NAKADIDIRI O NAKATATAWA? IKAW ANG BAHALA

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAY kumalat na video online na talagang napahinto ako. Isang babae na content creator ang nagluto ng kambing, tapos kinain niya sa camera ‘yung tinawag niyang itlog o bayag ng hayop. Sa caption niya pa mismo, sinabi niyang iyon daw ang pinakamasarap na parte. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiilang. Sa unang kagat pa lang, ramdam ko na ang kilabot. Marami ring nanonood ang natahimik bigla. May mga nandidiri. May mga natawa dahil hindi nila alam kung ano ang ire-react. May mga…

Read More

OFW MULA SA SAUDI NA DUMULOG SA SAKSI NGAYON, NAKAUWI NA SA PILIPINAS

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP MATAPOS ilapit sa Saksi Ngayon at OFW JUAN ang kanyang kalagayan, matagumpay nang nakauwi sa Pilipinas ang ating kababayang si OFW Jayne Ramirez, isang domestic worker sa Unayzah, Al Qaseem, Saudi Arabia. Si OFW Jayne ay nagtrabaho sa ilalim ng SAAID Recruitment Company/Saaid Recruitment Office, at na-deploy sa pamamagitan ng 2TG Manpower International. Ilang linggo na ang lumipas mula nang magsumbong siya dahil sa matinding pamamaga ng kanyang mga paa na nagdulot ng hirap sa paggalaw at kawalan ng kakayahang magtrabaho. Dahil dito,…

Read More

PANGAKONG NAPAKO NG DOTr

RAPIDO ni PATRICK TULFO ITINULOY na kahapon ng grupong Manibela ang kanilang tigil pasada na tatakbo ng tatlong araw. Ayon kay Mar Valbuena, tagapagsalita ng Manibela, hindi tumupad ang Department of Transportation (DOTr) sa kanilang pangako sa mga transport group sa napagkasunduan sa kanilang hanay na papayagang makapagrehistro at sumunod sa proseso ng pagpapa-inspeksyon ng kanilang mga jeep at pati na ang pagkuha ng insurance. Pero hinuhuli raw sila ng mga kawani ng LTO at kinukumpiska ang kanilang lisensiya at plaka na taliwas sa mga ipinangako ng DOTr noong pinamumunuan…

Read More

HIGIT P143-M PONDO PARA SA 896 BARANGAY NG MAYNILA, IRE-RELEASE NA – YORME ISKO

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NOONG Lunes ay inihayag ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na 28,364 senior citizen na mahihirap sa lungsod ang makatatanggap ng kabuuang P171,957,000 na benepisyo ng social pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sumasaklaw sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre 2025. Makatatanggap ang bawat benepisyaryo ng P6,000, na nakatakda ang pamamahagi sa Disyembre 11, 12, at 13 sa pamamagitan ng isang koordinadong pagsisikap sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng pambansang pamahalaan. Nakalista ang lahat ng mga tatanggap…

Read More

GOV. DRA. HELEN TAN AT PD BONG ALBACEA, SANIB-PWERSA SA SERBISYO AT SEGURIDAD!

TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon kung kailan ang mga probinsya ay nakikipaglaban upang maiangat ang antas ng serbisyo at oportunidad para sa kanilang mamamayan, kapansin-pansin ang lalawigan ng Quezon, hindi lamang dahil sa laki nito, kundi dahil sa direksyon at lideratong nagbibigay ng tunay na pagbabago. Aba’y sa pangunguna ni Gov. Doktora Helen Tan, mas malinaw kaysa kailanman na ang pag-unlad ay hindi dapat manatili sa salita. Ito ay dapat maramdaman, makita, at maranasan ng bawat Quezonian. Kamakailan, pinangunahan ni Gov. Tan ang oathtaking ceremony ng Quezon Local…

Read More

MARAMING PINASUSUWELDO NA WALANG SILBI

DPA ni BERNARD TAGUINOD MALAKING isyu sa mga arawang manggagawa na pinasusuweldo ng gobyerno si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na tumatanggap ng sahod kahit hindi pumapasok para gampanan ang kanyang trabaho bilang senador ng bansa. Hindi ko masisisi ang no work, no pay employees o ‘yung mga hindi regular ang kanilang estado sa kanilang kumpanya dahil kapag hindi sila pumasok ay wala silang suweldo, hindi tulad ni Bato na tuloy ang suweldo. Bilang senador, Salary Grade (SG) 31 si Bato as in P301,095 ang kanyang sahod kada buwan at…

Read More

MARTIAL LAW NA BA NGAYON?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NANARIWA sa isipan ng mga residente ng Barangay San Vicente sa Concepcion, Tarlac, ang isang eksenang tila iniluwal ng madilim na alaala ng bansa, ang naranasang kalupitan ng batas militar noong pahanon ng “Martial Law” — ang mga armadong pwersa sa bawat kanto, mga kalsadang sinarado, at isang komunidad na tinrato na parang kalaban ng estado. “Parang Martial Law,” ang paglalarawan ng mga residente sa biglaang paglusob ng napakaraming pulis at sundalo bandang alas-5 ng umaga. Hindi ito operasyon kontra-terorismo, ni paghabol sa masugid na…

Read More

RADIO BROADCASTER TINADTAD NG SAKSAK

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS KINUKONDENA natin ang pagpatay sa pamamagitan ng pananaksak sa radio anchor at isa ring municipal councilor ng Marihatag, Surigao del Sur, sa mismong gasolinahan sa Barangay Poblacion, noong nakaraang Sabado ng umaga, Disyembre 6, 2025. Hindi umabot nang buhay sa Marihatag District Hospital ang biktimang si Radio anchorman/councilor Gerry Sales Campos, na tinadtad ng saksak sa kanyang sikmura ng suspek. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Sandy Constantin Rivas, na agad tumakas matapos ang krimen pero nahuli rin siya sa hot pursuit operation. Ang…

Read More

CONG. SANDRO MARCOS: TAPAT, BUKAS AT MATATAG SA HARAP NG ICI

TARGET ni KA REX CAYANONG SA harap ng maiingay na paratang at walang basehang espekulasyon, muling ipinakita ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang uri ng lideratong tapat, matapang, at bukas sa publiko. Aba’y sa pagharap niya sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), pinatunayan niyang wala siyang itinatago at handa siyang makipagtulungan sa anomang proseso na naglalayong makamit ang katotohanan. Hindi nag-atubili si Cong. Sandro na bigyang kapangyarihan ang ICI na ilabas ang video ng kanyang testimonya kung nanaisin ng komisyon. Malinaw ang kanyang…

Read More