KINAKASANGKAPAN umano ni dating House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez ang Office of the Ombudsman para sa political retaliation at ilihis ang atensyon ng publiko sa impeachment case na isinampa laban sa kanilang kaalyadong si Vice President ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio. Resbak ito ni House majority leader Manuel Jose Dalipe matapos magsampa ang grupo ni Alvarez ng petisyon sa Ombudsman para suspindihin siya, kasama sina House Speaker Martin Romualdez, dating House appropriations chairman Elizaldy Co at senior vice chairperson ng komite na si Marikina representative Stella Quimbo. Ayon kay Dalipe, kilala ang…
Read MoreCategory: METRO
WPS ISASAMA SA SCHOOL CURRICULUM
HINILING ng isang mambabatas sa Kamara kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na maglabas ng executive order (EO) na mag-aatas sa Department of Education (DepEd) na isama ang paksa ukol sa West Philippine Sea (WPS) sa school curriculum. Ginawa ng grupo ni Akbayan party-list representative Percival ‘Perci’ Vilar Cendaña ang kahilingan dalawang araw matapos muling manghimasok ang Chinese Naval helicopter sa air space ng bansa sa ibabaw ng WPS na naglagay sa panganib sa mga sakay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) aircraft na nagpapatrolya sa bahagi ng…
Read MoreDIGITALISASYON, SUSI LABAN SA KATIWALIAN – ABALOS
GANAP na digital transformation ang nakikita ni senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr., upang mapigilan ang katiwalian sa lokal at pambansang antas ng pamahalaan. Batay sa kanyang malawak na karanasan bilang mayor ng Mandaluyong City, binigyang-diin ni Abalos kung paano nagagawang manipulahin ng ilang tiwaling kawani ng gobyerno ang mga transaksyon upang mailipat ang pondong dapat ay para sa gobyerno patungo sa kanilang sariling bulsa. “Noong mayor ako, nagtataka ako bakit ang baba ng aming business, pina-check ko, ‘yong carbon paper noong araw nakabaliktad. So, ang carbon paper may kopya…
Read MoreKababaihan Kabalikatan para sa Kapakanan at Kaunlaran ng Bayan: 4K PASOK SA TOP TEN NG OCTA SURVEY
UMARANGKADA ang 4K Party-list (Kababaihan Kabalikatan para sa Kapakanan at Kaunlaran ng Bayan) sa pinakahuling survey na isinagawa ng OCTA Research. Kasama ang 4K sa unang sampu (10) na party-lists na napupusuang iboto ng karamihan ng mga Pilipino sa darating na Mayo 12, 2025 elections. Ang Tugon ng Masa (TNM) Pre-Election Survey, isang independent at non-partisan poll na ginawa ng OCTA Research at inilabas bilang serbisyo sa publiko, nakakuha ng ika-sampung (10) pwesto ang 4K mula sa 155 party-list organizations na nagnanais makaupo sa susunod na Kongreso. Ang 4K, ay…
Read MoreFPJ Panday Bayanihan partylist pasok sa Top 5 sa OCTA Research survey
NAKUHA ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang ikaapat na pwesto sa pinakabagong survey ng OCTA Research mula sa 156 partylists na magtutunggali sa 2025 midterm election. Pasok sa Top 5 ang FPJ Panday Bayanihan sa botong 3.84% na nakuha sa Tugon ng Masa survey ng OCTA. Nasa pangalawang pwesto ang 4PS partylist na may 5.62%. Ang fieldwork ng survey ay isinagawa ng OCTA research team mula 25 Enero hanggang 31 Enero 2025, gamit ang harapang panayam sa 1,200 respondents sa buong bansa. Ayon kay Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng…
Read MoreMASS PROTEST INUUMANG LABAN SA LRT-1 FARE HIKE
EXPECT mass protests following LRT-1 fare hike—ito ang babala ni Akbayan party-list representative Percival ‘Perci’ Cendaña makaraang aprubahan ng Department of Transportation (DoTr) ang petisyon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magtaas ng pamasaheng sinisingil sa Light Rail Transit 1 (LRT-1). Ayon sa LRMC, na pag-aari ng joint venture company ng Metro Pacific Light Rail Corporation (MPLRC), Ayala Corporation Infrastructure Holdings Corporation (AC Infra), Sumitomo Corporation at Macquarie Investments Holdings Philippines PTE Ltd. (MIHPL), ipapatupad ang LRT-1 fare hike simula Abril 2 ng taong kasalukuyan. Sa napipintong pagtaas ng…
Read MoreYORME’S CHOICE: SERBISYO, SOLUSYON IBIBIGAY SA MANILENYO
SA pagpili ng ibobotong kandidato, ano ang dapat na gawin ng isang botante? Sinagot ito ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa idinaos na Kaagapay Convention noong February 15-17 sa Ninoy Aquino Stadium sa lungsod. Kailangan aniyang marunong makinig ang isang aspiranteng maglingkod sa bayan, at sabihin kung ano ang gagawin, kung ipuwesto sa tungkulin. Ani Moreno na mas kilala sa bansag na Yorme Isko, gamitin ang oportunidad na sabihin sa mamamayan “kung ano ang gagawin mo.” Imbes na ubusin ang pag-atake sa mga katunggali sa pulitika, mas…
Read MoreSERBISYO NG DSWD LABAN SA KAHIRAPAN PINURI NI PBBM
PINAPURIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga staff ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng “outstanding” at “authentic” na serbisyo publiko upang maibigay ang iba’t ibang tulong sa mga nangangailangang Pinoy. Sa kanyang pananalita sa 74th anniversary ng DSWD sa SMX, kinilala ni Marcos ang kahalagahan ng ahensya sa pagbibigay suporta sa mga Pinoy lalo na ang mga nasa vulnerable communities. “Today, we acknowledge and take pride in the steadfastness and dependability of this institution. For more than 70 years, the DSWD has consistently pursued…
Read MoreMAS MARAMING TRABAHO SA PASIG CITY, TINIYAK NI DISCAYA
SINIGURO ni Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya ang palikha ng mas maraming job opportunities para sa mga residente ng lungsod at pagkakaroon ng good governance sakaling mahalal bilang alkalde. Ayon kay Discaya, bahagi ng kanyang priority programs ang job and livelihood generation, libreng pagpapagamot sa mga lehitimong taga-lungsod at libreng aral mula kinder hanggang kolehiyo. Siniguro rin niya ang pagkakaroon ng inclusive environment at ang mga serbisyo ay pantay na matatanggap ng mga residente. “Pasig is divided by two communities, the poor and the affluent and I will fix…
Read More