RIDING IN TANDEM TIKLO SA BARIL

MASUSING iniimbestigahan ng mga operatiba ng Manila Police District ang riding in tandem upang mabatid kung may kinalaman ang mga ito sa holdapan sa lugar makaraang makumpiskahan ng dalawang .45 kalibreng baril noong Miyerkoles ng umaga sa panulukan ng Vazquez at J. Nakpil Streets, Malate, Manila. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to BP 88, at Omnibus Election Code of the Philippines, si Chris Jefferson Sevilla, 24, at isang 17-anyos na estudyanteng binatilyo. Base sa ulat ng mga tauhan ng…

Read More

3 SELLERS NG REGISTERED SIM CARDS, NABITAG

BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal dahil sa umano’y pagbebenta ng registered SIM cards sa magkakahiwalay na operasyon sa lungsod ng Pasay. Ayon sa ulat na isinumite ng NBI Cybercrime Division (NBI-CCD) kay Director Medardo De Lemos, kinilala ang mga suspek na sina Beverly Cruz, Keone Lebumfacil, at Aljon Reyes. Nagbunsod ang operasyon mula sa impormasyon na ilang indibidwal ang umano’y nagbebenta ng registered SIM cards sa Facebook, na ginagamit naman umano sa masamang layunin. Isang account na may pangalang “Nopce Naldz” ang…

Read More

P16-M SHABU NABUKING SA TAPE DISPENSER

SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR), ang isang lalaki matapos mahulihan ng 2.454 kilo ng umano’y shabu na nakasilid sa tape dispenser, sa lungsod ng Pasay Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang suspek na si Raymond Darag Dulla, alyas “Babe” at “Boy”. Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Illegal Drugs) ng RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ikinasa ang operasyon mula sa impormasyong natanggap ng ahensya noong Setyembre 14 na may ibibiyaheng shabu ang…

Read More

SHABU, MARIJUANA NAKUMPISKA SA MANILA CITY JAIL ANNEX

ITO ang ibinahaging ulat kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency kasunod ng inilunsad na “Greyhound Operation” sa loob ng Manila City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, nagkasa ng “Greyhound Operation” sa loob ng Manila City Jail Annex sa pangunguna ng mga operatiba ng PDEA Regional Office – National Capital Region K9 Unit, at PDEA RO NCR Seaport Interdiction Unit, katuwang ang mga tauhan ng BJMP Manila City Jail Annex, na nagresulta sa…

Read More

ENTERTAINMENT CLUB SA MAYNILA, NASUNOG

TINUPOK ng apoy ang ilang bahagi ng isang entertainment club sa Remedios Street malapit sa Adriatico Street, Malate, Manila nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ni Police Major Edwin Fuggan, hepe ng Remedios Police Community Precinct, na isinumite kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander ng Manila Police District Station 5, bandang alas-11:35 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa Matenrou Entertainment Club sa nasabing lugar. Agad namang ini-report ni Police Staff Sergeant Jodel Jovero kay Major Fuggan ang insidente. Mabilis na nagresponde ang mga awtoridad upang mapigilan…

Read More

NTF-ELCAC napahiya sa sariling presscon DINUKOT KAMI NG MILITAR – 2 AKTIBISTA

NAGULANTANG ang mga awtoridad nang biglang bumaligtad ang dalawang environmental activist na sinasabing sumuko, nang bigla nilang inihayag na sila ay dinukot ng militar at napuwersang pumirma ng affidavits. Mismong mga tauhan ng pamahalaan ang nagharap kina environmental activists Jonila Castro at Jhed Tamano sa press conference na inorganisa mismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Plaridel, Bulacan nitong Setyembre. Sina Jonila Castro at Jhed Tamano ay iniharap sa press conference na ipinatawag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para sana…

Read More

PINSALA SA CORAL REEFS BUBUSISIIN NG PCG, UP EXPERTS

MAGSASAGAWA ang Philippine Coast Guard (PCG), kasama ang mga eksperto mula sa University of the Philippines Marine Science Institute (UP-MSI), ng underwater survey para inspeksyunin ang nasirang mga coral reef sa Rozul Reef at Escoda Shoal, na hinihinalang ang responsable ay ang China. Ito ang napag-alaman mula kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Jay Tarriela. Aniya, naka-monitor ang ahensya ng 33 Chinese Maritime Militia vessels (CMMVs) sa Rozul Reef, o kilala bilang Iroquois Reef, at 15 pa sa Escoda Shoal, o Sabina Shoal. Ito rin umano ang mga…

Read More

IMEE NAMAHAGI NG TULONG SA TAGUIG AT PATEROS

BINISITA ni Senadora Imee R. Marcos ang lungsod ng Pateros at Taguig upang mamahagi ng tulong pinansyal. Katuwang ni Sen. Marcos ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Ike Ponce III, na nagsagawa ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Payout ngayong Martes, September 19. Isanlibong (1,000) residente ng Pateros ang nakatanggap ng P3,000 cash assistance para sa kanilang mga pamilya. Sunod na pinuntahan ni Senadora Imee ang Taguig City kasama si Mayor Lani Cayetano para bisitahin at kamustahin ang…

Read More

Hirit ng grupo ng farmers DIOKNO SIPAIN SA DOF

Diokno

KAILANGAN nang alisin bilang kalihim ng Department of Finance si Benjamin Diokno. Ito ang sigaw ng dalawang grupo na nagprotesta kahapon sa harapan ng tanggapan ng DOF sa Roxas Boulevard at P. Ocampo Street, Malate, Manila. Alas-12 ng tanghali ng magtipon-tipon ang grupo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pangunguna nina Rafael Mariano at Rosendo So. Kabilang sa mga panawagan nila na, huwag nang mag-import ng bigas sa halip ay palakasin ang lokal na produksyon nito, at harangin ang planong pagtapyas ng 10%…

Read More