PUNA ni JOEL O. AMONGO LALO pang nagdulot ng galit sa mga Pilipino ang ginawa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na pagsuspinde kay Cavite Representative Francisco “Kiko” Barzaga dahil lamang sa pagbatikos nito sa kasalukuyang nangyayaring korupsyon sa pamahalaan. Pinatawan ng 60-araw o dalawang buwang suspensyon nang walang sahod at anomang benepisyo si Barzaga matapos mapatunayang guilty sa Ethics complaint na inihain ng kanyang mga dating kapartido sa National Unity Party (NUP) kaugnay ng mga umano’y hindi angkop na social media post. Ayon sa ulat ni House Committee on Ethics…
Read MoreCategory: OPINYON
KAILANGAN NA TALAGA ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY LAW
DPA ni BERNARD TAGUINOD KAILANGAN na talagang buwagin ang political dynasty para makaiwas na tayo sa political drama, political families tulad ng pamilyang Marcos at Duterte na animo’y sila lang ang may kakayahang mamuno sa ating bansa. Sa nangyayari ngayon, parang sa dalawang pamilyang ito lang umiikot ang ating mundo na kapwa may bahid naman ng corruption at umiiwas sa kanilang pananagutan sa taumbayan at naglalaban, hindi para sa kapakanan ng bansa kundi sa pansariling interest lang. Nagpapaligsahan ang dalawang pamilyang ito sa propaganda na humahati sa ating bayan imbes…
Read MoreKAPAG PINAHAHALAGAHAN ANG TAO, LALAKI ANG NEGOSYO
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HABANG nanonood ako ng vlog ni Karen Davila tungkol sa Del Monte, napansin ko kung paano nila pinahahalagahan ang kanilang mga manggagawa. Hindi lang sila basta empleyado na kumikita ng sahod, kundi mga tao na may pamilya, pangarap, at pangangailangan. Ang ganitong pananaw ay bihira sa mundo ng negosyo, pero malinaw ang epekto nito sa paglago at tagumpay ng kumpanya. Hindi lang basta sahod ang ibinibigay ng Del Monte. Para sa marami sa kanilang mga manggagawa sa plantasyon at pabrika, may maayos na tirahan…
Read MorePULIS NG LIMAY, BATAAN DEDMA SA NASAGASAAN!
RAPIDO ni PATRICK TULFO Ayon sa ginang, naglalakad umano siya nang magulungan ang kanyang paa ng SUV na minamaneho mismo ng pulis ng Limay, Bataan na si PSSg. Lotes Bascara. Dinala raw agad ni Bascara ang ginang sa public center ng Limay kung saan ito binigyan ng paunang lunas. Habang ginagamot ay sinabihan daw nitong si Sarhento Bascara ang ginang na huwag na mag-report sa pulis dahil siya rin naman mismo ang imbestigador. Kinabukasan, pinapirma ni Sarhento Bascara si Gng. Gruela sa “quit claim” na nagsasabing siya ang sasagot sa…
Read MoreMALAYA NGA BA ANG PILIPINAS?
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KAHAPON, Nobyembre 30, ating ginunita ang ika-162 anibersaryo ng kapanganakan ng “Supremo ng Katipunan” na si Gat Andres Bonifacio. Ang Kagalang-galangan Kataas-taasang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan na pinamumunuan noon ni Andres Bonifacio ang nagsindi ng mitsa ng rebolusyon na unang sumiklab ang madugong digmaan noong 1896 at natapos sa ikalawang yugto noong 1898. Lubos, lantay at dalisay ang pagpapahayag ni Bonifacio ng kalayaan ng Pilipinas sa kolonyalistang Espanya. Agosto 23 o kaya Agosto 26, nang sabay-sabay na pinunit ng…
Read MorePURO ALEGASYON WALA NAMANG EBIDENSYA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO WALANG tigil ang bulagaan ng mga alegasyon araw-araw. Tumitindi pa. Iba’t iba ang nahuhukay. Sa bawat akusasyon ay may depensa ang pinagbibintangan. Pinasisinungalingan ang mga ipinupukol dahil wala raw basehan. Ang taumbayan ay nasa harapan ng patuloy na tumitinding mga balangkas ng kwento. Sala-salabat man ang mga kuwento, ito ay nakasentro sa pinakamalaking pagtatanghal – ang pamagat ay KORUPSYON, ang buod ng mga pira-pirasong teleserye. Sino ang bida, ang kontrabida? Hiling lang natin sa mga patuloy sa kanilang paratang, aba, panumpaan ninyo ‘yan at maglabas ng…
Read MoreLALO N’YONG GINAGALIT ANG TAUMBAYAN
DPA ni BERNARD TAGUINOD IMBES na pakalmahin ng mga tauhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang taumbayan sa kanilang galit sa katiwalian na nagpayaman sa mga nakapuwesto sa gobyerno, ay iniinsulto pa nila ang mga Pilipino. Tulad na lamang itong si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque na nagsabing kasya raw ang budget na P500 para sa Noche Buena ng isang pamilya na binubuo ng mag-asawa at dalawang anak. Insulto ito sa mahihirap lalo na’t maraming nagugutom dahil hindi mapigil ang pagtaas ng presyo ng mga…
Read More‘DI PA TAPOS ANG LABAN VS BBM ADMIN
PUNA ni JOEL O. AMONGO NANANATILING positibo ang pananaw ng mga Pilipino na makakamit nila ang hustisya laban sa mga magnanakaw sa kaban ng bayan. Nitong Linggo, ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang pwersa na hindi sila sang-ayon sa matinding katiwalian sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. Naging maayos at walang naitalang kaguluhan sa nasabing kilos-protesta na ginanap sa Luneta sa Maynila, EDSA sa Quezon City at maging sa iba’t ibang lugar sa bansa. Nagsimula ang malakihang protesta noong September 21, 2025 sa anibersaryo ng Martial Law. Tuwing Biyernes…
Read MorePEACEFUL ANG BONIFACIO DAY RALLY
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MATAGUMPAY na naiparating ng mga Pilipino sa kanilang isinagawang kilos-protesta nitong Linggo sa iba’t ibang lugar, sa mga kinauukulan ang kanilang panawagan na managot ang lahat ng mga kurakot sa pamahalaan. Bagama’t iisa ang panawagan ng mga nagsagawa ng kilos-protesta na panagutin ang mga nagnakaw sa kaban ng bayan, tila hindi naman sila magkasundo kung sino sa mga nagnakaw ang dapat managot. May mga nagsabi na panagutin at dapat mag-resign sina Vice President Inday Sara Duterte at President Bongbong Marcos, Jr. hanggang sa pinakamababang…
Read More