PETISYON KONTRA BOC AUTOMATION, KINAPON

Ni JESSE KABEL

TULUYAN ng kinapon ng husgado ang petisyong kumukwestyon sa siento-por-sientong automation ng mga transaksyon ng Bureau of Customs (BOC), batay sa inilabas na pasya ng Manila Regional Trial Court.

Sa hatol na ibinaba ni Judge Paulino Gallegos ng Manila RTC Branch 47, binigyan lang ng limang araw ang BOC para tupdin ang desisyon ng husgado kaugnay ng nabinbing
“computerized processing system” sa Aduana.

“Considering the appointment of the new commission of the Bureau of Customs, honorable Yogi Filemon Ruiz, let the decision and writs of execution in connection with the above-entitled case be furnished Honorable Ruiz, to be personally served the Sheriff of this Court, who in turn is directed to implement and report his compliance therewith within five (5) days after service thereof,” bahagi ng desisyon ni Gallegos.

Para naman kay Atty. Isra­elito Torreon na tuma­ta­yong abogado ng Omniprime Marketing Incorporated, angk­op lamang ang inilabas na pagpapasya ng husgado para tuluyan ng magapi ang
korapsyon sa ilalim ng manumanong sistema at mata sa matang transaksyon.

Ayon pa kay Torreon, mas magiging simple, mabilis at sistematiko ang pagtukoy ng mga bulilyasong kontrabando at mga recycled importation permits na karaniwang ginagamit ng mga smuggling syndicates sa likod ng malawakang pagpupuslit ng mga agri-products sa bansa.

Sa mga nakalipas ng pahayag ng mga eksperto, hindi ganap na maiwawaksi ang katiwalian sa ahensya, bagamat 90 hanggang 99 porsyento naman anila ang matatapyas sa mga irregularidad tulad ng smuggling, misdeclaration, paggamit ng mga recycled permits at pandaraya sa kwenta ng buwis at taripa.

Nag-ugat ang petisyon matapo kwestyunin ang P418-milyong halaga ng proyektong pamalit sa Electronic-to-Mobile (E2M), isang lumang sistemang gamit ng BOC sa mga transaksyong kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento.

300

Related posts

Leave a Comment