MAUUBOS ANG BILYONG AYUDA PERO MANANATILI KAHIRAPAN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KAPAG bago ang kalendaryo, hindi lang bagong taon ang nakatitik dito. Kasabay ng anunsyo ng palit-kalendaryo ang pagdagdag ng edad. Normal ito sa takbo ng panahon. Pero, kung bitbit ng bagong taon ang pagtaas ng gastusin sanhi ng dagdag na singil sa mga produkto aba, mapapa-hesusmaryosep na tayo. Eto na. Sa ikalawang sunod na linggo ng 2025, tataas muli ang presyo ng produktong petrolyo. Ang dahilan: pagbawas sa supply ng OPEC at Russia sa panahong inaasahang tataas ang demand ng produktong petrolyo. Bukas, Enero 14, ipatutupad…

Read More

P10K INILAAN NG DMW SA BIKTIMANG OFWs

RAPIDO NI TULFO HINDI fake news ang naisulat namin sa aming Facebook page (Rapido Ni Patrick Tulfo) na naglaan ang Department of Migrant Workers (DMW) ng tig-P10K sa bawat OFW na biktima ng pang-iiskam ng mga cargo company sa bansang Kuwait. Sa panayam ng inyong lingkod kay DMW Sec. Hans Cacdac nito lang Dec. 26, 2024, sinabi nya na bilang tulong ng ahensya sa mga nabiktima ng scam ay magbibigay sila ng P10K. Bahagya lamang naging magulo ang implementasyon nito dahil mukhang hindi ito napag-usapan ng iba pang mga tauhan…

Read More

HUWAG KAYONG MAGNAKAW

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PUMASOK na ang bagong taon pero bitbit pa rin ni Juan ang mga pasanin ng nakalipas na taon. Hindi pa rin bumababa ang presyo ng pagkain at iba pang gastusin. Nariyan pa ang mga panibagong dagdag tulad ng bayarin sa tubig at ang pinagdidiskusyunang premium hike ng SSS. Halos maputol na nga ang bewang ni Juan sa kakahigpit ng sinturon mapagkasya lang ang karampot na kita. Heto ang gobyerno at makikiisa rin daw sa pagbabawas ng gastos. Makatitipid daw ang pamahalaan ng bilyon kung mababawasan ang…

Read More

GSIS AT MMDA SANIB-PWERSA VS TRAFFIC PROBLEMS

TARGET NI KA REX CAYANONG ISANG makabuluhang hakbang ang isinagawa ng Government Service Insurance System (GSIS) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa tumitinding problema sa trapiko. Ito’y sa pamamagitan ng kasunduang magagamit ang mga ari-arian ng GSIS para sa layuning direktang makatulong sa solusyon sa matagal nang problema sa trapiko sa Kalakhang Maynila. Sa kasunduang nilagdaan nina GSIS President and General Manager Wick Veloso, at MMDA Chairman Atty. Romando Artes, na sinaksihan ni MMDA General Manager Procopio Lipana, ipinamalas ang kahalagahan ng pagtutulungan ng dalawang ahensya ng gobyerno. Aba’y…

Read More

TRUST GOD OF HOPE

Hope ni Guiller Valencia I’d like to share this verse in the book of Romans as my blessing word to everyone at the beginning of this year. “May the God of hope fill you with all joy and peace as you trust in him, so that you may overflow with hope by the power of the Holy Spirit.” (Romans 15:13, NIV) Last year 2024, did you trust God of hope? Maging sa nakalipas na mga taon, sino ang ating pinagkatiwalaan o to whom we trust? Ito ba ay ang Diyos…

Read More

BAKIT ‘DI GAYAHIN NG PINAS ANG ARGENTINA?

DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na makapag-iwan ng legasiya at hindi siya maalala bilang “budol president” ay gayahin niya dapat ang presidente ng Argentina na si Javier Melei. Sa loob lang ng isang taon, naiangat ni Melei ang ekonomiya ng Argentina at sila na ngayon ang ikalawa sa biggest economy ng South America dahil pag-upong pag-upo niya ay tinupad niya ang kanyang election promise na tanggalin ang mga ahensya ng gobyerno na walang silbi at binawasan ang pinagkakagastusan ng kanilang gobyerno. Sa loob…

Read More

SSS HIKE: REPORMA O HINDI MAKATARUNGANG PASANIN?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NGAYONG taon, itinaas ng Social Security System (SSS) ang rate ng kontribusyon sa 15%, ang pinakamataas sa ilalim ng Social Security Act of 2018. Bagama’t iginiit ng gobyerno na mahalaga ang hakbang na ito para mapanatili ang pondo, maraming Pilipino ang naiwang nagtataka kung ito ba ay pasanin lamang o patas na reporma, lalo na sa mapanghamong kalagayan ng ekonomiya. Aminin natin, masahol ang tiyempo nito. Nahihirapan na ang mga manggagawa sa pagtaas ng presyo ng pangunahing mga bilihin, at ang maliliit na negosyo…

Read More

‘PLANTING OF EVIDENCE’ RAKET NG MPD STATION COMMANDER?

PUNA ni JOEL O. AMONGO KAHIT na nakalkal sa isinagawang pagdinig kamakailan sa House of Representatives Quad Committee ang kalokohan na kinasasangkutan ng ilang kagawad ng pulisya ay hindi pa rin natigil ang ginagawa nilang pagtatanim ng ebidensiya sa kanilang mga hinuhuli. Ayon sa sumbong sa PUNA, isang station commander sa Pulis Maynila ang inoobliga ang kanyang mga tauhan na manghuli nang lingguhan na may kinalaman sa illegal possession of firearms at drugs. Kapag walang mahuli ang mga ito ay sasabihin ng kanilang station commander na taniman ng ebidensya para…

Read More

DAPAT DELIVERY AT HINDI PICK-UP ANG GAWIN NG DMW

RAPIDO NI TULFO HINIHINTAY na lang namin na ianunsiyo ng Department of Migrant Workers (DMW) kung kailan sisimulan ang releasing ng balikbayan boxes mula sa Kuwait na nakatengga pa rin hanggang ngayon sa Bureau of Customs. Una na nating naiulat sa ating programa sa DZME 1530 khz, at nasulat sa espasyong ito, na hawak na ng DMW ang “deed of donation” na galing ng BOC. Ang deed of donation ay pormal na naglilipat ng responsibilidad sa 25 na containers mula sa Kuwait sa DMW. Bagama’t sinabi ng BOC na kanila…

Read More