MABILIS DAW SI PBBM… SA PAGDEDEKLARA NG HOLIDAYS!

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAAGAP si Pangulong Marcos. Saan? Sa pagproklama ng special non-working holidays. Inilabas ng Malacañang ang serye ng Presidential Proclamations na nagdedeklara ng special non-working holidays sa partikular na mga siyudad at munisipalidad sa buong bansa para sa nalalabing dalawang buwan ng 2024. Mabilis nga sa pagproklama na tila higit na prayoridad ng Pangulo ang mga selebrasyon kaysa tutukan ang mga nangyayaring hindi maganda sa bansa. Heto ang listahan ng special non-working days ngayong Nobyembre: Nobyembre 12 – Special (Non-Working) Day sa Lungsod ng Valenzuela sa bisa…

Read More

MAGING SENSITIBO SA MGA INILALABAS SA SOCIAL MEDIA

THINKING ALOUD NITONG nakaraang linggo, sobrang nakaiinis na mayroong isang Marites na nag-post sa social media ng video tungkol sa isang aksidente kung saan may tatlong taong napahamak. Bagama’t hindi direktang katrabaho, kabilang kami sa parehong kumpanya at talagang nakababahala ang video na nakabalandra sa Facebook dahil tila proud na proud pa itong netizen na ito at ni-repost niya pa ang video sa kabila ng pakiusap ng mga kasamahan, at ng iba pang mga netizen na tanggalin na ang video dahil sa sensitibong content. Pero hindi nagpatinag itong si Marites,…

Read More

PLAN IN LIFE

HOPE ni Guiller Valencia DO we know what is best for us? Do our parents know the best for us? How about our mentors or friends? Even the fortune tellers, do they know the best for us in life? Surely, I would say no! Making plans for the future is wise and prudent to achieve our desired goals. Alam nating walang nakakaalam ng magaganap sa kinabukasan, lalo na sa kung ano ang best para sa buhay natin. Yes, we do a plan and preparing the best thing to do sa…

Read More

HINDI UMAASA SA TULONG NG GOBYERNO

DPA ni BERNARD TAGUINOD NATUTO na ang mga tao na maging hindi palaasa sa gobyerno kapag nabiktima sila ng kalamidad, God-made o man-made man, dahil tumatayo sila sa sariling paa dahil kung aasa sila sa kanilang mga iniluklok na lider, walang mangyayari sa kanila. Sa unang araw pagkatapos ng unos, ang ibibigay lang ng gobyerno ay pagkain at tubig na magtatagal lang ng dalawa hanggang tatlong araw lalo na roon sa mga wala sa evacuation centers. Pagkatapos niyan bahala na ang mga tao kung saan sila kukuha ng pagkain at…

Read More

PAGDINIG NG SENADO NAGMISTULANG SIRKUS

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGMISTULANG isang palabas sa sirkus ang isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon kamakailan kaugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Tila nalihis ang isyu ng reward system na nag-udyok sa mga pulis na pumatay kapalit ng pera at promosyon. Kamakailan lang, ibinunyag ni Police Lt. Col. Arnulfo Ibañez sa QuadComm hearing na ang reward system na ito ang nagtulak sa mga pagpatay, may bonus at benepisyo para sa bawat buhay na kinitil. Subalit ilang araw matapos ang kanyang nakagugulantang na…

Read More

WAR ON DRUGS

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG giyera kontra droga sa Pilipinas, na inilunsad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, ay may mapangwasak na epekto sa ating lipunan. Ang nagsimula bilang isang pangakong puksain ang ilegal na droga, ay naging isang kalunos-lunos na alamat ng karahasan at pagkawala. Maraming mga tao ang nagtatanong sa moralidad ng pamamaraang ito, na naniniwala na ang pagpatay sa mga nakikipaglaban sa pagkagumon, ay hindi solusyon. Sa halip na karahasan, dapat ay nakatuon sa pakikiramay at suporta—mga programa sa rehabilitasyon na talagang makatutulong sa…

Read More

‘DEATH SQUAD’

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari STRAIGHT from the horse’s mouth. Inamin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa hearing sa Senado nitong Oct. 28 na siya ang utak sa mga pagpatay noong kanyang malagim na giyera laban sa ilegal droga. Itinumba ng kanyang “death squad”. Hindi na mahalaga kung pulis o gangsters ang bumubuo ng death squad. Nilinaw na niya sa publiko sa naganap na hearing sa Senado, na siya ang tanging may responsibilidad sa malawakang pagpatay na tinaguriang “extra judicial killings” o EJKs. Batay sa ulat ng pulisya,…

Read More

PAG-AKO NI EX-PRRD SA RESPONSIBILIDAD SA WAR ON DRUGS

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG ANG administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay lumikha ng matinding marka sa kasaysayan ng Pilipinas dahil sa kanyang matapang na kampanya laban sa ilegal na droga. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee, isang makapangyarihang mensahe ang kanyang ipinabatid: siya ang handang umako ng buong responsibilidad sa war on drugs na kanyang isinulong noong siya ang pangulo. Ipinahayag niya na ang kanyang pangunahing layunin ay protektahan ang sambayanang Pilipino mula sa banta ng droga—isang banta na unti-unting sumisira sa kinabukasan ng bansa. Ang…

Read More

RAPIDO NI TULFO

RAPIDO NI TULFO (Sa mga tumatangkilik sa Rapido ni Tulfo, pansamantalang hindi ninyo matutunghayan ang kanyang column. Mag-antabay lamang sa kanyang pagbabalik – Patnugot) o0o IPINAAABOT ng Saksi Ngayon ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya Tulfo sa pagpanaw ng kanilang pinakamamahal na si Ramon Enrique. Dasal namin ang katatagan ng buong pamilya sa panahong ito ng pagdadalamhati at pangungulila.   309

Read More