(NI DAHLIA S. ANIN) NAKALABAS na sa Philippine Area of Reaponsibility (PAR) ang Bagyong Ineng na may International name na Bailu, pasado alas-6:00 ng gabi noong Sabado, ayon sa weather bureau Pagasa. Gayunman, patuloy na mararanasan ang maulap at maulang panahon sa Kanlurang bahagi ng Luzon dahil sa southwest monsoon o Hanging Habagat. Kabilang dito ang Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos, CAR, Zambales, Bataan, Metro Manila, Calabarzon at MIMAROPA, na makakaranas din ng thunderstorms. Huling namataan ang Bagyong Ineng, sa layong 500 kilometro Kanluran-HilagangKanluran ng Basco Batanes na patuloy…
Read MoreCategory: LAGAY NG PANAHON
BAGONG LPA NAMATAAN SA MINDANAO
ISANG bagong low pressure area sa Mindanao ang minomonitor ng Pagasa habang paalis ng bansa ang lumakas na bagyong ‘Ineng’ ngayong Sabado. Sinabi ni weather specialist Gener Quitlong na ang LPA ay namataan sa 1,900 kilometers east ng Mindanao at kasalukuyang wala pang direktang epekto sa bansa. Nagpapatuloy naman si ‘Ineng’ patungong Batanes at namataan sa 105 kilometers east-northeast ng Basco town. May bitbit itong lakas na 100 kilometer per hour (kph) at pinakamalakas na hangin ng hanggang 125 kph. Nakataas pa rin sa signal number 2 ang Batanes at…
Read MoreBAGYONG ‘INENG’ MAS LUMAKAS
(NI DAHLIA S. ANIN) NAKATAAS ngayon ang Signal no. 2 sa Batanes dahil sa paglakas ni Bagyong Ineng, habang tinatahak ang direksyon patungong HilagangKanluran, ayon sa Pagasa. Habang nasa ilalim naman ng signal no. 1 ang Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte. Nagbabala naman ang Pagasa sa mga residente ng nabanggit na lugar na mag-ingat dahil sa malakas na hangin dala ng Bagyong Ineng. Delikado rin umano ang pagbiyahe sa Eastern Seaboard ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas,at mga lugar na may…
Read More7 LUGAR NASA SIGNAL NO 1; BAGYONG INENG LUMAKAS
(NI ABBY MENDOZA) ISINAILALIM ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa ilalim ng storm signal no. 1 ang pitong lugar sa bansa kasunod ng inaasahang paglakas pa ng bagyong Ineng sa loob ng 24 oras at magiging severe tropical storm. Sa bulletin na ipinalabas ng Pagasa taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 75km per hour at bugsong 90kph at kumikilos sa bilis na 15kph, huli itong namataan 725 kilometers east ng Casiguran, Aurora na kumikilos sa bilis na 15 km/h. Nasa ilalim ng signal no 1 ang…
Read MoreLPA SA LOOB NG BANSA HINDI MAGIGING BAGYO–PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) ISANG low-pressure area (LPA) na nasa loob ng bansa ang nagdadala ng pag-uulan sa malaking bahagi ng Visayas subalit hindi ito magiging ganap na bagyo. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Atronomical Services Administration(Pagasa) maliit ang tiyansang maging bagyo ng LPA na huling namataan 975 km east ng Catarman, Northern Samar. Sinabi ni Pagasa weather specialist Ariel Rojas na ang buntot ng LPA ang naghahatid ng pag-uulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur habang ang hanging habagat ang nakaaapekto sa…
Read MoreLPA, HABAGAT MAGPAPAULAN SA BANSA
MAGKAKAROON ng kalat-kalat na pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat sa northern at central part ng Luzon, ayon sa Pagasa. Ang Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, at Bataan ay makararanas ng maulap na papawirin at pag-ulan. Ang iba pang lugar sa Luzon ay makararanas ng mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms. Minomonitor din ng Pagasa ang low pressure area sa 2,195 kilometers east ng Visayas area. Habang nasa labas pa ng bansa ang low pressure area, makararanas na ng mga pag-ulan sa ilang…
Read MoreHANNA NAKALABAS NA NG PAR; PAG-ULAN MAGPAPATULOY
(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY ITOH SON) LUMABAS na kaninang madaling araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Hanna, pero patuloy pa rin ang pag ulan sa bansa dala ng ng hanging Habagat. Mananatiling maulap ang kalangitan na may kasamang pag ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region kasama din ng Central Luzon sa susunod na 24 oras, ayon sa Pagasa. Bagama’t nakalabas na sa PAR ang bagyong Hanna, ay patuloy nitong hinihigop ang hangin mula sa Timog Kanluran na siyang nagdadala ng malakas na pag-ulan sa mga…
Read More1,700 PAMILYA APEKTADO NG BAGYONG HANNA, HABAGAT
(NI AMIHAN SABILLO) PUMALO na sa mahigit 17,000 pamilya o katumbas ng 69,000 indibidwal mula sa 3 rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng Bagyong Hanna at hanging habagat, sakop ang Region 1, Region 3 at MIMAROPA. Sa inilabas na ulat ng NDRRMC, karamihan sa mga pamilyang apektado ay lumikas na sa matataas na lugar habang mahigit 100 na pamilya o katumbas ng mahigit 400 indibidwal naman ang nanatili pa rin sa mga evacuation centers. Aabot sa mahigit 400 mga lugar ang binaha dulot ng masamang panahon. Maliban sa Region 1,…
Read MoreBAGYONG HANNA LUMAKAS PA, 1 LPA MATUTUNAW
(NI ABBY MENDOZA) NAPANATILI ng bagyong Hanna ang lakas nito habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa tinatahak na ng bagyo ang direksyong patungong Japan subalit bago ito lumabas ng PAR ay magdadala pa ito ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan kaya pinapayuhan ang publiko na mag-ingat laban sa baha at landslide. Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kph, bugso na 230kph at kumikilos sa bilis na 15kph. Bagamat PAR ang…
Read More