HINDI bahagi ng destabilization plot ang mga protest rally na isinasagawa ng mga tagasuporta ni Vice-President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa administrasyon nito. Sinabi ni VP Sara na ang mga protest rally laban kay Pangulong Marcos ay bahagi ng freedom of speech at freedom of expression. “Even if the people decide to rally every day along Edsa, that’s not destabilization. It’s freedom of speech and expression,” ayon kay VP Sara. Kaya nga, kinuwestiyon ni VP Sara ang paglalarawan ng administrasyon sa mga rally bilang bahagi…
Read MoreCategory: NASYUNAL
‘BOMB THREAT’ SA JOSE ABAD SANTOS HIGH SCHOOL, NAGDULOT NG KAGULUHAN
NABULABOG ang mga estudyante, guro, at kawani ng Jose Abad Santos High School (JASHS) sa Maynila matapos makatanggap ng ‘bomb threat’ ang isang estudyante mula sa group chat ng mga alumni. Batay sa imbestigasyon ng District Explosive and Canine Unit ng Manila Police District (MPD), natanggap ng estudyanteng si Glenmore Rodrigoy Dubongco ang mensahe sa kanilang “Rover Circle 14” Facebook group chat bandang alas-10:55 ng umaga. Ayon sa ulat, nagmula ang mensahe sa Facebook account na John Ballon, umano’y isang JASHS alumnus, na nagsabing: “May bomb threat sa Abad. Coordinate…
Read MoreCHAVIT SINGSON SINAMPAHAN NG PLUNDER AT GRAFT NG MGA MAGSASAKA SA NARVACAN
SINAMPAHAN ng plunder at graft sa Office of the Ombudsman si dating Narvacan, Ilocos Sur mayor Luis “Chavit” Singson at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan, kaugnay ng umano’y maanomalyang bentahan ng lupa at ilegal na pagpapatayo ng resthouse sa baybayin. Batay sa tatlong pahinang reklamo ng Warriors Ti Narvacan, Inc., sa pangunguna ni Atty. Estelita Cordero, inakusahan si Singson at ang mga kasamahan nito ng pagkakasangkot sa pagbili ng halos 10 ektaryang overpriced na lupa mula sa Western Textile Mills, Inc. Ayon sa reklamo, binili umano ang naturang lupa…
Read MoreMarcos admin binalaan sa galit ng taumbayan PINOY HINDI PAPAYAG ‘DI MAKULONG SI ZALDY CO
HINDI dapat sinusubukan ng administrasyong Marcos ang galit ng taumbayan, ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco, matapos nitong muling manawagan sa Department of Foreign Affairs (DFA) na agad kanselahin ang pasaporte ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Giit ni Tiangco, hindi kailanman tatanggapin ng publiko na mga opisyal ng DPWH at contractors lamang ang mapapanagot sa anomalya sa flood control projects, habang ang mga mambabatas na umano’y utak ng katiwalian ay malayang nakapamamasyal sa ibang bansa. “Huwag nilang subukan ang galit ng taumbayan. Hindi tatanggapin ng publiko na…
Read MoreInihalintulad ng solon sa ‘paper tiger’ ICI WALANG BANGIS, WALANG NGIPIN
WALANG natatakot sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) dahil isa lang umano itong “paper tiger” — komisyong walang ngipin at kakayahang managot ang mga tiwaling opisyal sa flood control projects. Ito ang matinding pahayag ni House Deputy Minority Leader at Caloocan Rep. Edgar Erice, na muling nanawagan ng special session sa Kongreso upang maipasa ang panukalang batas na magtatatag ng tunay na independent anti-corruption body. “Nakita naman natin na kulang na kulang sa authority ang ICI. Siguro nababasa ninyo ang mga komento ng ating mamamayan… walumpung araw na mahigit ang…
Read MoreLACSON 50-50 SA PAGBABALIK BILANG BLUE RIBBON CHAIRMAN
POSIBLENG mapilitan si Senate President Pro Tempore Panfilo ‘Ping’ Lacson na muling magsilbi bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee nauna na niyang binitiwan. Ito, ayon kay Senate President Vicente Tito Sotto III ay dahil ang kagustuhan ng mayorya ng mga senador ay si Lacson pa rin ang magsilbing chairman ng Blue Ribbon Committee. “Dapat magmimiting muna kami. May posibilidad na makumbinsi muna namin uli si Sen Lacson,” pahayag ni Sotto. Sa ngayon, ayon kay Sotto ay 50-50 ang chances na makumbinsi nila si Lacson para sa committee chairmanship. Kasabay…
Read MorePISONG TAAS-PASAHE IGINIIT NG TRANSPORT GROUPS
IGINIIT ng mga grupo ng transportasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aprubahan ang karagdagang ₱1 provisional na dagdag sa pamasahe para sa unang apat na kilometro ng biyahe sa mga pampasaherong jeep. Layunin ng panawagang ito na maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, piyesa, at iba pang gastusin sa maintenance. Ayon kay Ramon Guevarra, Pangulo ng Jaen Nueva Ecija Transport Corporation, kinakailangan na ang dagdag-pamasahe dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga piyesa, baterya, gulong, at iba pang kagamitan…
Read MoreMGA DISCAYA MAY GUSTONG ISALBA?
NANINIWALA si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na posibleng may “malalaking taong” pinoprotektahan ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya matapos tanggihan ang panawagan ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na maglabas ng lahat ng impormasyon kaugnay sa mga maanomalyang proyekto ng gobyerno. Sa panayam nitong Miyerkoles, Oktubre 15, sinabi ni Remulla na halatang nagpipigil ang mag-asawa sa pagsisiwalat ng buong katotohanan. “They were not in a tell-all mood… They wanted to spare a lot of people and just choose what they wanted to say,” pahayag ni Remulla. Ayon sa Ombudsman,…
Read MoreIBA’T IBANG AHENSYA PINAGKOKOMENTO NG SC SA WRIT OF KALIKASAN PETITION NG MGA ABOGADO, ENVIRONMENTALIST
PINAGKOKOMENTO ng Korte Suprema sa loob ng 10 araw ang mga ahensya na inirereklamo sa writ of kalikasan petition na inihain ng ilang environmental groups noong Setyembre. Sa utos ng SC, inatasan ang mga respondent na magsumite ng kani-kanilang verified return o pormal na sagot sa petisyon. Kabilang sa mga pinadalhan ng kautusan ang Office of the President, Senado sa pangunguna ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, dating House Speaker Martin Romualdez para sa Kamara, Department of Budget and Management (DBM), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department…
Read More