(JOEL O. AMONGO) MAS maaliwalas ang kinabukasan kung malinis ang kapaligiran. Ito ang mga katagang binitawan ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles sa gitna ng programang linis-lansangan kasama ang mga benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced (TUPAD) sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon kay Nograles, hindi tsapa ang pwesto sa pamahalaan para makaiwas sa mga gawaing ‘marumi at hindi bagay’ sa paningin ng ilang taong-gobyerno. Partikular na tinukoy ni Nograles ang paglilinis ng kapaligiran na aniya’y karaniwang ini-aasa lang sa mga kaminero,…
Read MoreCategory: CONG. FIDEL NOGRALES
FORWARD NEGOSYO NI CONG. NOGRALES MULING UMARANGKADA
BILANG katuparan sa pangakong binitawan sa mga residente sa kanayunan, muling umarangkada ang programang Forward Negosyo ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles. Sa pagpapatuloy ng programa ni Nograles, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), makakatanggap ng P10,000 ang nakatalang ikalawang bugso ng mga benepisyaryo bilang suporta sa pangarap na negosyo. “Hindi po ito ayuda,” paglilinaw ni Nograles. Aniya, ang nasabing halaga ay may kalakip na panuntunan – puhunan para sa maliit na kabuhayan ng mga maralitang mamamayan na apektado ng nakaraang pandemya sa bayang nasasakupan. “Suporta po ito…
Read MoreSa tulong ni Cong. Fidel Nograles 200 TAGA-MONTALBAN NAGTAPOS SA TECHNICAL COURSES NG TESDA
(JOEL O. AMONGO) PINANGUNAHAN ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles ang pagtatapos ng mahigit dalawandaang (200) residente ng Montalban sa iba’t ibang technical courses na ipinagkaloob ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa seremonya na ginanap sa gymnasium ng nasabing bayan kamakalawa. Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Ben-hur Baniqued, Provincial Director ng TESDA Rizal, aniya napakalaking tulong sa kanila ang tulad ni Cong. Nograles sa pamamagitan ng paglalaan nito ng pondo para mabigyan ng mga ganitong kasanayan ang mga residente ng Montalban. Anya, kung hindi dahil…
Read MoreIpinatayo ni Cong. Nograles BAGONG CLASSROOMS SA MONTALBAN PASISINAYAAN
PANGUNGUNAHAN ngayong Martes ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles ang pagpapasinaya sa ipinatayong bagong gusali sa San Isidro Elementary School sa Montalban, Rizal. “Nagagalak tayo na may bagong mga classroom nang magagamit ang mga mag-aaral ng San Isidro Elementary School. The building’s completion is very timely as it will help address classroom congestion especially in the time of COVID-19, where space is crucial in ensuring public health,” ani Nograles. May lawak na 437-square meter ang 4-storey school building na ipinatayo ni Nograles kaya madadagdagan ng 16 classroom ang nasabing…
Read MoreBayan ng Rodriguez balik sa dating Montalban TINIG NG MAMAMAYAN NANAIG – NOGRALES
(BERNARD TAGUINOD) SA wakas ay matutuldukan na ang kalituhan hindi lamang sa mga residente kung Montalban o Rodriguez ang itatawag sa kanilang bayan. “An expression of the people’s will and an end to confusion”. Ganito inilarawan Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles matapos maging batas ang panukala nito na ibalik sa dating pangalan na Montalban ang bayan ng Rodriguez. “Sa wakas, mareresolba na ang ilang dekadang kalituhan na dala ng isyung ito. Republic Act No. 11812 now puts a stamp of authority on the widely-accepted practice of calling our town…
Read MorePAMASKONG HANDOG NG KABATAAN PARA SA KALIKASAN
NITONG nagdaang Pasko ay lubos na nakiisa ang mahigit isang libong kabataan ng Montalban sa ating kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punla ng puno ng prutas tulad ng guyabano, sampaloc, pili, santol, at cacao sa Mt. Parawagan ng Brgy. San Rafael upang isulong ang pangangalaga at patuloy na pagtatanim ng mga puno sa ating kabundukan. Ito ay bilang panangga sa mga kalamidad at pagbaha. Hangad po ng FutureNatin na sama-sama ang ating kabataan sa patuloy na pagtatanim ng mga puno at paglilinis ng ating kapaligiran upang makatulong tayo…
Read MoreCOMELEC: TAGA-MONTALBAN SI CONG. FIDEL NOGRALES
IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) ang paratang na hindi taga-Montalban si Congressman Fidel Nograles ng Ikalawang Distrito ng Rizal. Sa isang Resolusyon na inilabas kamakailan, sinabi ng Comelec na hindi sapat ang pagbibintang na si Congressman Nograles ay hindi taga-San Isidro sa nasabing bayan. Idiniin ng Comelec na ang ganitong kaso ay dapat suportado ng karampatang ebidensya. Nabanggit sa Resolusyon ng Comelec na walang lakas sa hukuman ang hubad na paratang na si Congressman Nograles ay hindi diumano taga-San Isidro, sa kabila ng pagiging aktibo niya sa mga sari-saring…
Read MoreGraduates dapat makaagapay sa ‘new normal’ EDUCATION SYSTEM PINAREREPASO NI NOGRALES
(BERNARD TAGUINOD) HINDI lang buhay ng mga tao ang binago ng pandemya sa COVID-19 kundi ang business model kaya kailangan ang agarang ebalwasyon sa sistema ng edukasyon sa bansa. Ito ang iginiit ni Rizal 2nd district Congressman Fidel Nograles upang malaman kung may dapat baguhin sa sistema ng edukasyon at maipatupad ito upang hindi mapag-iwanan ang mga graduate sa bansa sa pagbabago ng panahon. “The pandemic has created massive revolutionary changes in our education. We are witnessing paradigm shift, we are having an overhaul in our business and technological models…
Read MorePAGBABAGO AT PAG-ASA SA PANDEMYA: Pinakaunang Pambansang Ospital sa Rizal
“PAGBABAGO at Pag-asa.” Bagama’t ang mga katagang ito ay may iba’t ibang kahulugan o ibig sabihin lalong-lalo na sa panahon ngayon ng masalimuot na krisis pangkalusugan, para sa kinatawan ng ikalawang distrito ng Rizal, ang mga katagang ito ay sinusulong ng kanyang pangunahing proyekto para sa kanyang mga nasasakupan: ang Northern Tagalog Regional Hospital sa Montalban. Kahapon ng alas-2 ng hapon, pinangunahan ni Congressman Fidel Nograles ang pormal na groundbreaking ceremony para sa itatayong Northern Tagalog Regional Hospital sa Montalban, Rizal. Ito ang kauna-unahang pambansang ospital sa lalawigan ng Rizal.…
Read More