GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NOON, normal lang ang may makapal na pitaka na puno ng pera at barya. Ngayon, parang kulang ang araw kapag naiwan ko ang cellphone. Dahil dito ko na rin dala ang pera ko. Mula sa milk tea hanggang bayarin sa kuryente, halos lahat pwedeng bayaran gamit ang e-wallet. Pero handa na ba talaga tayong mabuhay nang walang cash? Malaking ginhawa ang dala ng e-wallet. Isang pindot lang sa cellphone, bayad na ang grocery, bills, o pamasahe. Hindi na kailangang pumila at hindi na rin…
Read MoreCategory: OPINYON
REP. ZALDY CO PROTEKTADO NG MGA KONGRESISTA?
PUNA ni JOEL O. AMONGO NGAYON masusubukan kung gaano katibay ang dibdib ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa kanyang paglaban sa mga opisyal ng gobyerno at politicians na nadadawit sa maanomalyang flood control projects sa iba’t ibang lugar sa bansa. Sa impormasyon na ating nakalap mula sa Commission on Audit (COA), ang Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB), Kamara, Senado, at contractors ang nagsabwatan kaya nangyari ang mga guni-guni o ghost sa flood control projects. Nakita mismo sa dalawang mata ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. nang magtungo siya sa Bulacan…
Read More“HUWAG KANG MAGNANAKAW”
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI MATAGAL ko na itong itinatanong sa sarili ko. Bakit ang Pilipinas na itinuturing na tanging Kristiyanong bansa sa Asya – sa populasyong 115.8 million (2024), ang 85.6 million at kasapi sa simbahang Katoliko Romano – ay laganap ang korapsyon sa gobyerno? Kabi-kabila ang garapalang dekwatan sa pondo ng pamahalaan na mula sa buwis ng taong-bayan. Oo nga at may mga nakawan din sa pribadong sektor, sa iba’t ibang antas ng lipunan kahit sa iskwater area, ngunit kulangot lang ang mga salaping nawawala rito…
Read MoreFOI BILL IPASA NA!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA DAHIL sa katakot-takot na isyu ng korapsyon kontra opisyales ng Bayan, napapanahon na magpasa ng Freedom of Information (FOI) law ang ating mga mambubutas este mambabatas. Opo dear readers, matagal nang inupuan sa Kongreso ang FOI Bill e panahon pa ng administrasyon ni dating Presidente Fidel V. Ramos na umabot sa second reading at sa Senado, tinalakay rin ang panukala, pero walang nangyari at hindi na uli napag-usapan. Minalas lang at inabutan ng pandemyang COVID-19 ang huling dalawang taon ni dating Pangulong Rodrigo Roa…
Read MoreSERBISYONG MAKATAO AT TAPAT NI TARLAC CITY MAYOR SUSAN YAP
TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG malaking karangalan para sa lungsod ng Tarlac ang pagkakabilang ni Mayor Susan Yap bilang bagong kasapi ng Mayors for Good Governance (M4GG). Sa kanyang pamumuno na inuuna ang kapakanan ng mamamayan, lalo niyang pinatitibay ang pangakong “Tao ang Una.” Ang M4GG ay isang samahan ng mga lokal na pinuno na nagsusulong ng katapatan, paglaban sa katiwalian, makabagong solusyon, at higit sa lahat, paglilingkod para sa tao. Kaya sa pag-anib ni Mayor Yap, ipinakikita niyang handa siyang maging huwaran ng mabuting pamamahala hindi lamang para…
Read MoreHOUSE AT SENATE HEARING SA FC PROJECTS PAGDUDUDAHAN
DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI dapat ipilit ng mga senador at mga congressman ang kanilang imbestigasyon sa flood control projects dahil pagdududahan lang ito ng taumbayan na pagod na at galit na sa malawakang katiwalian at pagbubulsa lang sa pera ng bayan imbes na proteksyunan sila sa baha. Hindi pa kasi nagsisimula ang imbestigasyon ay tila inaabsuwelto na ng ilang mambabatas ang kanilang institusyon na kesyo government projects daw ang mga natuklasang substandard at ghost projects na flood control. Parang iniinsulto nila ang mga Pinoy dahil taon-taon ay pinagsusumite ng…
Read MoreBONOAN PANAGUTIN DIN SA ANOMALYA SA FLOOD CONTROL PROJECTS
PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI dapat magtapos sa pagbibitiw lang ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang isyu sa usapin ng anomalya sa flood control projects. Kung may kasalanan siya ay dapat papanagutin, hindi biro ang nawalang pera sa kaban ng bayan, bilyun-bilyong piso ang pinag-uusapan dito. Kamakalawa, nakatanggap tayo ng impormasyon na nagbitiw na sa tungkulin si DPWH Sec. Bonoan at pinalitan siya ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon. Sabihin na nating walang direktang kinalaman si Sec. Bonoan sa anomalya sa…
Read MoreINDEPENDENT BODY PARA SA FLOOD CONTROL PROJECT ANOMALIES
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS SA ganang akin, para walang pagdududa ang publiko, dapat ang mag-iimbestiga sa anomalya sa flood control projects ay independent body. Kamakailan, sinabi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon sa usapin ng flood control project anomalies. Kahit pa sabihin ng Kamara na ang kanilang isasagawang imbestigasyon ay “in aid of legislation” ay hindi pa rin maniniwala ang publiko na magkakaroon ito ng maayos na resulta. Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Senado, maging sa privilege speech ni Senator Panfilo…
Read MoreBAHA NG KORAPSYON
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO WALA namang bagyo, pero nang bumuhos ang ulan nitong Sabado, nakagugulat na sobrang bilis ang pagbaha sa napakaraming lugar sa Metro Manila. Napakainit na usapin pa naman ngayon ang mga hindi naipatupad na flood control projects dahil sa matinding sistema ng korapsyon na tayo rin namang lahat ang naaapektuhan. Dahil sa mga kontrobersiya at mga ‘di maitatangging anomalya, isa sa naging malinaw ay ang marangyang pamumuhay ng maraming politiko at mga kontraktor na sinasabing may kinalaman sa palpak na mga proyektong dapat sana ay pinakikinabangan…
Read More