TAMBAY SA MARCOS ADMIN NASA 1.8M

(CHRISTIAN DALE) BUMAGSAK ang unemployment rate ng Pilipinas nito lamang buwan ng Setyembre subalit umakyat naman underemployment. Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi nito na ang jobless rate ay bumagsak sa 3.7% nito lamang Setyembre ng taong kasalukuyan mula 4% noong Agosto at 4.5% ng Setyembre 2023. Nangangahulugan ito na 1.89 milyong manggagawang Pilipino ang ‘unemployed’ noong Setyembre. Samantala, umakyat naman ang underemployment rate sa 11.9% noong Setyembre mula 11.2% noong Agosto at 10.7% noong Setyembre ng nakaraang taon. Nangangahulugan ito na 5.94 milyong manggagawa ang underemployed noong…

Read More

PCG ALL-SET NA SA BAGYONG MARCE

PREPARADO na ang lahat ng mga kagamitan ng Phil. Coast Guard-North Western Luzon upang magbigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng Bagyong Marce. Sinabi ni PCG Admiral Ronnie Gil Gavan, nasa heightened alert ngayon ang lahat ng district station at substation sa North Western Luzon. Kinansela na rin ang lahat ng leave at day off ng mga tauhan ng PCG upang matutukan ang pagsalba sa mga naapektuhang residente. Nakahanda na rin ang lahat ng mga kagamitan ng coast guard gaya ng mga barko, rubber boat, chopper at iba pa para…

Read More

DOJ PASOK SA EJK INVESTIGATION

PASOK ang Department of Justice (DOJ) sa imbestigasyon ng extra-judicial killings sa drug war ng Duterte administration. Ito ay matapos ipag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagbuo ng task force na kapapalooban ng mga prosecutor at mga tauhan ng National Bureau of Investigation para imbestigahan ang extra-judicial killings o EJK sa drug war ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Base sa inisyung Memorandum Order No. 778 na may petsang Nobyembre 4, nakasaad na ang task force ay pangungunahan ng Office of the Secretary at mag-iimbestiga at tutulong sa pagsasagawa…

Read More

‘ONE MORE CHANCE’ SA 7 OVP OFFICIALS

BINIGYAN ng isa pang pagkakataon ang pitong opisyales sa Office of the Vice President (OVP) na dumalo sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability sa umano’y mismanagement sa confidential and intelligence funds ni Vice President Sara Duterte. Sa ikaapat na pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua, inirekomenda ni Abang Lingkod Joseph Stephen Paduano na muling padalhan ng imbitasyon ang mga tauhan ni Duterte bilang pagsunod sa 3-day rule o kailangang matanggap ng mga resource persons ang invitation tatlong araw bago ang pagdinig.…

Read More

PALUSOT NI BBM SA PAGBAHA ‘DI KATANGGAP-TANGGAP

(BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO ng isang dating mambabatas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil ginagamit nitong palusot ang climate change para pagtakpan ang kanilang pagpapabaya kaya nagkaroon ng malawakang pagbaha nang manalasa ang bagyong Kristine. Naniniwala si dating Bayan Muna party-list rep. Neri na nauubusan na ng dahilan si Marcos kaya ginagamit na nito ang climate change dahil bukod sa nagpabaya ang kanyang administrasyon ay hindi agad nasaklolohan ng kanyang administrasyon ang mga biktima ng pagbaha. “The administration cannot simply hide behind climate change rhetoric while our people suffer from…

Read More

PROTOCOL PLATE NUMBER 7 SA NAG-VIRAL NA SUV, PEKE

PEKE ang protocol plate nunber 7 na nakakabit sa nag-viral na SUV makaraang pumasok sa Edsa bus lane, nitong Linggo. Ito, ayon kay Senate President Chiz Escudero ang kinumpirma ng Land Transportation Office sa kanya. Una na ring nagpahayag ng pagdududa si Escudero sa pagiging lehitimo ng protocol plate dahil mayroon itong iba pang markings tulad ng taon o petsa. Ang iniisyu anyang protocol plate sa mga senador ay walang ibang markings. Iginiit naman ni Escudero na hindi dapat magtapos dito ang isyu dahil kailangang matukoy ng LTO kung sino…

Read More

FORCE EVAC PINAKAKASA SA MGA TATAMAAN NG BAGYONG MARCE

IPINAG-UTOS sa Local government units (LGUs) ang pagpapatupad ng forced evacuation sa mga indibidwal na naninirahan sa mga lugar na hindi maabot ng paghahanda para sa epekto ng Typhoon Marce. “Ang mga municipal mayors at disaster risk reduction officers ay nire-require ng [Department of the Interior and Local Government]: Number one, na mag-force evacuation sa mga lugar na hindi maaabot ng ating mga pwersa,” ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. “Normally ang ating kapulisan at ang armed forces ay nagbibigay ng saklolo. Ang hindi po maaabot ay pinag-eevacuate na…

Read More

MARCOS JR. IWAS SA USAPING DROGA

TUMANGGING magbigay ng kanyang komento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa naging pag-amin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya lamang ang may pananagutan sa libu-libong pagkamatay sa kanyang brutal na war on drugs. Hiningan kasi ng reaksyon si Pangulong Marcos ukol sa naging rebelasyon ni Duterte sa isinagawang pagdinig sa Senado at sinabing inaako nito ang buong responsibilidad para sa mga aksyon ng pulisya sa panahon ng kanyang agresibong kampanya laban sa droga at iginiit na siya lamang ang dapat managot kaysa sa mga opisyal na sumunod sa…

Read More

Marcos nasukol, napaamin BILYONG FLOOD CONTROL WA EPEK

(CHRISTIAN DALE) MISTULANG nasukol at napaamin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nawalan ng silbi ang mga ipinagmalaki niyang flood control projects sa nagdaang Bagyong Kristine. Sa isang ambush interview sa Laurel, Batangas nitong Lunes, tinukoy ni Pangulong Marcos ang flood control projects ng bansa ay ”overwhelmed” sa pagbuhos ng malakas na ulan. Aniya ang naturang malawakang pagbaha ay hindi nangyari noon. ‘Hindi talaga kaya dahil sa buong kasaysayan ng Pilipinas wala pang ganito, ngayon lang natin haharapin ito. Kaya dapat maunawaan talaga ng tao, hindi lamang ‘yung budget kung…

Read More