DPA ni BERNARD TAGUINOD MAS malabo pa sa tintang itim na ibinubuga ng pusit kapag nasusukol na siya, ang pag-asang mabuwag ang political dynasty sa Pilipinas dahil habang tumatagal, imbes na mabawasan ay nadadagdagan pa sila. Ang tanging pag-asa na lang natin ay maging matalino ang mga botante na imposible ring mangyari dahil karamihan sa Pinoy voters ay madaling mauto, nababayaran at masyadong nai-star struck sa sikat na mga kandidato. Maraming nagsasabi na 70% sa mga gumagawa ng batas sa Kongreso ay mula sa political dynasty clan at kung hindi…
Read MoreCategory: OPINYON
PAGIBIG-HDMF TRUSTEE INIREKLAMO NG EMPLEYADO SA PAGIGING BASTOS?
PUNA ni JOEL O. AMONGO ISANG ginang ang nagreklamo laban sa kanyang boss na Trustee ng PAGIBIG – Home Development Mutual Fund (PAGIBIG-HDMF) na umano’y nang-aabuso sa kanya. Sa sulat ng ginang na hindi muna natin babanggitin ang pangalan, kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., inireklamo niya ang pare-pareho at tuloy-tuloy na ‘hindi naaangkop na pag-uugali, verbal na pang-aabuso, at maling pag-uugali’ ni Anthony Cesar Arellano, Trustee ng PAGIBIG-HDMF. Nakasaad sa reklamo ng ginang na sa isang board committee meeting na isinagawa sa Baguio noong Agosto 26, 2024 sa Manor…
Read MorePAPANSININ KAYA ANG KASO NG MGA GUO KUNG WALA SILANG PERA??
BISTADOR ni RUDY SIM NOONG nakaraang Biyernes ay humarap sa isinagawang pagdinig ng Bureau of Immigration, Board of Special Inquiry (BI-BSI) ang kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si Shiela Leal Guo o Zhang Mier, kaugnay sa kontrobersyal na kung ano ba talaga ang tunay na katauhan ng mga Guo sa kabila ng lumabas na mga dokumentong nagsasabing pineke ang kanilang Filipino citizenship. Marami ang nakatutok sa mala-teleseryeng kaabang-abang kung ano ang mangyayari sa isinasagawang pagdinig ng iba’t ibang sangay ng gobyerno, kung seryoso ba ang mga…
Read MorePARA TUMAGAL ANG ATING BUHAY, IGALANG NATIN SINA INAY AT ITAY
At Your Service Ni Ka Francis NARITO ang nakatala sa aklat ng buhay o Bibliya, “Kung ibig mong magkamit ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos… Igalang mo ang iyong ama at ina at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” (Matthew 19:17, 19). Sa talatang ito, kapansin-pansin na hindi lang mga magulang natin ang dapat igalang kundi maging ang ating kapwa tao gaya ng paggalang natin sa ating sarili. Kung hindi natin pinagsasalitaan ang ating sarili ng masama, hindi rin dapat natin ito ginagawa…
Read MorePAGSUSULONG NG MGA PROGRAMANG NAKABUBUTI SA IBA’T IBANG ASPETO NG LIPUNAN
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO BAGAMA’T maraming grupo at indibidwal ang nagsasabing adbokasiya nilang tulungan ang mga kapos sa buhay at isulong ang karapatan ng mga senior citizen, hindi naman lahat ng ito ay nadarama ng dapat talagang makinabang. Kaya kawalan talaga sa Kongreso ang pagtatapos ng termino ni Rep. Joey Salceda dahil talaga namang itinulak niya ang mga batas na nagbigay ng maraming benepisyo sa mga Pilipino. Bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Albay, hindi na mabilang ang mga batas na ipinasa niya para mapadali ang pagnenegosyo sa bansa,…
Read MoreNABILOG BA TAYO NI MABILOG?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NANGAKO si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog na sasagutin niya ang mga ibinabato sa kanya noong administrasyon ni Duterte. Humanga ako sa kanya nang bumalik siya sa Pilipinas matapos ang ilang taong pananatili sa ibang bansa dahil nga sa pangako niya. Bilib na sana ako sa kanya, pero parang hanggang pangako lang ang nangyayari dahil imbes na klaruhin ang mga paratang sa kanya ay tila ang inaatupag niya ay ang ambisyong makabalik sa dating puwesto. Mula nang humarap sa House Quad Committee ay tahimik na…
Read MorePARA SA SERBISYONG MAKADIYOS AT MAKATAO: TEAM COLLAB AT ANG BAGONG YUGTO NG TANAUAN
TARGET NI KA REX CAYANONG ANG serbisyong tunay na may prinsipyong ipinakita ng Team CollAb, sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at City Administrator Wilfredo “Dodong” Ablao, ay higit pa sa inaasahan ng mamamayan ng Tanauan. Ang kanilang walang pag-aalinlangang paninindigan para sa kapakanan ng mga Tanaueño ay pormal nang pinagtibay sa naganap na induction ceremony kamakailan, kung saan ang bawat isa ay nangako ng maka-Diyos at makataong paglilingkod. Sa bawat hakbang at desisyon ng kanilang pamumuno, makikita ang pagpapahalaga sa batas at sa karapatan ng mamamayan. Kasama si Kons.…
Read MoreELEKSYON NA NAMAN, PABUBUDOL KA BA ULIT?
PAINIT nang painit ang mga palabas sa entablado ng pulitika habang papalapit na ang huling araw ng paghahain ng kandidatura para sa Halalan 2025. Kanya-kanya nang gimik ang ilan sa mga lalawigan, distrito, siyudad at munisipalidad kung saan nila balak mahalal. Sa pagkasenador, may gustong palawigin ang kanilang termino, may nais makabalik, at may magbabakasakali muli. Nasa 18,272 nasyonal at lokal na posisyon ang nakalatag sa eleksyon sa Mayo 12, 2025. Bakit parami nang parami ang gustong magkaroon ng pwesto bilang halal ng bayan? Madali lang ang mga kwalipikasyon sa…
Read MoreKALANGITAN LANDFILL, PUWERSAHANG PAPASUKIN?
Clickbait ni JO BARLIZO NABABALOT ngayon ng tensyon ang buong Kalangitan Sanitary Landfill sa Capas, Tarlac. Ito, ayon sa ating impormasyon, ay dahil nakatakdang pasukin ng Clark Development Corporation ang landfill bukas, October 6, at puwersahan itong ipasasara. Mula sa isang napipintong garbage crisis noong una, mukhang mauuwi muna ang mga nangyayari sa isang peace and order problem. Kailangan dito na mamagitan ng Philippine National Police upang hindi mauwi sa kaguluhan ang plano ng CDC. Ipinagpipilitan kasi ng CDC na endo na ngayong araw ang lease agreement ng Metro Clark…
Read More