SA gitna ng kabi-kabilang problemang kinakaharap ng pamahalaan, isang direktiba ang inilabas ni Finance Secretary Benjamin Diokno – gawing mas agresibo ang koleksyon ng pondo sa hangaring lapatan ng solusyon ang hamon ng makabagong panahon. Sa kanyang kautusan, hinikayat ni Diokno ang Bureau of Customs (BOC) at iba pang revenue-generating government agencies na paspasan ang digital transformation program ng pamahalaan upang mas mapadali ang pagtukoy ng mga pribadong kumpanyang sa buwis ay pumapalya o nandaraya. Ayon pa sa Kalihim, malaking bentahe sa target ng pamahalaan isulong ang agresibong tax collection…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
Record-high para sa BOC at Port of NAIA P84-B PARA LANG SA ISANG BUWAN
SA pag-upo ng bagong liderato, agad na nakapagtala ng tumataginting na P84.42 bilyong koleksyon ang Bureau of Customs (BOC) – pinakamataas sa kasaysayan ng kawanihan mula nang likhain sa bisa ng isang batas 120 taon na ang nakakalipas. Sa paunang ulat ng BOC Financial Service Office, lumalabas na mas mataas ng P23.369 bilyon (katumbas ng 39% increase) ang nalikom ng ahensyang pinamumunuan ngayon ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kumpara sa naitalang koleksyon para sa nakalipas na buwan. Dagdag pa ng nasabing tanggapan, milya-milya rin ang agwat ng naitalang…
Read MoreKONTI NA LANG, FULLY AUTOMATED NA – BOC
SA pagbaba sa pwesto ni former Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ibinida niya ang kanyang iiwanang legasiya sa kawanihan – ang 91.8% completion rate ng automation ng mga transaksyon ng Bureau of Customs (BOC) na kanyang pinamunuan mula 2019 hanggang sa pagtatalaga kay Yogi Filemon Ruiz bilang kapalit niya sa naturang ahensya. Sa isang kalatas, hayagang ipinagmalaki ni Guerrero na fully-automated na ang 156 sa 170 customs – export process sa bisa ng 33 information and communications technology (ICT) projects na isinulong sa nakalipas na tatlong taon. Ani Guerrero, nasa…
Read MoreUKAY-UKAY SILAT SA MATNOG
TIMBOG sa mga alistong operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Customs (BOC) sa Matnog Port sa lalawigan ng Sorsogon ang bulto-bultong segunda manong kasuotang higit na kilala sa tawag na ukay-ukay. Sa isang ulat ng PCG, nasabat ang isang 10-wheeler wing van truck bago pa man makapaglayag ang barkong patungo sana sa General City. Sa interogasyon sa tsuper at pahinante, lumalabas na mula pa sa Maynila ang mga naturang kontrabando. Sa imbentaryo, umabot sa 72 bulto ang kumpiskadong ukay-ukay na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyong piso.…
Read MoreP32-M kargamento silat sa Mindanao ONION SMUGGLING, AYAW MAGPAAWAT
NANANATILING hamon sa Bureau of Customs (BOC) ang patuloy na pamamayagpag ng mga sindikato sa likod ng illegal smuggling ng mga produktong agrikultura – kabilang ang pitong kargamentong naglalaman ng mga sibuyas na inangkat pa mula sa bansang Tsina. Sa imbentaryo ng kawanihan, aabot sa P32-milyong halaga ng sibuyas ang nasabat kamakailan sa magkakahiwalay na operasyon kontra smuggling sa Mindanao International Container Port (MICP) sa Misamis Oriental. Sa pahayag ng BOC, tagumpay anilang napigilan ang dalawang tangkang pagpupuslit ng smuggled onions sa MICP nito lamang nakalipas na linggo. Unang nasilat…
Read MoreISO CERTIFICATION SAPUL NG 13 PORTS AT SUBPORT
IBINIDA ng Bureau of Customs (BOC) ang 13 sa 17 district collection offices makaraang gawaran ng asam-asam na full ISO Certification na patunay ng pasok sa pamantayang pandaigdig ang umiiral na sistema at prosesong kalakip ng pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa isang pulong-balitaan kamakailan, ipinagmalaki ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang ISO Certifications na nasungkit ng Ports of Manila, Legaspi, Clark, Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Davao, Batangas, Tacloban, Cebu, Subic, Limay at maging ng mga subports sa Mactan, Dumaguete at Iligan. Pasok din sa mga…
Read MoreSinimulan ng BOC, tinapos ng PDEA ECSTASY IMPORTER NASAKOTE SA CEBU
SINIMULAN ng Bureau of Customs (BOC), tinapos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ito ang kwento ng isang arestadong suspek na pinaniniwalaang bahagi ng malaking sindikato sa likod ng pagpupuslit ng droga sa bansa. Hindi na nakapalag ang suspek na kinilala sa pangalang Lunel Paden nang dakpin ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at BOC, sa aktong pagtanggap ng kontrabando sa kanyang tirahan sa Barangay Pasil sa lungsod ng Cebu. Sa imbentaryo, lumalabas na aabot sa halagang P6.7 milyon ang halaga ng 2,900 pirasong ecstasy na una nang nabisto noong…
Read MoreSMUGGLED YOSI TIMBOG SA DAVAO, ZAMBOANGA
HINDI na nagawang pumalag ng siyam na indibidwal makaraang mabulilyaso ang tangkang pagbibiyahe ng hindi bababa sa P8.3-milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa magkahiwalay na operasyon sa Davao at Zamboanga. Arestado sa unang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) sa Barangay Sirawan (Toril District) sina Romel Penetrante at Robert Penetrante na kapwa residente ng Barangay Sasa ng naturang lokalidad. Ayon kay Col. Darren Comia ng Task Force Davao (TFD), dakong alas 2:00 ng madaling araw nang matiyempuhan ng mga operatiba…
Read MorePASADO SI GUERRERO
imbestigahan natin ni JOEL O.AMONGO KUNG ako ang tatanungin, hindi hamak na mahusay si Jagger kumpara sa mga dating komisyoner ng Bureau of Customs (BOC). Dangan naman kasi, sa kanyang panunungkulan naisulong ang reporma, kasabay ng pagyakap sa makabagong teknolohiya sa kalakalang pinangangasiwaan ng BOC. Sa gradong isa hanggang 10, pasok sa walo ang grado ko sa kanya Ang totoo, hindi ko personal na kilala si Jagger. Hindi ko pa nga yata siya nakakaharap ng mata sa mata. Pero ang mga nagawa niya sa ahensya, aba… nakakamangha. Sayang nga lang…
Read More