CCP AT TRIBUNG PILIPINO CULTURAL FOUNDATION MAGPEPRESENTA NG FILIPINO ART SONGS SA PEBRERO 1

Ang Cultural Center of the Philippines, sa pakikipagtulungan sa Tribung Pilipino Cultural Foundation sa pamumuno ng national art patron at 2020 Gawad CCP Para sa Sining Awardee na si Danny Dolor ay magbabalik ng tradisyunal na musikang Pinoy sa isang koleksyon ng Philippine art songs sa isang online platform sa awiting Masayang Kabukiran at ito ay streamed sa Pebrero 1, 2020 sa ganap na alas-6:00 ng gabi sa CCP Facebook page. Ang online event na ito ay panimula sa selebrasyon ng February Arts Month sa taong ito. Ang production na…

Read More

RESPONDING TOGETHER: SM, AIRSPEED AND PRC PARTNER IN ODETTE RELIEF OPERATIONS

On the cusp of Christmas Eve 2021, Typhoon Odette hit the Visayas and Mindanao with a vengeance. Cebu was among the provinces most affected. It left almost the entire Cebu City with no water and no electricity. While electricity is essential, generators were available but the need for drinkable water became a very palpable issue. SM Malls all over Cebu suffered damages, but in keeping with SM’s commitment to disaster resilience, a partnership with Airspeed was immediately forged to airlift bottled water to its many SM employees and affiliates from…

Read More

INURNMENT NI NATIONAL ARTIST F. SIONIL JOSE GAGANAPIN SA LIBINGAN NG MGA BAYANI SA ENERO 18

Ang mga labi ng National Artist na si F. Sionil Jose ay ililibing sa Libingan ng mga Bayani sa Enero 18, 2022. Bago ang kanyang inurnment, magkakaroon ng misa sa ganap na alas-10:00 ng umaga na susundan ng State Funeral. Ang National Artist ay pumanaw noong Enero 6, 2022 habang naka-confine sa Makati Medical Center habang naghihintay sa kanyang angioplasty. Siya ay pumanaw sa edad na 97. Ang inurnment ay sa pamamagitan lamang ng pag-anyaya, batay sa nakasaad sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases protocols.…

Read More

PCSO, IGINAWAD ANG P67-M SA 5 AHENSYA NG PAMAHALAAN

Sa pamumuno ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairperson at General Manager Royina Marzan Garma, pormal na iginawad itong Martes, Disyembre 28, sa limang ahensya ng pamahalaan ang P67,074,210.96 bilang bahagi ng Mandatory Contributions. Ang kabuang halagang nabanggit ay hinati sa limang benepisyaryo: Philippine National Police (PNP), Commission on Higher Education (CHED), Dangerous Drugs Board (DDB), National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine Sports Commission (PSC). Bagama’t hindi nakadalo si Garma, naging matagumpay ang programa na ginanap sa PCSO Conservatory Building sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Pinangunahan ang naturang…

Read More

CCP WORKFORCE NAGBIGAY-TULONG SA CANCER PATIENTS NGAYONG KAPASKUHAN

Sa panahon na mahirap magdiwang dahil sa tinatamasang pandemya, hindi naging hadlang ito sa workforce ng Cultural Center of the Philippines upang ipagpatuloy ang taunang Christmas program at ihatid ito sa cancer patients ng Philippine General Hospital (PGH) Cancer Institute kamakailan. Kada taon, ang Cancer Institute, na pinamumunuan ni Director, Dr. Jorge Ignacio, ay naglalagay ng Christmas tree sa Cancer Institute lobby kung saan isinasabit ng cancer patients ang kanilang Christmas wishes. Ang publiko ay maaaring boluntaryong makapili ng isa o higit pang wishes upang ito ay ibigay. Ang proyektong ito…

Read More

SIMBANG GABI NG CCP MULING NAGBABALIK, PASKO 2021 LIGHTS AND SOUND SHOW ILULUNSAD

Dahil mas relaxed ngayon ang alert level dala ng COVID-19 sa Metro Manila, muling ibinabalik ng Cultural Center of the Philippines ang kanilang tradisyon ng Simbang Gabi na real-time at on-site. Sa pakikipagtulungan ng Our Lady of Sorrows Parish at iba pang hermanas (sponsors) sa paligid ng Complex, ang Misa de Gallo ay gaganapin sa Disyembre 16 hanggang 24, 2021, ala-5 ng umaga sa CCP Main Ramp. Ang Misa de Aguinaldo (Christmas Eve Mass) ay gaganapin sa Disyembre 24, alas-8 ng gabi sa CCP Main Theater, na may pre-mass program.…

Read More

CCP, IPINAGDIRIWANG ANG FILIPINO COMPETITIVE SPIRIT SA TEAM PILIPINAS DOCU SCREENING

Ang winning spirit at sportsmanship ng mga Pilipino ang nagdala sa ikalawang installment ng WAGI! Celebration of Filipino Excellence, isang series ng film screenings upang maging daan sa muling pagbubukas ng Cultural Center of the Philippines at ipagdiwang ang kahusayan ng mga Pinoy. Isang espesyal na programa at isang moderated discussion kay Hidilyn Diaz (Olympic Gold Medalist in weightlifting) at boxers na sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam (Olympic Silver medalists), at Eumir Marcial (Olympic Bronze medalist), na isasagawa sa Nobyembre 26 sa ganap na ala-7:00 ng gabi sa Tanghalang…

Read More

IKA-12 KUTITAP PARA SA MGA INDIGENOUS NA MGA BATA, BABALIK ONLINE SA NOBYEMBRE 22-27

Sa selebrasyon ng 2021 National Children’s Month and National Indigenous Peoples’ Month, ang Cultural Center of the Philippines (CCP) sa pamamagitan ng Cultural Exchange Department (CED) nito at sa pakikipagpartner sa Integrated Performing Arts Guild (IPAG) Artists Resource Management at Marikina Culture and Arts Council ay magsasagawa ng virtual edition ng Kutitap: Isang Piging ng Kabataang Makasining mula Nobyembre 22-27, 2021. Aabot sa 150 mga bata at ang kanilang adult leaders na kumakatawan sa iba’t ibang kultural na komunidad sa buong bansa ang titipunin para sa anim na araw na pagdiriwang ng…

Read More

International Silent Film Festival Manila 2021: Patuloy sa pag-iingay sa ika-15 edisyon!

Mula Nobyembre 24 hanggang Disyemre 3, 2021, ang Japan Foundation, Manila, Embassy of Italy kabilang ang Philippine Italian Association, Instituto Cervantes, British Council in the Philippines, Goethe-Institut, Embassy of France, at ang Film Development Council of the Philippines ay magpe-presenta ng ika-15 na edisyon ng International Silent Film Festival Manila. Ang festival sa taong ito ay magtatampok sa anim na classic silent films mula sa France, Germany, Italy, Japan, Spain at sa the United Kingdom, at siyam na short films na especially produced ng FDCP upang irepresenta ang Pilipinas, kabilang…

Read More