REP. NOGRALES TARGET MAKABUO NG 1M TRABAHO

HINIKAYAT ng chairman ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee na si Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, ang private sector companies na tumulong sa kanya na makabuo ng isang milyong trabaho para sa mga Pilipino.

“This is a great initiative that not only creates jobs but also addresses the problem of access to transportation for so many of our workers,” ani Rep. Nograles.

“I hope that our other private sector companies will also come up with similar initiatives that would help generate employment for our people,” dagdag pa niya.

Ang Motorcycle Micro Business Program, ay panukala ng Private Sector Advisory Council (PSAC)-Job Sector Group (PSAC-JSG), na ang layunin ay bigyan ng kapangyarihan ang informal sector, partikular ang motorcycle “nanopreneurs”, sa pamamagitan ng pagbuo ng ‘one million job opportunities for habal-habal riders’ habang tinitiyak ang pinakamataas na safety standards.

Ang PSAC-JSG proposal ay naging inspirasyon sa pamamagitan ng ride-hailing app Angkas, kung saan kamakailan ay nagpanukala ng Motorcycle Nanopreneur Digital Jobs Platform, na magbibigay ng pag-asa para bigyan ng kapangyarihan ang 18 million motorcycle owners ng bansa na maging “nanopreneurs” o small business owners.

Ang programa ay naghahanap din ng mga paraan para matugunan ang pagbubukod sa pananalapi sa mga walang access sa banking services sa pamamagitan ng nag-aalok ng ligtas na paghawak ng pera at pinakamadaling motorcycle loans.

Binigyang halaga pa ni Nograles ang tungkulin ng mga inisyatiba para matugunan ang kahirapan ng bansa.

“Such private sector-led action helps ensure that programs are targeted and create actual value,” banggit pa ni Nograles.

“Umaasa akong patuloy na magtutulungan ang pamahalaan at pribadong sektor sa pamamagitan ng PSAC. With such convergence and close collaboration, our inclusive development will not be a pipe dream but something attainable,” ayon pa sa kanya. (JOEL O. AMONGO)

380

Related posts

Leave a Comment