SA GANANG AKIN KAILANGAN natin ang transportasyon sa ating araw-araw na buhay, maging sa trabaho man ito, pag-aaral, o pagpunta sa iba’t ibang lugar para makapagbakasyon at mag-relaks. Bunsod nito, maituturing ang transportasyon bilang isa sa mga bagay na kinakailangang paglaanan ng budget ng mga tao. Sa kasalukuyan, natuto na ang mga tao na mamuhay sa kabila ng pananatili ng pandemya kaya’t ang pamahalaan ay nakatutok na sa muling pagpapalago ng ating ekonomiya. Alam naman nating lahat na isa sa mga katangian ng mauunlad na bansa ay ang pagkakaroon ng…
Read MoreCategory: JOE ZALDARRIAGA
IMAHE NG BANSA NAKATALI SA PALIPARAN
SA GANANG AKIN KATATAPOS pa lamang ng unang dalawang buwan ng taon ngunit samu’t saring mga isyu na ang kinasangkutan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Isa nga sa pinakabagong isyung pinag-uusapan ang insidente ng pagnanakaw ng relong pagmamay-ari ng isang turista na kinasasangkutan ng isang airport security screening officer. Nangyari ang insidente matapos magdaan sa x-ray machine ang kagamitan ng turista para sa security screening sa NAIA Terminal 1. Kinumpirma ng Office of the Transportation Security (OTS) ang pagkaka-aresto sa sangkot na airport security officer noong Miyerkoles. Bagama’t itinanggi…
Read MoreMVP, SUPORTADO ANG GoDIGITAL PILIPINAS MOVEMENT NG PSAC
SA GANANG AKIN MALAKING bahagi ng ating buhay ang teknolohiya dahil gamit natin ito sa araw-araw. Hindi maitatanggi na ang access sa modernong teknolohiya ay isa sa mga susi sa pag-unlad ng bansa. Kaya naman patuloy ang mga miyembro ng pribadong sektor sa pakikipagtulungan sa pamahalaan sa pagsusulong ng digitalization ng Pilipinas. Batid ang kakayahang makatulong sa inisyatibang ito, suportado ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), ang nangungunang infrastructure investment na kompanya na pinamumunuan ng negosyante at pilantropong si Manny V. Pangilinan (MVP), ang kampanyang GoDigital Pilipinas (GDP) na inilunsad…
Read MorePAGPAPAHALAGA SA KARAPATAN AT KAPAKANAN NG MGA HAYOP, DAPAT PAIGTINGIN
SA GANANG AKIN NI JOE ZALDARRIAGA MARAMING mga hayop sa bansa, partikular na ang aso at pusa, ang pagala-gala lamang dahil walang pamilyang nag-aalaga sa kanila. Tayong mga tao bilang pinakamataas na uri ng nilalang ay may responsibilidad na pangalagaan, pahalagahan at bigyang proteksyon ang mga hayop dahil ang bawat buhay sa mundo ay mahalaga. Ang mga aso at pusa na nakikita sa lansangan ay wala naman ibang hangad kundi ang makakain, makainom, at makahanap ng lugar kung saan ito maaaring matulog at magpahinga kapag nakararamdam ng pagod. Nangangailangan sila…
Read MoreBIVALENT VACCINE KONTRA COVID-19, NALALAPIT NA ANG ROLLOUT
HALOS tatlong taon na mula nang nagsimula ang pandemyang COVID-19 at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang mutation nito. Sa Pilipinas, nananatili sa mababang numero ang bilang ng mga bagong kaso kada araw kaya naman patuloy ang pagbabalik sa normal ng takbo ng buhay. Tila natuto na ang mga Pilipino na mamuhay nang normal sa kabila ng pananatili ng virus. Noong huling bahagi ng taong 2022, nagsimulang umugong ang mga balitang magsisimulang pumasok sa bansa ang mga 2nd-generation COVID-19 vaccine o mga bivalent vaccine sa taong 2023. Marami ang…
Read MorePAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON UKOL SA SIM CARD REGISTRATION LAW, KAILANGAN PAIGTINGIN
SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA SA tuwing may batas na ipinatutupad, isa sa mahahalagang bagay na dapat masiguro ay ang kaalaman ng mamamayan ukol dito. Dapat masigurong naiintindihan ito ng mga tao at kung ano ang magiging epekto ng hindi pagsunod dito. Noong ika-27 ng Disyembre ng nakaraang taon, ipinatupad ang SIM card registration law bilang tugon sa naging talamak na panloloko sa pamamagitan ng mga text message. Sa ilalim ng nasabing batas, ang mga taong mayroong SIM card ay uutusang irehistro ang kanilang numero sa kompanya ng telekomunikasyon…
Read MorePAGPAPATULOY NG LIBRENG SAKAY PROGRAM, MALAKING TULONG SA MGA KOMYUTER
SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA NANG pumasok sa ating buhay ang pandemyang COVID-19, isa sa mga industriyang lubhang naapektuhan nito ay ang industriya ng transportasyon. Pansamantalang huminto ang operasyon ng lahat nang magpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ). Naging matinding hamon para sa pamahalaan ang pagpapatuloy ng operasyon ng mga pampublikong transportasyon sa gitna ng krisis pangkalusugan. Upang makontrol ang pagkalat ng virus, maging sa mga pampublikong sasakyan ay kinailangang ipatupad ang social distancing kaya’t limitado lamang ang kapasidad ng mga ito. Halimbawa, kung nasa 50 katao ang maaaring…
Read MoreMATAAS NA ANTAS NG INFLATION SA BANSA, DAPAT TUTUKAN AT TUGUNAN
SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA SA tuwing pumapasok ang Bagong Taon, napupuno ng pag-asa ang karamihan sa atin dahil ito ay sumisimbolo sa bagong simula. Subalit, tila hindi ganoon kaganda ang simula ng taon para sa ekonomiya at para sa bayan dahil sa balita ukol sa napakataas na inflation rate noong Disyembre 2022 na naitala sa 8.1%. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 5.8% ang average na inflation rate nitong taong 2022. Ang pagtaas ng inflation rate ay epekto ng patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produkto…
Read MorePAGKILALA AT PAGSUPORTA SA KAKAYAHAN NG KABABAIHAN
SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA NOON, tila nakatakda na ang kapalaran ng kababaihan mula sa araw pa lamang ng kapanganakan nito – mag-aasawa, bubuo ng pamilya, at mag-aalaga ng mga anak. Ibang-iba na sa nakagawiang normal sa kasalukuyan. Ngayon, tila hindi normal kung ang babae ay hindi magtatrabaho at mamamalagi lamang sa bahay. Sa paglipas ng panahon, nabigyan na rin ng pagkakataon ang kababaihang maipamalas ang kanilang kahusayan at kagalingan at maging mas kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan. Napakagandang halimbawa rito ang sports personalities na sina Hidilyn Diaz na…
Read More