RIDER PATAY, ANGKAS AT PEDESTRIAN SUGATAN

PATAY ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas at isang babaeng tumatawid sa kalsada matapos masagasaan ng motorsiklo ang huli at bumangga sa isang Toyota Corolla sa Governors Drive, Barangay Poblacion 1A, Ternate, Cavite, Sabado ng gabi.

Kinilala ang motorcycle driver na si alyas Ricky at angkas nitong si alyas Jomar. Kapwa si;a isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital ngunit idineklarang dead on arrival si Ricky dahil sa malalalang sugat sa katawan.

Samantala, isinugod naman sa Tanza Doctors Hospital ang babaeng tumatawid na si alyas Nice, na patuloy na ginagamot dahil sa mga tinamong sugat.

Batay sa ulat, minamaneho ni Ricky ang kanyang Yamaha Mio at angkas nito si Jomar habang binabagtas ang Sapang 1 sa Ternate.

Pagdating sa Governors Drive sa Barangay Poblacion 1A dakong alas-8:30 ng gabi, nasalpok ng motorsiklo si Nice na noon ay tumatawid sa kalsada.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nag-overshoot ang motorsiklo at bumangga sa isang Toyota Corolla na minamaneho naman ni alyas Jacob na patungong Maragondon. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

(SIGFRED ADSUARA)

75

Related posts

Leave a Comment