KUMPANYA AT 14 INDIBIDWAL NA SANGKOT SA MISDECLARED AGRI PRODUCTS, KINASUHAN NG BOC!

TARGET ni KA REX CAYANONG MAHALAGA ang ginawang hakbang ng Bureau of Customs (BOC) sa pagsasampa ng mga reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban sa 14 na indibidwal kaugnay ng umano’y misdeclared agricultural products. Hindi maliit na usapin ang ganitong kaso. Malaking halaga ng mga produktong agrikultura ang sangkot at maaari itong makaapekto sa patas na kalakalan at sa mga lehitimong negosyante. Ayon sa BOC, anim na shipments ang idineklarang “chicken lollipops,” ngunit sa inspeksyon ay natuklasang naglalaman ang mga ito ng 15,029 sako ng fresh white onions at…

Read More

Baka Kailangan Talagang 70 ang 70

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN KAMAKAILAN, umingay sa Threads at X ang isang post mula sa TikTok account na @9everlasting3 tungkol sa bagong sistema ng pagmamarka at talahanayan ng pagtaas ng marka ng Department of Education. Makikita sa post, may mga estudyanteng umiyak matapos makakuha ng mababang marka. Hindi ko sila masisisi. Masakit naman talaga makita ang markang mas mababa kaysa nakasanayan. Lalo na kung sanay kang makakita ng 85, 90, o 95 sa iyong card ng marka. Pero habang binabasa ko ang mga reaksyon tungkol dito, may isang…

Read More

16 BOTO: PAGBALUKTOT BA SA KONSTITUSYON O LEGAL NA INTERPRETASYON?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY isang tanong na lalong umiinit habang nagpapatuloy ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte: Ang usapin ba sa 16 na boto ay simpleng legal na paglilinaw, o may pagtatangkang baguhin ang mismong batayan ng Konstitusyon? Para sa ilang Pilipino, nagmumukhang ipinagpipilitan ng magkapatid na sina Senador Erwin at Senador Raffy Tulfo ang isang interpretasyon na maaaring magpababa sa bilang ng boto para sa conviction. Ngunit sa puntong ito, mahalagang paghiwalayin ang hinala ng publiko sa mga bagay na aktuwal na naitala sa impeachment…

Read More

“ROMERO MEDAL BROUHAHA” HINDI NATATAPOS SA KANYANG PAGBIBITIW

TAMBULI ni JESSE RUIZ MUKHANG nahihirapang pagtakpan ng Armed Forces of the Philippines partikular na ang Philippine Air Force, ang idinulot na kontrobersya ng isang larawan nang magpa-Kodak si Reserve Brigadier General Michael “Mikee” Romero kasama si AFP chief of Staff Antonio Nafarrete pagkatapos makumpirma ang kanyang ranggo bilang Brigadier General noong Agosto 13, 2026. Agad na nag-viral ang nasabing photo op at napuna ng mga retiradong opisyal ng militar na mas marami pang medalya at ribbons si Romero kumpara sa mismong pinuno ng AFP. Tanong maging ng ilang military…

Read More

DMW ‘DI PA RIN NAGBABAYAD SA LOGO CARGO

RAPIDO ni PATRICK TULFO MARAMING OFWs ang nakakikilala kay Mr. Joel Longares, ang pangulo ng Door-to-Door Consolidators Association of the Phils. (DDCAP), at may-ari ng LOGO Cargo na dating Atlas Cargo. Ito ay dahil bago pa man umaksyon ang aming programa sa reklamo sa mga abandonadong balikbayan boxes sa Bureau of Customs, apat na taon na ang nakararaan ay tumutulong na ito sa problema. Dito ko po nakilala at naging kaibigan si Boss Joel at nalaman sa kanya ang mga problemang kinahaharap ng industriya, lalo na ang gawain ng ilang…

Read More

FOR DESTRUCTION PERO FOR SALE PALA?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO LUH! Akala natin kapag sinabi mong for destruction, diretso na sa wasakan. Hindi pala. Anlagay eh, parang may detour muna papunta sa bentahan. Matapos kasi ang ulat tungkol sa umano’y bentahan ng mga nakumpiskang ilegal na sigarilyo noong Agosto, aba, may sumulpot na bagong eksena. Nasabat ng NBI ang 10 hanggang 15 toneladang smuggled frozen chicken meat sa isang rendering facility sa Sta. Maria, Bulacan. Nagpanggap umanong buyer ang mga operatiba kaya nahuli ang isang babae sa pagbebenta ng produktong nagkakahalaga ng humigit-kumulang P7 milyon. Ang…

Read More

LAPU-LAPU PROVINCE, NAPAPANAHON NA ITULAK NI AHONG CHAN SA KONGRESO

On the Level ni JUNEX DORONIO NANANAWAGAN ang DISKARTE Para sa Pamilya at Bayan kay Lapu-Lapu City Rep. Junard “Ahong” Chan na muling buhayin ang panukala para sa paglikha ng Mactan Province o ‘di kaya ay Lapu-Lapu Province —isang usaping matagal nang pinag-uusapan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa tuluyang nakararating sa katuparan. Hindi ito bagong ideya. Noong 2022, si Chan, na noo’y mayor ng Lapu-Lapu City, ay nagpahayag ng suporta sa pagtatatag ng hiwalay na Mactan Province na maaaring binubuo ng Lapu-Lapu City at Cordova, kasama ang mga kaugnay…

Read More

CR NOON, POLICE STATION NGAYON SA ILOILO

Kurdapyo ni Toto Nabaja DISMAYADO itong si Police Regional Office 6 (PRO-6) Director PBGen. Randulf Tuaño sa kanyang natuklasan na dating comfort room pala o CR ng gymnasium ng Bayan ng San Rafael sa Iloilo, ang ngayon ay nagsisilbing Police Station ng bayan. Awts! Ito ang natuklasan ni Tuaño sa kanyang pag-iikot sa PRO 6 para alamin ang kondisyon at iangat ang morale ng kanyang mga tauhan. Hindi ito katanggap-tanggap para kay Tuaño. Biruin n’yo nga naman, mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, bumulaga kay Tuaño sa kanyang pagbisita ang kalunos-lunos…

Read More

META IPATATAWAG NG KONGRESO, BAKIT?

PUNA ni JOEL O. AMONGO ISANG malaking pangalan sa mundo ng teknolohiya ang muling napunta sa sentro ng atensiyon ng Kongreso: ang Meta, kumpanyang nasa likod ng Facebook at Instagram. Sa pagkakataong ito, hindi simpleng pagpupulong ang usapin. Ipinatawag ng Mababang Kapulungan si Meta CEO Mark Zuckerberg para humarap sa isang pagdinig tungkol sa social media safety at sa mga problemang iniuugnay sa paggamit ng online platforms, partikular ang proteksiyon sa mga kabataan. Bakit kailangang umabot sa subpoena ang usapin? Para sa ilang mambabatas, hindi na sapat ang paulit-ulit na…

Read More