BIKTIMA NG KALAMIDAD BAKA MAKALIMUTAN N’YO

DPA ni BERNARD TAGUINOD ISANG buwan na ang nakalipas mula nang manalasa ang bagyong Kristine na nagpalubog sa halos buong Bicol region na nakaapekto sa mga karatig lalawigan tulad ng Batangas at Quezon na sinundan pa ng 5 pang bagyo na ininda ng mga tao hanggang Northern Luzon partikular na ang Cagayan at Isabela. Ang dating panaghoy ng tulong ay tumahimik na dahil nag-alisan na ang mainstreams media sa mga lugar na sinalanta ng bagyo at naiwan ang mga biktima na hindi alam kung papaano sila makababangon at hindi na…

Read More

‘KAPAG MAY SIPAG AT TIYAGA, MAY NILAGA’

At Your Service ni KA FRANCIS ANO nga ba ang nais na ipaliwanag ng salawikaing, “Kapag may sipag at tiyaga, may nilaga”? Sa aking pananaw kung ang isang tao ay masipag at matiyaga ay sigurado ang kanyang pag-asenso at tiyak na hindi siya magugutom. Lalong naging tanyag ang sipag at tiyaga nang maging slogan ito ng kilalang negosyanteng si Manny Villar. Si Manny Villar ay binansagan na “Mr. Sipag at Tiyaga” dahil sa inabot nitong tagumpay sa buhay. Si Manny Villar na lumaking mahirap ay mula sa Moriones, Tondo, nagsikap…

Read More

KREDIBILIDAD NI ACIERTO BILANG SAKSI NG QUADCOM KINUWESTIYON

PUNA ni JOEL O. AMONGO DUDA si Rose Nono Lin sa kredibilidad ng sinibak na Police Colonel na si Eduardo Acierto bilang isang mapagkakatiwalaang saksi sa kasalukuyang isinasagawang imbestigasyon ng House Quad Committee sa war on drugs ng Duterte administration. Binanggit ni Nono Lin na si Acierto, dating isang miyembro ng PNP Anti-Narcotics Unit, ay iniuugnay sa P11-billion halaga ng smuggled drugs na nakalagay sa magnetic lifters na natuklasan sa Manila International Container Port (MICP) at sa isang lugar sa Cavite noong 2018, at may patong sa kanyang ulo na…

Read More

PAMUMUHUNAN PARA SA HINAHARAP

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO Isinusulong ng pamahalaan ang pagkakaroon ng mas maraming renewable energy sa kasalukuyang supply mix ng bansa. Bahagi ito ng tinatawag na energy transition, kung saan tinatarget ng Department of Energy na punan ng renewable energy sources kagaya ng solar at wind, ng 35 porsyento ng total energy mix pagdating ng 2030 at 50 porsyento pagdating ng 2040. Maraming kumpanya sa bansa ang talaga namang determinadong magtayo ng renewable energy projects. Bukod sa pagiging libre ng naturang resource, ito na talaga ang tinatangkilik at tanggap na…

Read More

SEN. BONG GO: ITIGIL ANG BANGAYAN, UNAHIN ANG SERBISYO

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG SA gitna ng kontrobersiya ukol sa pagkakadetine ni Atty. Zuleika Lopez, Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte, nanawagan si Sen. Christopher “Bong” Go ng pagkakaisa at pagtutulungan sa hanay ng mga lider ng bansa. Idiniin ni Go na ang kapakanan ng ordinaryong Pilipino ang dapat mangibabaw sa gitna ng mga hidwaang pampulitika. Ayon sa kanya, hindi kontrobersya at awayan ang kailangan ng sambayanan, kundi maayos na serbisyo mula sa gobyerno. Binatikos niya ang umano’y pang-aabuso sa kapangyarihan ng contempt na nagiging sanhi…

Read More

UTOS NG MALACAÑANG NA I-DEPORT ANG 41 POGO WORKERS DINEDMA NI BI KUME?

BISTADOR ni RUDY SIM TILA malapit na raw sumambulat na parang Bulkang Pinatubo ang pilit nang pinatatahimik na sikreto tungkol sa recognizance ng 41 foreigners na hinuli ng Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), sa kanilang case-build up and apprehension sa alleged POGO hub sa bayan ng Bagac, Bataan. Sa mga hindi pa ipinanganganak taong 1991, pilit na ginawan ng paraan ng mga sundalong Amerikano sa Subic na pigilan ang pagputok ng Pinatubo na kilala sa kasaysayan bilang pinakamalakas na pagsabog sa 20th century. Ganoon pa man, sa kabila ng makabagong…

Read More

SINO ANG DAPAT PASALAMATAN SI PNOY O SI PBBM?

RAPIDO NI TULFO HINDI pa man nakababalik sa bansa ang ating kababayang si Mary Jane Veloso na nasentensyahan ng kamatayan sa Indonesia dahil sa drug trafficking noong October 2010, ay tila pinag-aagawan na ng ilang personalidad ang karangalan at papuri kung sino ang dapat pasalamatan sa napipintong pag-uwi nito bansa. Sa isang post sa kanyang personal account sa Twitter na X na ngayon, pinasalamatan ng aktres at dating TV host na si Kris Aquino, ang kanyang kapatid na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Dahil sa ilalim daw ng…

Read More

MAKASUNOD KAYA LAHAT SA SIMPLENG SELEBRASYON?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO IDINEKLARA ng PAGASA noong Nobyembre 19 na simula na ang Amihan season, na magpapalamig sa temperatura sa bansa. Maginaw na at amoy-Pasko na ang paligid. Ayon sa PAGASA, ang naantalang pagdating ng panahon ng taglamig ay naging sanhi ng pagpasok ng mga bagyo sa hilagang bahagi ng bansa. ‘Di bale na raw huli basta brrr, brrr na ang atmosphere. Ang mahalaga ay andito na ang Reyna Amihan. Teka, hindi nagpahuli ang hari ng Malacañang. Sumabay sa reyna ng malamig na panahon, at pinagsabihan ang mga ahensya…

Read More

MALASAKIT NG PHILRECA PARTY-LIST SA ATING WARRIORS OF LIGHT

TARGET NI KA REX CAYANONG SA kabila ng unos na dulot ng bagyong Nika at Pepito, muling nagningning ang diwa ng bayanihan at malasakit sa Santiago City, Isabela. Pinangunahan ni Cong. Presley De Jesus ng PHILRECA Party-List, ang pagkilala at suporta sa ating “Warriors of Light”—ang line workers na walang pagod na nagtatrabaho upang maibalik ang serbisyo ng kuryente sa apektadong mga lugar. Sa tulong ng Task Force Kapatid, isang inisyatibo ng National Electrification Administration (NEA), katuwang ang PHILRECA, Central Luzon Electric Cooperatives Association (CLECA), at One EC Network Foundation, nagtungo…

Read More