng kontrobersiya hinggil sa malawakang agri-smuggling sa bansa. Gayunpaman, nilinaw ng opisyal na ang relief…

Read More

MGA BODEGA BISTADO SA TONE-TONELADANG IMPORTED NA ASUKAL

Ni JOEL O. AMONGO BILANG tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabi-kabilang pagsalakay ang isinagawa ng Bureau of Customs sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong nakalipas na linggo. Sa Quezon City, nadiskubre ng mga operatiba ng kawanihan ang nasa 57,000 ako ng mga imported sugar mula sa bansang Thailand. Partikular na tinukoy ng BOC ang bodega ng La Perla Sugar Export Corp. sa kahabaan ng Sgt. Rivera St. kung saan tumambad ang hindi bababa sa P285-milyong halaga ng mga imported sugar. Bitbit ang Letter of Authority (LOA)…

Read More

Mga kasador, kasabwat aalamin BARKO, 7K MT ASUKAL SILAT

ALINSUNOD sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kumpiskado sa pinaigting na kampanya ng Bureau of Customs (BOC) kontra agri-smuggling ang isang barkong sa aktong pagpupuslit ng asukal sa bansa. Ayon sa kawanihan, isang timbre ang kanilang natanggap mula sa kanilang impormante hinggil sa paglalayag ng MV Bangpakaew na kargado ng tinatayang asukal 140,000 sako (katumbas ng 7,000 metric tons) ng asukal. Sa imbestigasyon, lumalabas na ang naturang barko ay naglayag mula sa bansang Thailand patungo sa Pilipinas para magdala ng asukal na pasok sa kategorya bilang Reserved Sugar Bottlers’…

Read More