GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MALAKAS ang suporta kay Alex Eala sa Australian Open. Kita ito sa dami ng taong dumagsa, sa ingay ng palakpakan, at sa damdaming may Pilipinang ipinaglalaban sa isang malaking entablado ng tennis. Walang masama roon. Sa katunayan, bihira itong mangyari. Pero ang tanong ay hindi kung tama bang sumuporta, kundi kung paano ito ginagawa. Bago pa man ang oras ng laro ni Eala, puno na ang Court 6 kung saan siya maglalaro. May nauna pang men’s singles match sina Mikael Ymer ng Sweden at…
Read MoreCategory: OPINYON
‘PAG MAHIRAP ANG NAGNAKAW IPINABABALIK ANG NINAKAW
DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI ko magets si Sen. Rodante Marcoleta na kumukuwestiyon sa restitution o ipinababalik sa mga inaakusahang nagnakaw sa kaban ng bayan ang kanilang ninakaw kapalit ng pagiging state witness. Noong baguhan ako sa media, ang unang assignment ko ay police beat, marami kaming istorya ukol sa petty crimes tulad ng pagnanakaw, snatching at pandurukot at kapag nahuli ang suspek ay ipinababalik ang kanilang ninakaw sa kanilang biktima. Kahit hindi pa umaakyat sa korte ang kaso ay nagkakaroon ng kasunduan ang biktima at suspek na kapag ibinalik…
Read MoreKARMA SA MGA MAGNANAKAW SA KABAN NG BAYAN
PUNA ni JOEL O. AMONGO KAHIT anong pagtatago o pagtanggi ng mga gumawa ng kasalanan tulad ng pagnanakaw sa kaban ng bayan, kapag karma na ang kumilos ay hindi kayo makawawala. Magaling maghanap ng address ang karma, kahit saan man kayo magtago na gumawa ng kasalanan, lalo kapag maraming tao na ang inyong naperwisyo, hindi kayo patutulugin ng inyong konsensiya. Tulad halimbawa kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Senior, sa lakas niya ay tinagurian pa siyang “strongman” ngunit hindi niya akalain na mapatatalsik siya sa Palasyo ng Malakanyang. Ngayon tila mauulit…
Read MoreHONTIVEROS BINATO SA LAKBAYAW?
BISTADOR ni RUDY SIM ISA tayo sa mga nakiisa sa taunang pagdiriwang ng “Lakbayaw” sa fiesta ng Tondo sa Lungsod ng Maynila, upang makunan ng litrato ang mga dumalong deboto ng Sto. Niño at sa simpleng pitik ay nakapagbigay tayo ng ngiti sa mga ito. Maraming deboto ang sumama sa parada ng mga kabataan mula sa iba’t ibang grupo, maging ang mga estudyante at guro ng Catholic schools kagaya ng Holy Child Catholic School, dala ang kanilang mga imahe ng Santo. Bagama’t naging payapa at walang naiulat na nasaktan sa…
Read More“PAYE”
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI AYAW ko na sanang pumaksa ng kung anoman na may kaugnayan sa lumalawak at patuloy na graft and corruption sa ating gobyerno. Manhid na ako. Nakasusuka na. Dahil kahit na ano pang dakdak na paepal ng mga awtoridad sa ating pamahalaan – Malakanyang, Senado, Kongreso, DOJ, Ombudsman etc. – wala ring nangyayari. Mahigit kalahating taon na pagkatapos na ibulgar ni PBBM ang muli-bilyong pisong dekwatan sa flood control projects ng DPWH, wala pang kinakasuhan at itinatangkal sa kulungan na malalaking tao sa gobyerno.…
Read MoreDATING USEC BERNARDO, PURO PARATANG LANG
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAGKAROON ng face-off ang nag-aakusa at mga inaakusahan sa isinagawang Senate Blue Ribbon Committee hearing nitong Lunes. Sa naturang pagdinig ay mariing itinanggi ng negosyanteng si Maynard Ngu ang mabibigat na paratang ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo. Naging mahalagang pagkakataon ang pagdinig para kay Ngu upang diretso niyang itanggi ang paratang na tumanggap umano siya ng P160 milyon at P280 milyon mula sa flood control projects. Hindi rin naiiba ang tindig ni dating DepEd Usec. Trygve Olaivar. Ang alegasyon na humingi raw siya ng 15…
Read MoreDH SA KUWAIT INUMBAG NG KAPWA OFW DAHIL SA TRABAHO
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP HUMINGI ng tulong ang isang overseas Filipino worker (OFW) na si Aida Aliñabon, 50-taong gulang, may asawa, at dating domestic worker, matapos umano siyang makaranas ng pisikal na pananakit at pang-aabuso habang nagtatrabaho sa Kuwait. Ayon sa salaysay ni Aida, dumating siya sa Kuwait noong Abril 25, 2025. Sa una niyang employer, tumagal lamang siya ng tatlong buwan dahil hindi umano niya kinaya ang trabaho sa pag-aalaga ng limang bata. Bumalik siya sa ahensya at kalaunan ay nailipat sa panibagong employer na may…
Read MoreSINGAPORE URBAN FARMING POSIBLENG SAGOT SA FOOD SECURITY NG MAYNILA
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NAKIPAGPULONG si Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa mga senior fellow ng ISEAS – Yusof Ishak Institute noong Biyernes, Enero 16, bilang bahagi ng patuloy na pagrepaso ng lungsod sa mga estratehiya sa food security at urban agriculture na angkop para sa mga lungsod na may mataas na densidad ng populasyon. Nakipagpalitan ng pananaw si Moreno kina Propesor Paul Teng at Ms. Elyssa Ludher, kung saan tinalakay kung paano unti-unting inilipat ng Singapore ang bahagi ng kanilang produksyon ng pagkain sa mga…
Read MorePRIBILEHIYO, PANANAGUTAN AT ANG MULTO NG “GHOST PROJECT”
TARGET ni KA REX CAYANONG SA isang bansang patuloy na naghahangad ng maaasahang suplay ng enerhiya, hindi maaaring balewalain ang anumang alegasyong bumabalot sa mga prangkisang ipinagkaloob ng estado—lalo na kung ang sangkot ay isang renewable energy company na may basbas ng pamahalaan. Ang pahayag ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ay muling nagbukas ng mas malalim na usapin: hanggang saan ang pananagutan ng mga binigyan ng pribilehiyo ng gobyerno? Hindi ito usapin ng pulitika, gaya ng malinaw na diin ng mambabatas. Ito ay usapin ng prinsipyo. Kapag…
Read More