Pilipinas sa Kuwait: WALANG ‘SORRY-SORRY’

HINDI hihingi ng paumanhin ang Pilipinas sa di umano’y paglabag na naging dahilan para suspendihin ng Kuwaiti government ang pagpapalabas ng bagong entry visas sa mga Pilipino. “The Philippine government’s position, President [Ferdinand] Marcos’ [Jr.] position is that we cannot apologize for protecting our workers. We cannot hold our own people accountable for doing their job which is to protect our overseas nationals,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega. Noong nakaraang linggo, isiniwalat ng Kuwait Interior Ministry ang ilan sa mga dahilan sa likod ng…

Read More

BODEGERO NG MGA DRUG OPERATOR PINATUTUGIS

HINILING ni Senate committee on public order and dangerous drugs Chairman Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa liderato ng Philippine National Police (PNP) na maglunsad ng manhunt operation laban sa isa anyang bodegero ng shabu ng mga umano’y drug lord sa Sablayan Municipal Jail sa Mindoro Occidental. Sa pagdinig ng komite, ibinunyag ng senador na isang Yie Ken Shie, alyas Mike Sy ang nagpahatid ng impormasyon sa kanya na handa itong makipagtulungan sa imbestigasyon dahil lumilitaw na siya ang number 1 shabu king sa bansa. Sinabi ni dela Rosa na sa…

Read More

FIRST LADY LIZA NAKALADKAD SA ‘HOUSE COUP’

(BERNARD TAGUINOD) HINDI pa tuluyang namamatay ang isyu sa umano’y kudeta sa Kamara dahil ngayon ay nakaladkad na ang pangalan ng misis ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si First Lady Liza Araneta. Sa statement ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Facebook, itinanggi nito ang kumakalat na impormasyon na naisahan siya ng isang babaeng mambabatas na nagsabing may basbas ng Unang Ginang ang kanyang ilulunsad na kudeta laban kay House Speaker Martin Romualdez. “A report is going around that I was “duped” by a congresswoman into thinking that…

Read More

Kung ‘di mabibigyan ng trabaho ng Marcos admin KABATAAN MAHUHULOG SA SINDIKATO

MAPAPARIWARA ang mga kabataan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung wala itong gagawing aksyon para bigyan ang mga ito ng trabaho. Ito ang babala ng Kabataan party-list na kinakatawan ni Rep. Raoul Manuel sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos lumabas sa survey ng Social Weather Station (SWS) na 69% sa mga Pilipino ang nahihirapan maghanap ng trabaho. Isa sa mga itinuturo ng nasabing grupo na posibleng dahilan kung bakit nahihirapan ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan ay ang mahinang kalidad ng edukasyon sa bansa na pinalala pa…

Read More

BUSINESS ESTABLISHMENTS OOBLIGAHIN SA CCTV

GAGAWA na ng batas ang Kamara para obligahin ang lahat ng negosyante na maglagay ng closed-circuit television (CCTV) sa loob at labas ng kanilang establisimyento bilang panlaban sa kriminalidad. Sa pamamagitan ng (HB) 8068 o “CCTV Act of 2023” na inakda nina Davao City Rep. Paolo Duterte at Benguet Rep. Eric Yap, bukod sa magdadalawang-isip umano ang mga kriminal sa CCTV ay malaking tulong din ito sa imbestigasyon kapag nagkaroon ng krimen. “We should use technology to our advantage to help keep our citizens safe. Installing CCTV cameras in strategic…

Read More

LIBO KATAO INILIKAS SA PAGHAGUPIT NI ‘BETTY’

TINIPON ang libo-libong indibidwal sa evacuation centers at namahagi na rin ng family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay ng bagyong Betty. Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na may isang milyong pamilya sa Region 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 7, Cordillera Administrative Region, at National Capital Region (NCR) ang inaasahan na magiging ‘vulnerable’ sa masungit na panahon dahil kay Betty at Southwest Monsoon (Habagat). “‘Yung mahihirap talaga sa mga area na ‘to at pinaka-susceptible ay nasa 127,000 families. Ang kagandahan lang…

Read More

GREEN AWARDS INILUNSAD NI MAYOR BELMONTE SA QC

SA layuning mas mahikayat ang mga residente na makiisa sa pangangalaga sa kalikasan, inilunsad ng Quezon City government ang kauna-unahang Green Awards sa bansa o ang “Quezon City Green Awards: Search for Outstanding Disaster Risk Reduction and Climate Action Programs.” Bibigyang pagkilala nito ang mga barangay, Sangguniang Kabataan, youth-based organizations, at mga businesses establishment na magpapatupad ng outstanding at inclusive programs sa Disaster Risk Reduction at Climate Action. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, inilunsad ang unang Green Awards para mahikayat ang mga residente na makiisa sa climate action…

Read More

SUGAR SMUGGLING TILA GINAWANG LEGAL NG PALASYO Bersamin inupakan ni Sen. Hontiveros

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG ginawang legal ng Malakanyang ang smuggling ng asukal nang sabihin ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi kinakailangan ng sugar order bago ang importasyon nito. Bagay na hindi pinalampas ni Senador Risa Hontiveros na nagsabing “hindi pwedeng moving target ang batas.” Nangyari ito sa gitna ng pagkwestyon ng senadora sa pagdating sa bansa ng 440,000 metric tons ng imported sugar noong Pebrero kahit hindi pa nailalabas ang Sugar Order No. 6. Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Bersamin na ‘legally covered’ ng presidential directive ang…

Read More

Sa gitna ng nagbabantang bagyo MAHARLIKA FUND INUNA NI MARCOS JR.

KUNG may dapat isertipika si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang urgent, ito ay ang Permanent Evacuation Centers bill at hindi ang Maharlika Investment Fund (MIF). Ginawa ni ACT party-list Rep. France Castro ang pahayag kasunod ng banta ng bagyong Betty na inaasahang mananalasa sa Northern Luzon kaya maraming evacuees ang posibleng magsiksikan na naman sa public schools. “Sa lakas ng Supertyphoon Betty ay malamang na ‘di lang libo-libong Pilipino ang maapektuhan nito at baka umabot pa sa milyon. Nakakalungkot na sinertify as urgent ni Pang. Marcos Jr. ang Maharlika…

Read More