KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari BALOT ngayon ng hiwaga ang posisyon ni Presidente Bongbong Marcos sa sinimulang giyera politikal ni Vice President Sara Duterte laban sa Malakanyang. Marami ang nag-aabang sa gagawing pagganti ni PBBM upang tuluyan na niyang walisin ang natitira pang kabuluhan ni Sara sa pamahalaan. Pagkatapos mabulgar ang misteryosong paggastos o pagwaldas sa P612.5 million na “confidential fund” (CF) ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education noong siya ang kalihim nito – na sinundan pa nang direktang pagbabanta sa buhay ng…
Read MoreCategory: OPINYON
DAPAT PANGALANAN ANG MGA CORRUPT!
RAPIDO NI PATRICK TULFO MAUGONG ngayon ang mga akusasyon ng talamak na korupsyon sa Marcos administration, at ilang mga personalidad na tulad ng mamamahayag na si Ka Tunying (Anthony Taberna) at Baguio City Benjamin Magalong, ang nagsalita ukol dito. Pero mas maigi sana kung may mga personalidad na pinangalanan o maging ahensya ng gobyerno kung saan nagaganap ito. Para hindi naman lahat ay nadadamay. Kawawa naman ‘yung mga wala namang kinalaman at madadamay pa. Sa kanyang YouTube channel, tahasang sinabi ng mamamahayag na si Anthony Taberna na talamak daw ang…
Read MoreIMPEACHMENT VS VP SARA AT ANG EPEKTO NITO SA LIDERATO NI PANGULONG MARCOS!
TARGET ni KA REX CAYANONG SA kasalukuyang pulitika ng bansa, hindi maikakaila ang tensyon sa pagitan ng ilang sektor ng pamahalaan, lalo na ang kontrobersiyang bumabalot sa posibleng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon sa political analyst na si Ronald Llamas, ang kinalabasan ng isyung ito ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa imahe at liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Malinaw ang naging direktiba ni Pangulong Marcos sa kanyang mga kaalyado na huwag nang maghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara. Ngunit, sa kabila nito, may…
Read MoreMuslim brothers pumalag sa fake news versus Yorme Isko
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA MAY payo ang isang political observer: Hayaan lang, ‘wag nang pigilan pa ang kaaway sa pulitika kung palaging nagkakamali. Ganito ang ginagawa ng kampo ng political enemies ni Yorme Isko Moreno na madalas ay palso at padaskol ang diskarte — na hindi na nga pinapatulan ng kanyang kampo. Ganun kasi ang pulitika, sabuyan ng putik, at kahit imbento, malisyoso, walang basehan at kontra sa sentido kumon, ibinabato sa politiko, lalo na kung ang politiko ay mahal ng tao at siguradong banta sa kalaban. Pero,…
Read MoreCIF NG PANGULO DAPAT DING ALAMIN KUNG SAAN NAGAMIT
DPA ni BERNARD TAGUINOD LAHAT ng ginagastos ng gobyerno ay mula sa buwis ng taumbayan at kahit umutang sila para pampuno sa kakulangan sa pondo ay ang mamamayan din ang magbabayad, hindi lamang sa interes kundi maging sa principal loan. Doble pa. Kabilang sa ginagastusan ang confidential and intelligence funds (CIF), na ang pinakamalaki ay sa Office of the President (OP) at dahil confidential nga ang pondong ito, hindi na nabubusisi ng mga tao kung papaano ito ginamit. Kaya precedent ‘yung pagkalkal ng Kamara sa confidential funds ni Vice President…
Read More‘ALAGANG PINOY’ KINAGIGILIWAN
At Your Service Ni Ka Francis ISA sa mga kinagigiliwan ng iba’t ibang lahi sa buong mundo ay ang tinatawag na “Alagang Pinoy”, partikular ang mga nasa hanay ng medikal na propesyon. Kakaiba kung mag-alaga sa kanilang mga pasyente ang mga Pilipino na nasa hanay ng medikal na propesyon, dahil tinatrato nilang parang kamag-anak o hindi na nila iba ang mga ito. Marahil nag-ugat ang kaugaliang ito sa pagiging malapit ng mga Pilipino sa kanilang pamilya kung kaya’t pagdating sa kanilang trabaho ay nai-apply din nila ang pagiging malapit sa…
Read MoreKAIBAHAN NG PHARMALLY PHARMACEUTICAL CORP. SA PHARMALLY BIOLOGICAL, IPINALIWANAG
PUNA ni JOEL O. AMONGO NILINAW ng isang babaeng negosyante na ang Pharmally Biological and Pharmaceutical Company ay hindi sister company ang kontrobersyal na Pharmally Pharmaceutical Corporation na naging pakay sa imbestigasyon ng Quad committee ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kamakailan. Base sa businesswoman-turned politician na si Rose Nono-Lin, may-ari ng wala na ngayong Pharmally Biological, nilinaw niya kamakailan sa kanyang pagdalo sa Quad Committee, na hindi siya opisyal o may-ari ng nasabing kontrobersyal na pharmaceutical company. Muling inulit ng negosyante na ang Pharmally Biological ay hiwalay at magkaiba…
Read More‘ADIK NA PRESIDENTE’
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NOONG isang linggo, ginulantang na naman ng dating pangulong Digong Duterte ang gabi ng mga Noypi. Pakawalan ba naman ang malutong na “presidenteng adik” patungkol kay Pangulong Bongbong Marcos. Pero pansin n’yo rin ba na tila wala naman nawindang sa mga litanya ng dating pangulo? Sabi nga, inistorbo lang daw ang gabi sa kanyang rhetorics. Pagod na ba talaga ang mga Pinoy na magreklamo o hingin kung ano ang nararapat sa mga taong gobyerno o namanhid na at wala nang pakialam? Sagot ng netizens: Hindi. Pero…
Read MoreGOV. HELEN TAN TAOS-PUSONG NAGPASALAMAT KAY PBBM SA TULONG SA MGA MAGSASAKA
TARGET NI KA REX CAYANONG SA ilalim ng pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan, buong puso ang pasasalamat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito’y bunga ng mahalagang inisyatibo ng pamahalaang nasyonal na naglalayong mabigyan ng kaginhawaan ang ating mga magsasaka. Sa pamamagitan ng ipinamahaging E-Titles at Certificate of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) ngayong Nobyembre 29, nadama ang tunay na malasakit ng administrasyon para sa sektor ng agrikultura. Umabot sa kabuuang halagang P441.71 milyon ang na-condone para sa lalawigan ng Quezon, na nagresulta sa…
Read More