Mas pinadali at pinagaan ng Bureau of Customs (BOC) ang pagkuha ng serbisyong medikal para sa mga empleyado, retirees at kwalipikadong dependents nito matapos makipagkasundo ang Aduana sa Medical Center Manila, Inc. (ManilaMed). Pormal na nilagdaan ang partnership sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) na pinirmahan nina BOC Deputy Commissioner Raul S. Nagrampa at ManilaMed President Eduardo S. Eseque, M.D. Kinatawan naman ni BOC Administrative Office Director John M. Simon si Nagrampa sa seremonya, na dinaluhan din ni Dr. Sigrid B. Duclan, Chief ng Medical and Dental Division, at…
Read MoreCategory: METRO
DIGITAL NA PAGBABANTAY SA PONDO NG BAYAN HILING NG GRUPONG CADENA
NANAWAGAN ang isang citizens’ coalition na nagsusulong ng transparency sa paggasta ng pamahalaan sa House of Representatives na suportahan ang Senate Bill No. 1506 o ang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act, na naglalayong gamitin ang digital technology upang mapahigpit ang pagsubaybay at pagsisiwalat sa paggamit ng pondo ng bayan. Ang CADENA, o Concerned Advocates for Digitalized Expenditure and National Audit, ay pormal na inilunsad ang kampanya nito para sa panukala nitong National Heroes Day, Agosto 31. Inakda ni Senator Bam Aquino ang panukalang batas…
Read MoreSEN. ERWIN TULFO: DAPAT MAY TRANSPARENCY SA PAGPEPRESYO NG KRUDO
NANAWAGAN si Senate Committee on Energy Chairman Erwin Tulfo na amyendahan ang umiiral na Oil Deregulation Law upang obligahin ang mga kompanya ng langis na maging mas transparent sa kanilang pagpepresyo. Ginawa ni Tulfo ang panawagan sa gitna ng mataas na presyo ng langis at mga bilihin na patuloy na nakaaapekto sa inflation. “Sasabihin na lang ng mga kumpanya ng langis na ‘bukas, magtataas kami ng presyo nang limang piso bawat litro,’ at wala na tayong magagawa kundi magbayad,” pahayag ni Tulfo. Ayon sa senador, kailangang palakasin ang kapangyarihan ng…
Read MoreVISA APPLICANTS BINALAAN NG US EMBASSY SA PAGGAMIT NG PEKENG DOKUMENTO
NAGLABAS ng babala ang US Embassy sa Manila sa mga aplikante ng US visa na huwag gumamit o magsumite ng mga pekeng dokumento sa kanilang visa application. Pinaalalahanan din ng embahada ang mga aplikante na huwag magsinungaling sa kanilang aplikasyon dahil maaari itong humantong sa pag-aresto, kasong kriminal at lifetime ban sa pagpasok sa Estados Unidos. Sa isang post sa X nitong Sabado, Agosto 29, sinabi ng embahada na kamakailan ay ipinaalam nito sa Philippine law enforcement authorities ang isang kaso ng visa fraud na nauwi sa pagkakaaresto sa isang…
Read MoreMGA PINOY HINIKAYAT NI CAYETANO NA KUMAPIT SA PANANAMPALATAYA SA GITNA NG PAG-ULAN AT MGA UNOS
HINIKAYAT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mga Pilipino na manatiling matatag at kumapit sa kanilang pananampalataya sa gitna ng patuloy na pag-ulan at iba pang pagsubok na kinakaharap ng bansa. Sa kanyang mensahe para sa ika-44 anibersaryo ng Mandaport Apostolic Pentecostals (MAP) Church nitong Agosto 30, sinabi ni Cayetano na hindi maiiwasan ang mga unos sa buhay, ngunit malalampasan ang mga ito ng mga taong matibay ang pundasyon sa kanilang pananampalataya. “Kung may bagyo o wala sa ating buhay, dadating at dadating ‘yan kahit saan tayo mapunta……
Read MoreULAN NA BUMUHOS SA MAYNILA NOONG SABADO, KATUMBAS NG 10 ARAW NA PAG-ULAN
ANG malakas na pag-ulan na tumama sa Lungsod ng Maynila noong Sabado, Agosto 29, ay katumbas ng ulan na karaniwang naiipon sa loob ng 10 araw, ayon sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD). Ilang ulit nakaranas ng matinding pag-ulan ang Maynila noong araw na iyon, at ang pinakamalakas na buhos ay naitala bandang alas-4 ng hapon, batay sa datos ng MCDRRMD. Ayon kay Christian John Evangelista, resident meteorologist at Chief of Research and Planning ng MCDRRMD, ang pinakamataas na kabuuang dami ng ulan na naitala noong…
Read More117 LUGAR NASA STATE OF CALAMITY; 8 MILYONG PINOY APEKTADO NG BAGYO AT HABAGAT
TINATAYANG umabot na sa walong milyon ang bilang ng mga Pilipinong naapektuhan ng mga nagdaang bagyong Luis, Maymay at Neneng, na nagpalakas sa Southwest Monsoon o Habagat at nagdulot ng malawakang pagbaha sa maraming lugar. Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 2.3 milyong pamilya o katumbas ng walong milyong indibidwal mula sa 10 rehiyon ang naapektuhan ng sama ng panahon. Nasa 25,800 katao naman ang nananatili sa 297 evacuation centers sa buong bansa. Umakyat na sa 32 ang death toll, kung saan…
Read MoreMALALAKAS NA PAG-ULAN POSIBLENG MAGPATULOY HANGGANG LUNES SA METRO MANILA, KARATIG LUGAR
NAGBABALA ang Office of Civil Defense (OCD) na posibleng magpatuloy hanggang Lunes, Agosto 31, 2026, ang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan ng Luzon. Kaugnay ito ng patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat at ng binabantayang Low Pressure Area (LPA 08i), na maaaring magdulot ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa kanluran at hilagang bahagi ng Luzon. Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Bernardo Rafaelito R. Alejandro IV, maaaring makaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang Zambales, Bataan, Benguet, La Union, Occidental…
Read MoreSa pagbubukas ng 2027 budget hearings; UPDATE SA 2026 BUDGET AT UTANG NG GOBYERNO, HININGI NI CAYETANO
HINILING ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa economic team ng Marcos Jr. admin ang detalyadong update sa paggamit ng pondo sa ilalim ng 2026 national budget, gayundin ang kabuuang utang ng gobyerno, sa pagsisimula ng pagtalakay ng Senado sa 2027 national budget. Inisa-isa ni Cayetano ang kanyang mga tanong sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa isang liham kay Finance Committee Chairperson Senator JV Ejercito noong Agosto 27, 2026, kasabay ng briefing sa Senado tungkol sa 2027 National Expenditure Program (NEP). Ayon kay Cayetano, mahalaga ang mga impormasyong…
Read More