TULOY-TULOY ANG MALASAKIT NG MGA UMALI SA NOVO ECIJANOS

TARGET ni KA REX CAYANONG MAY mga programang agad nawawala kapag tapos na ang pangangailangan o kapag lumipas na ang panahon ng kampanya. Ngunit may mga serbisyong nagpapatuloy dahil tunay na malasakit ang pundasyon nito. Isa sa mga halimbawa nito ang patuloy na pamamahagi ng bigas ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija sa iba’t ibang komunidad sa lalawigan. Sa Talavera, muling nakinabang ang mga residente ng Barangay Matingkis, Bagong Silang, at Valle sa programang naglalayong matiyak na may pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Novo Ecijano. Kapuri-puri na pinangunahan ni…

Read More

PARANG BOY SCOUTS, LAGING HANDA ANG DSWD

On the Level ni JUNEX DORONIO MAY isang imaheng madaling pumasok sa isip kapag naririnig ang katagang “Laging Handa”—ang Boy Scouts na laging nakaposisyon, organisado, at handang tumulong sa oras ng pangangailangan. Sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad sa bansa, tila ganito rin ang anyo ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD): alerto, mabilis kumilos, at hindi natitinag sa hamon ng panahon. Kamakailan lamang, naglabas ang DSWD ng higit sa P378.3 milyon na tulong para sa mga komunidad na lubhang naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol sa Southern…

Read More

PALIT ULO PARA IWAS BULILYASO

Syanong detektib ANG dignidad na itinaguyod sa loob ng maraming taon, gumuho sa loob lang ng isa’t kalahating buwan dahil sa walang puknat na hidwaan sa hanay ng mga tinatawag na kagalang-galang. May mga nanindigan sa katotohanan. Meron din naman nakikiramdam lang. Pero sadyang katangi-tangi ang mga tulad ni Chiz Cake at Lord Joel na mas pinili talikdan ang prinsipyo para makaiwas sa kasong katiwalian sa likod ng tinaguriang flood control scandal. Si Chiz Cake ang isa sa mga kapural sa likod ng budget insertions na nagbigay-daan sa budget insertions…

Read More

MAY IPAGMAMALAKI PA BA SI BBM SA KANYANG 2026 SONA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NALALAPIT na naman ang isa sa pinakamahalagang araw sa kalendaryong pampulitika ng bansa. Sa darating na Hulyo 27, 2026, muling haharap si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa sambayanang Pilipino upang ihatid ang kanyang State of the Nation Address o SONA. Bilang huling buong SONA bago matapos ang kanyang termino, marami ang nag-aabang kung ano ang magiging sentro ng kanyang talumpati. Noong SONA 2024, buong pagmamalaki niyang inihayag na nakapagtayo ang kanyang administrasyon ng humigit-kumulang 5,500 flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Inilarawan…

Read More

2 TAON NA LANG: ANO ANG IIWANG PAMANA NG PANGULO?

At Your Service ni KA FRANCIS DALAWANG taon na lamang ang nalalabi sa panunungkulan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa puntong ito ng kanyang administrasyon, natural lamang na itanong ng taumbayan kung ano ang mga programang maituturing na tunay na pamana ng kanyang liderato. Hindi maiiwasang ikumpara ang kasalukuyang administrasyon sa mga nauna, lalo na sa mga proyektong nagkaroon ng pangmatagalang epekto sa buhay ng mga Pilipino. Sa bawat administrasyon, inaasahan ng mamamayan ang mga proyektong hindi lamang maganda sa papel kundi ramdam sa pang-araw-araw na pamumuhay. Mula sa…

Read More

PROBLEMA SA HEALTH CARE SA ‘PINAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI na madalang ang patak ng ulan. Malaking ginhawa, ngunit kapag tumigil na ang buhos nito ay mas maalinsangang panahon ang papalit. Pero mas masarap ang basa sa ulan kumpara sa basa ng pawis. Kaya naman marami na ang nag-aabang sa Wattah! Wattah! Ang bantog na taunang pagdiriwang na katulad ng iba pang kapistahan, ay pumupukaw sa diwa ng mga Pilipino, na nakikipaglaban sa hamon ng buhay. Pansamantala, mabasa muna ang mga problema at lumutang ang saya. Ang San Juan City local government ay muling nagtalaga…

Read More

PARUSANG KAMATAYAN SA HUMAN TRAFFICKERS

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KUNG ang inyong lingkod ang tatanungin, dapat parusang kamatayan ang iparusa sa human trafficking, online sex exploitation ng mga bata at menor de edad. Batay sa RA 1193, life imprisonment ang pinakamabigat na parusa, at P500K hanggang P10-milyon ang penalty sa convicted trafficker. Opinyon ko lang po ito dear readers, sana ay i-consider ng ating mambabatas, kasi ang isang biktima, halimbawa isang 15-anyos na batang babae na bukod sa inaalila na ay pinagsasamantalahan pa, ito ay isang continuing crime, paulit-ulit na pagdungis hindi lang…

Read More

NASA 14 PANG CONTAINER NG MAKATI EXPRESS CARGO, NAKATAKDANG ILABAS NG BOC

RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI pa nga tuluyang natutuldukan ang problema sa abandonadong mga balikbayan box. Nitong nakaraang Martes (June 16, 2026), napuntahan natin ang warehouse ng L98 sa Cavite, kung saan nakita natin ang napakarami pang balikbayan box na ipinadala sa Makati Express Cargo at inilabas ng Bureau of Customs, kaya napunta sa L98. Wasak-wasak at nabubulok na ang laman nang buksan ang container. Halos ‘di na mabasa ang mga nakasulat sa mga kahon nito kaya’t pahirapan nang mahanap mga ang may-ari nito. Ilan naman sa mga tatanggap ng…

Read More

Kaagapay sa Kahirapan: Yorme Isko, Personal na Naghatid ng Tulong

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA panahon na maraming mamamayan ang nahihirapang lumapit sa mga tanggapan ng gobyerno para humingi ng tulong, isang magandang halimbawa ang ipinakikita ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso. Sa pamamagitan ng Kaagapay Program, hindi na kailangang magpagod pa ang mga residente sa kakahabol sa ayuda dahil mismong ang gobyerno na ang lumalapit sa kanila. Ito ang mensaheng malinaw na ipinabatid ni Yorme Isko nang personal niyang pangunahan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga taga-District…

Read More