CLICKBAIT ni JO BARLIZO IYAN ang banat ng ilang labor group sa P85 na dagdag-sahod ng minimum wage earner sa National Capital Region (NCR). Sa Hulyo 25 ang unang bugso ng P85 na dagdag-sahod kaya mula sa P695 ay magiging P755 na ang minimum wage. Sa Enero 20, 2027 ang ikalawang hulog, at ayan P780 na ang arawang sahod ng mga non-agriculture worker. Hindi sapat ang kinikita ng maraming pamilya para makahabol sa mataas na bilihin at ibang pangangailangan. Nalulunod na ang mga Pilipino sa hindi na mahabol na pagsipa…
Read MoreCategory: OPINYON
Yorme Isko: Bawat piso ng bayan, dapat may pinatutunguhan
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI kailanman naging krimen ang magpahayag ng saloobin. Sa isang demokratikong lipunan, karapatan ng bawat mamamayan ang magprotesta, magtanong at maningil ng pananagutan sa pamahalaan. Ngunit tulad ng anomang karapatan, may hangganan din ito. Ito ang malinaw na mensahe ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso: bukas ang Maynila sa mga nagra-rally, pero sarado ito sa mga manggugulo. Hindi niya ipinagbabawal ang kilos-protesta. Sa katunayan, kinikilala niya ang Freedom Parks bilang lugar kung saan maaaring magtipon ang mga tao nang hindi na kailangang humingi…
Read MorePAGKAKAISA, PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KAHANDAAN: MGA HALIGI NG MAUNLAD NA QUEZON
TARGET ni KA REX CAYANONG ANG tunay na barometro ng mahusay na pamamahala ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga proyektong naipatutupad kundi sa kakayahang pag-isahin ang iba’t ibang sektor ng lipunan para sa iisang layunin—ang pag-unlad at kapakanan ng mamamayan. Ito ang patuloy na ipinakikita ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa ilalim ng pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan. Mahalaga ang aktibong pakikipag-ugnayan sa mga halal na opisyal sa bawat bayan at lungsod. Ang pagdalo sa First General Assembly ng Philippine Councilors League ng Quezon ay malinaw na…
Read MorePRESIDING OFFICER ESCUDERO, PINURI NG MGA EKSPERTO
BAGO pa magsimula ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sari-sari na ang opinyon kung sino ang dapat mamuno bilang Presiding Officer. May mga nagduda, may mga umalma, at mayroon ding naghintay muna bago humusga. Ngayon na natapos na ang unang linggo ng paglilitis, lumalabas na hindi lang mga senador ang kuntento sa naging takbo ng proceedings. Maging ilang kilalang eksperto sa batas at personalidad na sumusubaybay sa impeachment ay nagbigay ng positive reviews sa pamumuno ni Senator Chiz Escudero bilang Presiding Officer. Hindi naging madali ang kanyang tungkulin.…
Read MoreIMBESTIGASYON SA S&G TRAVEL AND TOURS UMUUSAD NA!
RAPIDO ni PATRICK TULFO ILANG linggo na ang nakalipas nang lumapit sa aming programa ang ilang mga nabiktima umano ng S&G Travel and Tours. Ayon sa reklamo, kumuha umano ng tour package sa S&G ang mga nagrereklamo, ilan sa mga ito ay mga OFW papuntang Hong Kong. Pag-uwi ng OFW na complainant sa ‘Pinas para sa kanilang trip sa Hong Kong, dito na nila nalaman na hindi matutuloy ang kanilang lakad. Katuwiran ng agency, delay raw ng booking ang kanilang booking department. Malinaw na kapabayaan sa parte ng agency. Noong…
Read MoreBANTAYAN ANG MGA BATA SA SOCIAL MEDIA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAKATWIRAN at napapanahon ang panawagan ng Philippine Society for Developmental and Behavioral Pediatrics na mahigpit na bantayan ng mga magulang at guardian ang paggamit ng social media ng mga menor de edad. Sa kasalukuyan, malinaw nang nakikita ang masasamang epekto ng hindi kontroladong pag-access ng mga bata sa internet at iba’t ibang online platform. Hindi maikakaila na bukod sa mga kapaki-pakinabang na impormasyon, madaling makasalamuha ng kabataan ang mararahas na video, maling impormasyon, cyberbullying, mapanlinlang na content, at mga usaping hindi angkop sa kanilang edad. Dahil…
Read MoreYORME ISKO: MINIMUM BASIC NEEDS ANG PUNDASYON NG MAAYOS NA MAYNILA
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI lahat ng proyekto ay dapat tingnan bilang simpleng paggastos ng gobyerno. May mga proyektong hindi lamang nagtatayo ng gusali kundi nagtatayo ng tiwala ng mamamayan sa kanilang pamahalaan. Isa rito ang bagong rehabilitated na San Nicolas Health Center sa Maynila. Sa unang tingin, maaaring isipin ng iba na isa lamang itong ordinaryong health center na inayos at pinaganda. Ngunit kung susuriin nang mabuti, mas malalim ang mensahe ng proyektong ito. Paulit-ulit na sinasabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ang tunay…
Read MoreHAPPY NA NAMAN ANG SINDIKATO SA BI
BISTADOR ni RUDY SIM ISANG maimpluwensyang Indian national ang umano’y HAPPY sa pakikipagsabwatan sa ilang mga tauhan at opisyal ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration, sa pangha-harass sa mga hindi nito hawak na negosyante sa larangan ng lending business at umano ay tinatakot at kinikikilan. Matatandaang inireklamo ng Indian community kamakailan ang pangongotong ng isang dating opisyal ng Intelligence na si alias “Jude” at kinasuhan ni alias “James” na malapit kay FL, ang ginawang panghuhuli ng BI agents kahit may mga papeles at lehitimo ang mga papeles nito kung…
Read MoreAIRBNB LANG, HINDI BAHAY MO
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HINDI ko akalaing may mababasa akong kuwento na mapaiiling na lang ako. Isang babae ang naging usap-usapan matapos akusahan sa social media na nagsagawa umano ng house blessing sa isang bahay na nirentahan lamang sa Airbnb. Ayon sa mga post na kumalat, inimbitahan pa niya ang mga kamag-anak at kaibigan, may handaan, may mga dekorasyon, at may pari pang nagsagawa ng pagbabasbas. Ang mas naging sentro ng usapan, ipinakita umano ang bahay na tila siya ang may-ari nito. Hanggang ngayon, wala pang opisyal na…
Read More