“KUNG hindi niyo kayang ibaba ang presyo ng mga bilihin, eh itaas ang sahod.” Ito ang matinding panawagan ni Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasabay ng paghahain niya ng panukalang P200 across-the-board wage hike para sa mga manggagawa sa buong bansa. Ayon kay San Fernando, habang abala ang gobyerno sa isyu ng flood control anomalies, tila nakakalimutan ang kalagayan ng mga ordinaryong manggagawa na patuloy na nahihirapan sa taas-presyo ng mga bilihin. “Nakalulungkot kasi wala sa LEDAC, wala sa priority agenda ng administrasyong…
Read MoreCategory: NASYUNAL
SP SOTTO PINITIK SA PAGDEPENSA SA MGA VILLAR
HINDI pinalampas ni Las Piñas City Rep. Mark Anthony Santos ang ginawa ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tila pagdepensa sa mag-inang dating Sen. Cynthia at Sen. Mark Villar, kahit hindi pa tapos ang imbestigasyon sa multi-bilyong flood control projects scandal. “Senator Sotto should be more careful with his pronouncements. His remarks could be seen as prejudging the outcome of the investigation or worse, siding with the Villars to protect political alliances. Better to keep your opinion to yourself and let the evidence speak for itself,” matapang na…
Read MoreCLARETIAN ARIEL INTON, NAKIISA SA “SIPAIN ANG CORRUPTION”
NAKIISA si Claretian Ariel Inton (Batch 1980) sa kampanyang “SIPAIN ANG CORRUPTION!” ng Claret Football bilang patunay ng kanyang paninindigan sa katapatan at pananagutan sa serbisyo publiko. Noong Oktubre 22, nagsama-sama ang mga manlalaro ng Claret Football sa isang friendly match upang itaas ang kamalayan laban sa laganap na katiwalian. Si Inton mismo ang nagpasimula ng programa sa pamamagitan ng isang simbolikong penalty kick, na nagsilbing hudyat ng mainit na panawagan para sa pagkilos. Kasabay ng paninindigan ni School Director Fr. Vic Sadaya, binigyang-diin ni Inton na matindi nang winasak…
Read MorePBBM, VP SARA, IBA PA PINAGLALABAS DIN NG SALN
HINAMON ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte na isapubliko rin ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) kasunod ng panawagan ng publiko para sa transparency sa gitna ng malawakang anomalya sa flood control projects. Ginawa ni Cendaña ang hamon matapos maglabas ng SALN sina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at Senate President Vicente “Tito” Sotto III, na aniya ay magandang hakbang tungo sa pananagutan sa gobyerno. “Kumasa na ang House leadership sa hamon ng Akbayan…
Read MoreCAYETANO MULING NAGDIWANG NG KAARAWAN KASAMA MGA PDL
Kasabay ng National Correctional Consciousness Week 2025, personal na dumalaw si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Huwebes sa mga persons deprived of liberty (PDL) sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) — bahagi ng taunang tradisyong sinimulan niya noong 2011 tuwing kanyang kaarawan. Bumisita ang senador sa Taguig City Jail, kung saan namahagi ang kanyang tanggapan ng 3,700 set ng health kits at 5,562 meals para sa mga PDL at jail personnel. Kasama ni Cayetano sa aktibidad sina Taguig City Mayor Lani Cayetano, Vice Mayor…
Read More2 PATAY SA PAGSABOG SA ILEGAL NA PABRIKA NG PAPUTOK SA BULACAN
BULACAN — Dalawang lalaki ang nasawi matapos sumabog ang isang ilegal na pagawaan ng paputok sa Brgy. Partida, Norzagaray nitong Miyerkules ng umaga. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-11:00 ng umaga nang yumanig ang lugar sa malakas na pagsabog mula sa nasabing pabrika. Agad rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) at rescue team, at naapula ang apoy dakong alas-11:50 ng umaga. Pagkatapos ideklarang fire out, tumambad sa mga rumesponde ang dalawang sunog na bangkay ng mga lalaki sa loob ng gumuhong istruktura. Inaalam pa ng…
Read MoreNATAKOT SA GALIT NG BAYAN? ICI ISASAPUBLIKO NA FLOOD CONTROL PROBE
NATAKOT din ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa galit ng taumbayan kaya nagpasya ang mga ito na isapubliko na sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control at iba pang proyekto ng gobyerno. Ayon sa Makabayan bloc, malinaw na takot sa public outrage ang nagtulak sa ICI para buksan ang mga pagdinig — pero binalaan nila ang publiko na maging mapagmatyag laban sa posibleng cover-up para iligtas ang mga “big fish” na sangkot. “The public outrage has now forced them to livestream the proceedings. We call…
Read MoreCONG. MEOW BARZAGA SINIBAK NA SA RESERVE FORCE NG AFP
KINUMPIRMA kahapon ng Philippine Army ang isinagawang delistment kay Cavite Representative Francisco “Kiko” Barzaga mula sa kanilang Reserve Force, effective 21 September 2025. Ayon kay Col. Louie Dema-ala, ang nasabing aksyon ng Hukbong Katihan ay kasunod ng masusing pag-aaral sa sirkumstansya kaugnay sa kaso nito batay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Rules and Regulations, specifically GHQ, AFP SOP No. 7, “for actions deemed equivalent to grave offenses.” Inihayag din ni Col. Dema-ala na isa sa mga naging batayan sa delistment ni Cong. Meow Barzaga ang pagpapahayag umano nito…
Read MoreMARCOS, ICI TENGANG-KAWALI SA PULSO NG MAMAMAYAN – SOLON
NAGTETENGANG-KAWALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang itinatag nitong Independent Commission of Infrastructure (ICI) sa panawagan ng sambayanang Pilipino na isapubliko ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects. “Ang ICI kaya, kailan? Huwag namang magtengang-kawali ang ICI sa ganitong panawagan,” ani Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima. Giit ng kongresista, dapat buksan sa publiko ang imbestigasyon para malaman ng taumbayan kung ano talaga ang nangyayari sa loob ng komisyon. “Kahit araw-araw may press conference ang ICI, kulang pa rin. Gusto ng mamamayan makita kung sino…
Read More