VITALY ZDOROVETSKIY: INGAY PARA SA KLIK, HINDI PARA SA KATOTOHANAN

BISTADOR ni RUDY SIM ANG pinakahuling posts ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy matapos ang kanyang deportasyon, ay malinaw na hindi paghahanap ng katarungan kundi paglikha lamang ng walang saysay na ingay. Sa halip na akuin ang pananagutan sa sariling masamang asal—na nagbunsod sa deklarasyon sa kanya bilang undesirable alien—mas pinili niyang maglatag ng mga paratang laban sa Bureau of Immigration (BI) detention center at mga opisyal nito, nang walang ebidensya at walang balanseng konteksto. Ang ganitong istilo ay hindi na bago. Ang kanyang mga pahayag ay mapanira, mapang-insulto,…

Read More

MAS MAHAL MAMASYAL SA ‘PINAS

DPA ni BERNARD TAGUINOD IMBES na kontrahin ng gobyerno ang mga reklamo ng ating mga kababayan na masyadong mahal at mahirap puntahan ang mga tourist destination sa sariling bayan ay dapat pagsikapang ayusin ang kanilang trabaho lalo na ang Department of Tourism (DOT). Sa totoo lang, ang daming Pilipino ang umaalis araw-araw para maging turista sa ibang bansa at kung tatanungin mo sila kung nakapunta na ba sila sa mga tourist destination sa Pilipinas, marami sa kanila ang nagsasabing hindi pa. Isa sa mga dahilan kung bakit nawawalan ng gana…

Read More

“KAMBYO-KLIMA”

KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI PEBRERO na naman. Ito ‘yung tinatawag ng erpat ko na panahon ng “kambyo-klima”. May oras na malamig pero biglang kakambyo ng init. Kapag mahina ang katawan ay tiyak na magkakasakit – ubo, sipon, asthma, trangkaso etc. Mas lalong mahigpit ang pangangailangan ngayon na maging mas maingat at mapangalaga sa kalusugan lalo na ang mga katulad kong senior citizens. Kung kagaya kong deklaradong persona-non-kwarta, mas todo-todo ang pag-iingat. Mabuti at nakapagpaturok na kami ng aking esposa ng anti-pneumonia vacs pero expired na ang aming…

Read More

PNP, KAILANGAN NG MALAWAKANG PAGLILINIS

RAPIDO ni PATRICK TULFO MULI na namang umiinit ang mata ng madla sa mga kapulisan dahil sa kaliwa’t kanang kontrobersyang kinakasangkutan nito. Dalawang linggo na ang nakararaan nang maaresto ng Makati PNP ang 6 na pulis Maynila dahil sa umano’y sapilitang pagkuha ng pera at gamit ng mga madaraanan ng mga ito sa lungsod ng Makati. Wala umanong opisyal na koordinasyon sa Makati PNP kung anoman ang operasyon ng mga ito dahil hindi nila ito nasasakupan. Sinampahan na ang 6 na pulis ng kasong robbery. Nito ngang nakaraan lang ay…

Read More

Serbisyong may puhunan, ‘di puro pangako! SA GOBYERNONG WALANG TULUGAN, BILIS-KILOS SA KABUHAYAN

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Sa panahong maraming Pilipino ang hirap bumangon mula sa sunod-sunod na dagok ng inflation, kawalan ng trabaho, at kakulangan sa oportunidad, may isang tanong na paulit-ulit na bumabalik: hanggang kailan aasa sa ayuda? Sa Maynila, tila malinaw ang sagot ng kasalukuyang administrasyon – hindi sapat ang tulong na panandalian; mas kailangan ang kakayahang tumayo sa sariling paa. Ito ang diwa ng kamakailang turnover ng TESDA livelihood toolkits na pinangunahan nina Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza sa Bulwagang Villegas. Hindi ito…

Read More

ANG PAMUMUNO NI CONG. PRESLEY DE JESUS SA LIWANAG NG PAGKAKAISA

TARGET ni KA REX CAYANONG MASASABING hindi lamang mga bulaklak at matatamis na salita ang tunay na diwa ng Pebrero. Sa mas malalim na pag-unawa, ito ay buwan ng malasakit—sa pamilya, sa kapwa, at higit sa lahat, sa komunidad na ating pinaglilingkuran. Ito ang mensaheng malinaw na inihahatid ni Hon. Presley De Jesus, Deputy Minority Leader at kinatawan ng PhilRECA Party-list. Sa kanyang Solidarity Message para sa Pebrero 2026, iginiit niya na ang pag-ibig ay hindi lang nadarama, ito ay isinasabuhay sa pamamagitan ng pagkilos at serbisyo. Sa panawagang makiisa…

Read More

MAI-IMPEACH SI BBM KUNG KAKALAS ANG LAKAS-CMD

DPA ni BERNARD TAGUINOD SINIMULAN na ng House Committee on Justice ang pagdinig sa dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., pero kung kasaysayan ang pagbabasehan, wala pang naita-transmit na article of impeachment na dumaraan sa komiteng ito. Sa kaso nina dating Pangulong Joseph Estrada at dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona, hindi na ito dumaan sa Justice committee dahil otomatik na nai-transmit ang reklamo sa kanila sa Senate na tumayong Impeachment court dahil 3rd mode ang ginamit na paraan. Kahit ‘yung impeachment complaint laban…

Read More

MARTIAL LAW NA BA SA PINAS?

PUNA ni JOEL O. AMONGO KAMAKAILAN sa isinagawang Motorcade Caravan ng grupo nina Mike Defensor ay nakaranas sila ng panghaharas mula sa mga kagawad ng pulisya sa Cebu. Tapos na ang motorcade ng grupo nina Mike Defensor at kasalukuyan na lamang kumakain ang mga nakiisa nang paghuhulihin ang mga motor na nakaparada sa isang lugar sa Cebu. Sa kabila ng pakiusap ni Mike Defensor sa mga awtoridad na pabayaan na lamang na makauwi na ang mga may-ari ng motor ay hindi pumayag ang mga pulis ng Cebu. Sinabi ng mga…

Read More

PINAL NA DESISYON NG SC SA IMPEACHMENT VS VP SARA PINANINDIGAN

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS BINIGYAN-DIIN ni Supreme Court (SC) Associate Justice Amy Lazaro-Javier na hindi lamang ang impeachable officer ang dapat suriin, kundi pati ang mismong proseso ng impeachment bago magbigay ng hatol. Ayon ito sa mahistrado sa kanyang boto na nagpapatibay sa naunang desisyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Ibinasura ng SC ang Motion for Reconsideration ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa kawalan ng due process at paglabag sa one-year ban rule. Sinabi…

Read More