MABILIS NA AKSYON NI BOC COMMISSIONER ARIEL NEPOMUCENO SA ATENEO INCIDENT!

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng isang matinding trahedya tulad ng nangyaring pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University, ang unang hinahanap ng publiko mula sa mga pinuno ng pamahalaan ay hindi pananahimik o pagdadahilan, kundi mabilis at konkretong aksyon. Aba’y sa puntong ito, nararapat lamang na kilalanin ang matatag at responsableng pamumuno na ipinamalas ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno. Kasi sa halip na magpatumpik-tumpik o magturuan kung kanino ibubunton ang sisi, agad nitong ipinag-utos ang isang komprehensibong accounting at inventory ng lahat ng provisional na…

Read More

KAPAG AI ANG GUMUHIT NG POSTER

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAY mga bagay talagang nagsisimula sa isang simpleng post sa social media. Isang larawan, isang tanong, tapos biglang may mga taong sumasang-ayon, may kumukontra, at may sariling karanasan na ibinabahagi. Isa sa mga pinag-uusapan ngayon ay ang paggamit ng AI sa mga gawain para sa Buwan ng Wikang Pambansa 2026. Lalo itong naging kapansin-pansin dahil ang tema ngayong taon ay “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.” Hindi naman mahirap intindihin kung bakit ginagamit ang AI. Kasama mismo…

Read More

KAILAN MATUTULDUKAN KARAHASAN SA MGA PAARALAN?

Puna ni JOEL O. AMONGO DAPAT sana ang paaralan ang isa sa pinakaligtas na lugar para sa isang bata. Dito sila pumapasok upang matuto, mangarap at maghanda para sa kanilang kinabukasan. Ngunit muli na namang nabahiran ng takot at dugo ang isang institusyong dapat ay tahanan ng edukasyon at pag-asa. Sa panibagong pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University noong Agosto 18, dalawang estudyante ang nasawi, kabilang ang pinaghihinalaang suspek, at may iba pang nasugatan. Mas masakit isipin na hindi ito isang hiwalay na pangyayari. Noong Hunyo lamang, niyanig din ng…

Read More

IMPLUWENSYA NG WEST PHILIPPINE SEA SA 2028 ELECTION

TAMBULI ni JESSE RUIZ MARAMI ang naniniwala na ang hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea ay malaking factor sa papalapit na 2028 National Election dahil marami rin ang naniniwala na may kanya-kanya na ring manok na susugalan ang China at maging ang United States. Magiging isa sa pinakamainit na usapin ang West Philippine Sea sa magaganap na kampanyahan. Hindi lamang ito tungkol sa alitan sa dagat, kundi tunggalian ng mga partido ng mga nagsasabing sila ay makabayan o kaalyado ng China. Habang nakasalalay sa mga…

Read More

BUHAY ‘OLDIE’

KAPE at BRANDY ni Sonny T. Mallari MUSTA NA? Nasa limang buwan pala akong hindi nakapagsulat ng kolum. Bigla akong nawala sa sirkulasyon. Ganito na nga siguro ang tumatanda. 72-anyos na ako nitong nakaraang Agosto siyete. Madali na akong mapagod. May diperensya pa ang aking mata (bulag na ang kanan dahil sa palpak na operasyon sa katarata, mahigit 30 taon na ang nakararaan). Tinamaan pa ng glaucoma ang kaliwa nitong Nobyembre kaya lumala pa ang problema ko sa paningin lalo na kapag matagal akong napapatitig sa screen ng aking desktop…

Read More

PNP SOSIA DAPAT HIGPITAN TRAINING SA MGA SEKYU

RAPIDO ni PATRICK TULFO DALAWANG security guard ng Ateneo De Zamboanga ang umano’y namatay sa nangyaring barilan sa Zamboanga nito lamang nakaraang Martes, August 18, 2026. Ito ay matapos makapagpasok ng high powered firearm ang isang estudyante at walang habas na nagpaputok sa paaralan. Hindi ito ang unang insidente ng barilan sa loob ng paaralan. Sa panahon ngayon na mga bata ang pangunahing mga suspek, dapat pag-ibayuhin ng mga eskwelahan ang seguridad sa loob at labas ng paaralan. Kabilang na rito ang pagtatalaga ng mga security guard na may karampatang…

Read More

HUWAG NANG INTRIGAHIN ANG IMPEACHMENT TRIAL

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA mga nakalipas na linggo, maayos na naidaos ang impeachment trial sa ilalim ng pamumuno ng Presiding Officer na si Senator Francis “Chiz” Escudero. Kapansin-pansin ang kanyang balanseng paghawak sa proceedings at ang mabilis na pagresolba sa mga usaping kinakaharap ng impeachment court. Dahil dito, nakapagtataka na habang maayos na nagpapatuloy ang paglilitis, may mga bagong intriga namang lumulutang tungkol sa umano’y pangangalap ng boto para sa magiging hatol. May isang ulat na nagsasabing kinakausap umano ni Escudero sina Jinggoy Estrada, Loren Legarda, at ang mga…

Read More

BARBERS NAGBABALA SA DELIKADONG BAKAL

On the Level Ni JUNEX DORONIO HINDI lang kalawang ang delikado sa bakal. Kapag substandard ang ginamit sa bahay, gusali, paaralan, ospital o tulay, hindi lang pera ang nakataya kundi mismong buhay. Kaya mariing nagbabala si dating Surigao del Norte Rep. Ace Barbers sa publiko, contractors, developers at hardware suppliers laban sa pagbili at paggamit ng steel bars na umano’y ginawa ng Davao Mighty Steel Corporation (DMSC), kasunod ng operasyon ng mga awtoridad sa planta nito sa Barangay Ilang, Bunawan District, Davao City. “Steel is not an ordinary commodity. It…

Read More

PATAS BA ANG BATAS SA PINAS?

PUNA ni JOEL O. AMONGO SA edad na 71, marahil ay hindi na dapat iniisip ni Paulito Bayong kung saan siya makakukuha ng pambili ng pagkain kinabukasan. Ngunit sa halip na magpahinga, patuloy siyang nagtitinda ng mais sa gilid ng kalsada sa Matag-ob, Leyte upang kumita ng kahit kaunting halaga. Isang simpleng hanapbuhay para sa isang matanda ngunit nauwi umano sa kanyang pagkakahuli dahil sa pagtitinda sa lugar na sinasabing hindi awtorisado. Ayon kay Mayor Bernie Tacoy, ipinahuli si Bayong dahil ilegal umano ang puwestong kanyang ginagamit. Bilang lokal na…

Read More