BI JAIL GINAWANG BEMBANGAN?

BISTADOR ni RUDY SIM NANGANGANIB na kumalat ang sakit na STD at HIV sa piitan ng Bureau of Immigration matapos payagan diumano ng isang mataas na opisyal ng BI na makapasok dito ang mga babaeng mababa ang lipad o nagbebenta ng panandaliang bembang. Ayon sa sumbong na ating natanggap, matapos na palitan ang warden ng BI warden facility ng isang opisyal na naknakan ng ewan, ay tila walang ipinagbago ang kalakaran sa loob at ang piitan ay nagmistulang isang casa o parausan ng mga dayuhang inmates na nais makabembang. Ang…

Read More

MGA PINOY NASA GITNA NG GIYERA SA GITNANG SILANGAN

RAPIDO ni PATIRCK TULFO BINABALOT ngayon ng takot ang mamamayang nasa Gitnang Silangan sa harap ng nagaganap na giyera, kabilang na rito ang ilang milyong Filipino. Isa nga sa nasawi ang isang Pinay na natamaan ng debris mula sa missile sa Israel. Ang tanong, handa ba ang ating mga ahensya para tulungan ang ating mga kababayang naiipit sa giyera sa Middle East? Marami na ang nagpahiwatig ng kagustuhang umuwi ng Pilipinas, habang mas marami pa rin ang gustong manatili roon. Sakaling matuloy ang ganitong kaguluhan doon, handa ba ang DMW…

Read More

ISKO PATULOY NA MAMUMUHUNAN SA MBN AT BOC, TODO-AYOS SA OPERASYON NG PANTALAN

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NITONG nakaraang linggo ay pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang groundbreaking ng Binondominium 2, nangakong tuloy-tuloy ang pabahay para sa maralitang taga-Maynila Ang groundbreaking ceremony ay pinangunahan ni Yorme Isko last Feb. 24 para sa Binondominium 2 sa San Nicolas, na siyang ikaanim na vertical housing project ng lungsod sa ilalim ng kanyang pamumuno. Itatayo ang bagong gusali sa 405-square-meter na lote na may kabuuang floor area na 6,277.5 metro kuwadrado. Magkakaroon ito ng 98 residential units na may sukat na…

Read More

EDUKASYON ANG PUNDASYON: PAMUMUNO NI GOV. OYIE UMALI, DAPAT KILALANIN

TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahong patuloy na hinaharap ng bansa ang kakulangan sa mga silid-aralan, mahalagang kilalanin ang mga lider na hindi lamang nakikiayon sa programa ng pambansang pamahalaan, kundi aktibong kumikilos upang ito’y maisakatuparan. Isa na rito si Gov. Aurelio Oyie Matias Umali, na lumagda sa Memorandum of Agreement para sa DepEd–LGU Program na magpapabilis sa konstruksyon ng mga silid-aralan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ang pagkakapili sa Nueva Ecija bilang isa sa mga kwalipikadong lalawigan ay hindi simpleng pagkakataon. Ito ay malinaw na patunay ng kahandaan…

Read More

MALINAW NA CONTINGENCY PLAN HILING NG OFWs SA MIDDLE EAST

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP SUNOD-SUNOD ang panawagan para sa OFW repatriation ng ilang elected officials na gustong sumakay sa issue ng mga OFW sa Middle East kasunod ng giyera sa pagitan ng Israel, US at Iran. Base sa aking karanasan bilang dating OFW sa Kuwait, simula 1993 hanggang 2017, ay hindi agarang repatriation ang gusto ng mga OFW sa ganitong sitwasyon, kundi ang isang malinaw na contingency plan o exit plan lamang. Ang gusto nila ay ipaalam sa kanila kung ano ang mga plano o hakbang na…

Read More

SINO’NG DAPAT PANIWALAAN, ANG NAG-AAKUSA O ANG INAAKUSAHAN?

PUNA ni JOEL O. AMONGO KANYA-KANYANG tanggi ngayon ang mga opisyal ng pamahalaan na pinangalanan ng 18 dating mga sundalo, na hinatiran umano nila ng paper bag at male-maletang pera mula sa utos ng kanilang boss na si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Kamakailan sa isang press conference na pinangunahan ni Atty. Levito Baligod, isiniwalat ng 18 dating mga sundalo na nag-deliver sila ng limpak-limpak na pera sa iba’t ibang mga opisyal ng pamahalaan. Siyempre, kabilang umano sa kanilang hinatiran ay si PBBM at ang pinsan nito na…

Read More

MAHIGIT 2M OFWs APEKTADO SA GULO SA MIDDLE EAST

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS KUNG magpapatuloy ang gulo sa pagitan ng US-Israel laban sa Iran, tinatayang mahigit sa dalawang milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang maaapektuhan. Nitong nakaraan ay nagsanib ang Estados Unidos at Israel para bombahin ang Iran, nasa 500 iba’t ibang lugar sa Iran ang pinuntirya ng magkakamping bansa, kabilang na ang Tehran kung saan tinamaan ang kinaroroonan ng Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei na ikinasawi nito. Bukod kay Khamenei, nasawi rin ang maraming iba pang mga opisyal ng Iran sa isinagawang airstrike ng…

Read More

PACQUIAO-MAYWEATHER II: HIGIT SA ISANG REMATCH, ISANG MISYON NG KARANGALAN

TARGET ni KA REX CAYANONG SA mundo ng boksing, iilan lamang ang may tapang na balikan ang isang laban na minsang nagdulot ng pagkadismaya. Ngunit para kay Manny Pacquiao, ang nalalapit na rematch kay Floyd Mayweather Jr. ay hindi simpleng paghihiganti. Ito ay isang misyon upang itama ang kasaysayan at patunayan ang patuloy na tibay ng isang alamat. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kanilang unang sagupaan noong 2015 kung saan nanaig si Mayweather sa pamamagitan ng unanimous decision. Gayunman, ang tunay na sukatan ng isang kampeon ay hindi…

Read More

‘BuCorTel’ sa bakuran ni General Catapang? HIGH VALUE CHINESE PRISONERS MISTULANG NAKA-HOTEL

MALA-HOTEL na pasilidad sa loob ng BuCor na pinauupahan kada araw sa High Value Chinese Prisoners, nabuking sa bakuran ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang. Tuloy-tuloy ang pamamayagpag ng mga maimpluwensiyang bilanggong foreigners na karamihan ay Chinese nationals, dahil sa mala-hotel na bilangguan sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro. Ito ay dahil sa pagpapahintulot umano ni General Catapang. Sinasabing may tinatanggap na bayad mula sa mga foreigner na gustong gumamit ng pasilidad. Napag-alamang nangyayari ang paghahari-harian ng mga dayuhang bilanggo simula sa…

Read More