PAG-UWI NG OFWs NA NAIIPIT SA ISRAEL-HAMAS CONFLICT PINABIBILISAN NG KONGRESO

UPANG matiyak ang kanilang kaligtasan, mahigpit ang panawagan si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Department of Migrant Workers (DMW) na kaagad umaksyon at i-repatriate ang overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit sa kaguluhan sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militant group na Hamas. Kasabay nito, tiniyak ni Speaker Romualdez na pagkakalooban rin ng P500,000 personal na tulong sa pamilya ng ikatlong Pilipino na kumpirmadong nasawi sa kaguluhan. Matatandaang una na ring sinabi ni Speaker Romualdez, na siya, katuwang si Tingog…

Read More

PAGPATAY NG HAMAS SA 2 OFWs SA ISRAEL KINONDENA NG KAMARA

KINONDENA ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpatay ng militanteng Hamas sa daan-daan inosenteng sibilyan sa Israel kabilang na ang dalawang overseas Filipino worker (OFWs). “I strongly condemn the pointless killing of two innocent (2) Filipinos caught in the fierce fighting between Israel and Hamas. This senseless violence must immediately stop to avoid further bloodshed and loss of life,” ani House Committee on Foreign Affairs chairperson, Rep. Maria Rachel Arenas. Sa mga social media post mula sa Israel, kabilang sa 2 OFWs na pinatay ang private nurse na nagngangalang “Angeline”…

Read More

4 TULAK ARESTADO SA P6.8-M SHABU

NASAMSAM ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang isang kilo ng shabu sa isinagawang anti-narcotics operation sa harapan ng isang kilalang food chain sa Barangay 76, Pasay City noong Huwebes hapon. Ayon sa PDEA Regional Office IV-A, nanguna sa ikinasang buy-bust operation, tinatayang P6.8 milyong halaga ng droga na nakasilid sa isang tea box ang kanilang nakuha sa inilatag na bitag. Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, arestado ng kanyang mga tauhan ang apat na mga suspek sa isinagawang buy-bust…

Read More

2 KANDIDATO SA SK, KINANSELA NG COMELEC

DALAWANG kandidato sa Sangguniang Kabataan election ang kinansela ng Commission on Elections Second Division ang ‘certificate of candidacy’ dahil sa material misrepresentation. Ipinabatid ni Comelec Spokesperson Rex Laudiangco, ang COC ni Merson Calubag, SK chairman candidate sa Barangay Magtangale, San Francisco, Surigao del Norte, ay kinansela noong Miyerkoles, Oktubre11 matapos matuklasan ng Comelec Second Division na siya ay anak ng Sangguniang Barangay member sa parehong barangay. Nag-ugat ang kanselasyon ng kandidatura ni Calubag sa petisyon na may petsang Setyembre 2, na nagsasaad ng material misrepresentation ng COC nito, na isang…

Read More

‘DOJ EMPLOYEE’ SILAT SA PEKENG TRAVEL AUTHORITY

HINARANG ng Immigration officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong nakalipas na araw ang isang 30-anyos na Filipina dahil sa isinumiteng fake signature ng mataas na opisyal ng Department of Justice (DOJ). Ayon sa report, ang nasabing Pinay ay nagkunwaring empleyado sa posisyong administrative staff ng DOJ, at pinayagan aniya siyang mag-travel kasama si Undersecretary Nicholas Felix Ty. Ang iprinisentang travel document ay pirmado ni Usec. Ty, ngunit sa primary inspection ay ‘inconsistence’ ang kayang mga sagot, na siyang naging dahilan upang i-verify sa DOJ. At nadiskubre na si…

Read More

KANDIDATO SA BSKE TIMBOG SA DROGA

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang 45-anyos na barangay kagawad na kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election, sa ikinasang buy-bust operation sa Sta. Mesa, Manila. Kinilala ng Manila Police District – Sta. Mesa Police Station 8, ang suspek na si Rolando Supan, residente ng Sta. Mesa, Manila. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, station commander, bandang alas-1:00 ng madaling araw nang arestuhin ang suspek ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU). Nabatid sa report ng pulisya, ang suspek ay iniuugnay sa ilegal na aktibidad…

Read More

200 LANG CYBERSECURITY EXPERTS SA PINAS?

KULANG ang mga ‘sundalo’ ng Pilipinas na lumalaban sa hackers dahil umabot lang sa dalawang daan ang mga ito. Ito ang nabatid mula sa isang mambabatas sa Kamara kaya iginiit nito sa gobyerno na mamuhunan para magkaroon ng sapat na puwersa ng cybersecurity specialists sa bansa at maproteksyunan, hindi lamang ang seguridad ng mga Pilipino, kundi ang mga institusyon sa bansa. “We have a clear and present danger to our individual, collective, and national cybersecurity. Hence the urgent need for quick solutions,” ani Bohol Rep. Alexie Tutor, kaya nais nito…

Read More

AFP KASADO NA SA EMERGENCY EVACUATION SA PINOYS SA ISRAEL

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines na may nakalatag nang contingency plan at handa ang military na magsagawa ng emergency evacuation mission sa Israel at maging sa Hamas occupied Gaza Strip anomang oras na ipag-utos o hilingin ng apektadong mga bansa. Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Medel Aguilar sa isang pulong balitaan, “I am here to assure everybody that with the guidance of our president, his excellency President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., the Armed Forces of the Philippine is prepared to execute evacuation operation should there be a need…

Read More

‘PAGPAPALAYAS’ SA BARKO NG PHIL. NAVY, PROPAGANDA NG CHINA – AFP

TAHASANG itinanggi kahapon ng Armed Forces of the Philippines ang kumalat na balitang pinalayas ng China Coast Guard ang isang gray ship ng Philippine Navy sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal. Mariing sinabi ni AFP chief of Staff General Romeo Brawner na nagpapapogi lamang ang China sa kanilang internal audience at propaganda lamang ang pinakakalat na balita na nagmula sa Beijing, na pinalayas nila sa Scarborough Shoal ang isang barko ng Philippine Navy. “Oo, hindi tayo papayag na palalayasin…exclusive economic zone, it is our duty, it is our right…

Read More