TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 12307 na nagtatatag ng 11 karagdagang sangay ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC) sa Eleventh Judicial Region sa Davao City. Nilagdaan ang RA 12307 noong Setyembre 18, na nag-aatas sa Korte Suprema na magtalaga ng branch numbers at tiyakin ang agarang pagpapatakbo ng mga bagong korte sa koordinasyon ng Department of Justice (DOJ). “The Supreme Court shall issue the necessary rules and regulations for the effective implementation of this Act and, if warranted, the realignment of seats and existing…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Bagong poverty threshold pinalagan ng kongresista: P84 CHALLENGE KAY BALISACAN
HINAMON ni Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando si Department of Economic Planning and Development (DepDev) Secretary Arsenio Balisacan na subukan mismo ang inilabas ng kanyang ahensya na bagong poverty threshold na nagsasabing ₱84 lang ang kailangan ng isang tao para sa pagkain sa isang araw. Sa deliberasyon ng 2025 House General Appropriation Bill (HGAB), binanggit ng DepDev na ang food poverty threshold ngayong taon ay nasa ₱12,832 para sa isang pamilya na may limang miyembro, o katumbas ng ₱422 kada araw. Kung hahatiin sa bawat miyembro ng pamilya, lalabas…
Read MoreMuling umingay sa gitna ng mga protesta KUDETA, DESTAB VS MARCOS JR. ADMIN
SA gitna ng patuloy na pag-init ng usapin sa umano’y multi-bilyong anomalya sa DPWH flood control projects at sunod-sunod na anti-corruption protest, bigla ring lumutang ang isyu ng destabilisasyon at umano’y planong kudeta laban sa administrasyong Marcos Jr. Pero agad itong ibinasura ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa inilabas na pahayag, mariing itinanggi ng AFP ang mga kumakalat na espekulasyon hinggil sa posibleng kudeta o destabilization plots laban kay Pangulong Marcos. “The Armed Forces of the Philippines (AFP) rejects malicious narratives about supposed plans to unseat…
Read MoreWALANG PASOK: METRO MANILA, ILANG PROBINSYA
BUNSOD ng inaasahang malakas na ulan at hagupit ng hangin mula kay Severe Tropical Storm “Opong”, sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa klase at trabaho sa gobyerno sa iba’t ibang lugar sa bansa bukas, Biyernes, Setyembre 26, 2025. Ayon sa Memorandum Circular No. 102, walang pasok sa lahat ng antas at walang trabaho sa gobyerno sa Metro Manila, Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Masbate, Romblon, at Sorsogon. Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa Aklan, Albay, Antique, Batangas, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Capiz, Cavite, Catanduanes, Guimaras,…
Read MoreDating close-in security kumanta ROMUALDEZ, ZALDY CO HINATIRAN NG MALE-MALETANG PERA
(DANG SAMSON-GARCIA) IBINUNYAG ng dating close-in security ni Cong. Zaldy Co na tatlong beses kada linggo silang nagdedeliber ng pera—na tinawag niyang “basura”—sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez. Sa pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Orly Regala Guteza na mula nang ma-hire siya bilang security detail ni Co noong Disyembre 2024 hanggang Agosto 2025, naging regular ang paghahatid ng pera. Ibinulgar din niya na si Cong. Eric Yap ay naghatid ng 46 maleta ng pera sa bahay ni Co—bawat isa’y naglalaman ng tig-P48 milyon. Aniya, 35…
Read MoreCOA COMM. INIIMBESTIGAHAN SA FLOOD CONTROL DEALS NG MISIS
INIIMBESTIGAHAN na ng Office of the Ombudsman si Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana kaugnay sa kontrobersyal na pagpasok umano ng kanyang misis sa mga proyekto ng gobyerno, kabilang ang flood control projects. Kinumpirma ito ni Quezon Rep. Mike Tan, sponsor ng budget ng Ombudsman, sa deliberasyon ng Mababang Kapulungan. Sagot ito sa matinding pangungulit ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, na matagal nang bumabatikos kay Lipana. Ayon kay Tinio, nilalabag ni Lipana ang Saligang Batas, pero hanggang ngayon ay nananatili ito sa puwesto. Ang asawa umano nitong si…
Read MoreROMUALDEZ DAPAT PIGAIN SA GAA INSERTIONS – SOLON
KASABAY ng nakatakdang pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga mambabatas na pinangalanan sa Senate Blue Ribbon Committee, iginiit ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na dapat ding magpaliwanag ang dating liderato ng Kamara kung paano nangyari ang bilyon-bilyong insertions sa mga nakaraang General Appropriations Act (GAA). “Dapat lang kasuhan ng NBI. Kailangan na harapin nila charges na ipa-file ng NBI dahil ang pinag-uusapan dito ay pera at kaban ng bayan,” ani Diokno. Kabilang sa mga binanggit ni dating DPWH Bulacan First District Engineer Henry…
Read MoreFLOOD CONTROL GRAFT CASES TARGET TAPUSIN SA 120 DAYS
PLANO ng Sandiganbayan na tapusin sa loob ng 120 araw ang lahat ng kasong pandarambong — lalo na ang maiinit na kaso ng flood control projects anomaly na kinasasangkutan ng mga bigating politiko. Ibinulgar ito ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa budget deliberation ng korte na may P2.885 bilyong pondo. Ayon sa kanya, bumubuo na ng bagong panuntunan ang Sandiganbayan para pabilisin ang paglilitis. Paalala ni Akbayan Rep. Chel Diokno, kung tatagal na naman ang kaso, baka makalusot ang mga tiwaling opisyal. “Mas matagal, mas mahirap panagutin,” aniya.…
Read MoreDelikado ang kaban ng bayan! TRILYONG PONDO SA 2026 NILULON NG BAYARIN
TILA babala ang inihayag kahapon ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mahigit limang trilyong piso lamang ang magiging pondo ng gobyerno sa susunod na taon. Ayon kay Davao City Rep. Isidro Ungab, mahigit P5.440 trilyon lang ang totoong magagamit na pondo ng gobyerno sa 2026 dahil halos P1.190 trilyon ay tuwirang ilalaan sa pagbabayad ng utang. At posibleng lumobo pa ito sa P1.353 trilyon kung hindi mapipigil ang patuloy na paglaki ng utang ng Pilipinas. “Taon-taon, pataas nang pataas ang binabayarang utang ng bansa. Ang masama pa,…
Read More