PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY natanggap tayong impormasyon na may magsasampa ng impeachment laban kay Pangulong Junjun Marcos ngayong pagpasok ng unang buwan ng taong 2026. Marahil kasama sa mga reklamong ito ay ang pinakakorap na 2025 national budget at iba pang pagtataksil (betrayal) sa mga Pilipino. Simula nang pumasok sa Palasyo ng Malakanyang si Junjun Marcos noong taong 2022 hanggang ngayon, ay puro kontrobersiya ang kinaharap ng kanyang administrasyon. Wala pang isang taon sa kanyang pag-upo sa panunungkulan noon ay maraming gabinete na ang bumitiw sa kanya. Lalo…
Read MoreCategory: OPINYON
KAHIT PINAGNAKAWAN APEKTADO SA KORUPSYON SA PINAS
DPA ni BERNARD TAGUINOD NAALARMA ako sa post ng isang overseas Filipino worker (OFW) dahil maging sila na kasama sa pinagnakawan ng corrupt politicians sa Pilipinas, ay apektado sa matinding katiwalian sa bansa. Dahil sa katiwalian na kagagawan ng mga politiko at appointees, ay nawawalan ng tiwala ang foreign employers sa OFWs bagama’t sila ay kasama sa mga biktima at pinagnakawan sa kanilang bansa. Marami ring regular employees sa mga ahensya ng gobyerno ang gumagawa ng kabalbalan at ang mga ordinaryong Pilipino na may transaksyon sa kanilang ahensya o opisina…
Read MoreP1.2-B MANILA BAY REHAB FUND, KINUWESTIYON NG PAMALAKAYA
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS PINALAGAN ng militanteng grupo ng mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), ang P1.2 bilyong pondo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa Manila Bay rehabilitation program, sa kabiguang mapabuti ang kalagayan ng mga pangisdaan. Ayon sa PAMALAKAYA, nakatanggap ang DENR ng P1.2 bilyon sa 2026 budget para sa Operational Plan ng Manila Bay Coastal Strategy na bahagi ng kautusan ng Korte Suprema noong 2008 para sa rehabilitasyon ng Manila Bay. Sinabi ng grupo, mula nang ilunsad ang…
Read MoreDELICADEZA MAHIRAP MAKITA SA POLITIKONG PINOY
CLICKBAIT ni JO BARLIZO PAGDATING sa prinsipyo at delicadeza, parang magkaibang planeta ang Japan at Pilipinas at mas nakikita ito sa pulitika. Palasak na ang kuwento ng harakiri o seppuku sa kasaysayan ng mga Hapon. Kapag nalagay sa kahihiyan ang isang lider, mas pipiliin pa niyang magbitiw o sa pinakamatinding anyo noon, wakasan ang sariling buhay kaysa yurakan ang dangal. Hindi dahil mahilig sila sa drama, kundi dahil malalim sa kanilang kultura ang pananagutan at hiya (shame culture). Sa kanila, ang pagkakamali ng lider ay pagkakamali ng buong grupo. Sa…
Read MoreOFW NA DUMULOG SA SAKSI NGAYON, LIGTAS NANG NAKAUWI SA PILIPINAS
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP MASAYANG ibinalita sa OFW Juan ng Saksi Ngayon, ni Nimfa Almira Domingo, 35-taong gulang, isang OFW, mula sa Barangay Sinalhan, Santa Rosa City, Laguna, ang kanyang ligtas na pag-uwi sa Pilipinas matapos ang halos tatlong buwang matinding pagsubok sa Saudi Arabia. Si Nimfa, na nagtrabaho bilang housemaid sa Al Khobar, Saudi Arabia, ay dumating sa nasabing bansa noong Setyembre 17, 2025 sa ilalim ng lokal na ahensiyang Billboard Promotion, Inc. at dayuhang ahensiyang Dar Al Nokba Recruiting Office. Ang kanyang employer ay kinilalang…
Read MorePAMUMUNO NI MAYOR GEL ALONTE, RAMDAM NA RAMDAM NG MGA TAGA-BIÑAN
TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon ngayon na madalas inuuna ang ingay kaysa gawa, mahalagang kilalanin ang mga lider na mas pinipiling magtrabaho nang tahimik ngunit may malinaw na direksyon. Isa sa kanila si Mayor Gel Alonte ng Biñan, na kabilang sa Top Performing Mayors ng Laguna para sa taong 2025, ayon sa Pulso ng Bayan Year-End Survey ng Social Pulse Philippines. Hindi maliit na bagay ang makapagtala ng 86.5% satisfaction rating mula sa libo-libong respondent. Ang numerong ito ay hindi lamang estadistika, kundi kolektibong tinig ng mamamayan na…
Read MoreSEN. ERWIN TULFO ALAM NA ANG PROBLEMA SA ABANDONADONG BALIKBAYAN BOXES
RAPIDO ni PATRICK TULFO PATULOY pa rin po tayong nakatatanggap ng mga tanong ukol sa delivery ng kanilang balikbayan boxes. Katulad ng naibalita na po namin sa ating programa na napakikinggan sa DZME 1530Khz mula Lunes hanggang Biyernes, nagsimula na ang delivery ng mga kahon na matagal nang nakatengga sa ilang puerto o port ng bansa bago mag-Pasko. Medyo matatagalan po ang paghahatid ng mga kahon na ito kahit pa nadagdagan na ang mga tumutulong dito sa pangunguna ng DDCAP na pinamumunuan ni Mr. Joel Longares ng LOGO cargo. Dahil…
Read MorePINAY SA KUWAIT INUMBAG NG KAPWA OFW
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP NANAWAGAN ng tulong ang isang overseas Filipino worker (OFW) na si Aida Antazo Aliñabon, 50-taong gulang, matapos siyang saktan ng kapwa manggagawa at mawalan ng mga personal na gamit habang nasa Kuwait. Si Aida, na isang domestic worker, ay dumating sa Kuwait noong Abril 25, 2025 sa ilalim ng Raffah Hassan Aldhafeeri Manpower Recruitment Office. Sa unang tatlong buwan, nagtrabaho siya sa isang pamilya ngunit humiling ng reassignment dahil sa sobrang bigat ng trabaho, lalo na’t lima ang batang inaalagaan. Inilipat siya sa…
Read MoreLUBOG NA SA PUTIK AT PUSALI ANG BUHAY NG FILIPINO
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA DAHIL sa rambulan at balimbingang pulitika sa bansa, pagtatayo sa sari-sariling interes ng mga partido at pamilyang politiko, sa halip na umangat, nalubog na sa putik at pusali ang buhay ng mga Filipino. Walang direksiyong pulitika na kanya-kanya ng kabig sa kayamanan ng bansa kasabwat ang oligarkong nasa likod ng mga popular na politiko na pinopondohan ng bilyon-bilyong piso, walang pagkakataon ang matino, tunay na makabayang Filipino na manalo at maiangat ang unang Republika sa Asya. Kawawang prutas na balimbing na naging simbolo ng…
Read More