MGA DAHILAN NG PAGBAGSAK NG PISO KONTRA DOLYAR

RAPIDO ni PATRICK TULFO NAGSALITA na sa wakas ang Malacañang ukol sa patuloy na pagbagsak ng piso kontra dolyar sa pinakamababang antas nito sa kasaysayan ng bansa matapos na sumadsad ito noong Miyerkoles, Okt. 28, 2026 sa P64.17. Sa isang panayam, pinakalma ni PBBM ang sambayan at sinabing binabantayan nila ang piso at nagsasagawa na ng mga hakbang upang mapigilan ang pagbagsak nito. Ang mga hakbang na sinabi ng Pangulo ay ang ginawang pagtataas ng Bangko Sentral sa interest rates at maging ang paglalabas ng dollars mula sa ating reserves…

Read More

BOC HUMAHATAW SA P1-TRILYONG TARGET; KORUPSIYON, KALAKALANG ILEGAL TUTUKAN!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KAPANSIN-PANSIN ang patuloy na pag-usad ng Bureau of Customs (BOC) sa pangunguna ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, lalo’t nakapagtala ang ahensiya ng mataas na koleksyon at patuloy na pinaiigting ang kampanya laban sa ilegal na kalakalan at katiwalian. Mula Enero hanggang Setyembre 2026, umabot sa P757.406 bilyon ang koleksiyon ng BOC, lampas sa target na P748.494 bilyon. Mas mataas din ito ng P55.735 bilyon kumpara sa nakolekta sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Malaking bagay ang ganitong resulta sa pagsisikap ng pamahalaan na palakasin…

Read More

TAMA NA BANGAYAN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO AGREE ako sa punto ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon: napakaraming salita at bangayan sa bansa, samantalang naghihintay ang taumbayan ng konkretong resulta mula sa pamahalaan. Sa joint press briefing ng DPWH at Department of Transportation (DOTr) nitong Martes, Oktubre 27, bago bumalik bilang kalihim ng DOTr, sinabi ni Dizon: “In this country, the problem is so much talk.” Aniya, sa halip na kumilos, madalas ay nauuwi ang mga usapin sa dakdakan, banatan at bangayan. Habang abala ang mga opisyal sa…

Read More

Pride

HOPE ni GUILLER VALENCIA A great reminder for all regarding pride from the book of Proverbs 16:18, “Pride goes before destruction, and haughty spirit before a fall.” Masasabi natin na halos lahat ng tao, anoman ang lahi ay may ganitong ugali. But some real super-duper ang pride, other lesser and controllable. Masasabi rin natin na mayroon ding walang pride sa katawan. By the way, pride sa Tagalog ay pagmamataas, kayabangan, o kapalaluan. I read this in the Eternal Bible with the title, “The Prideful Heart”. Thoughts and beliefs of pride;…

Read More

Kawalan ng Respeto at Kamangmangan sa Gitna ng Pakikidalamhati

TAMBULI ni JESSE RUIZ ISANG malaking sampal sa mukha ng buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas at tahasang kawalan ng respeto sa mga nagbuwis ng buhay ang mga lumitaw na sarkastiko at manhid na komento sa social media kaugnay ng trahedya sa himpapawid. Matatandaang noong Oktubre 23, 2026 ay nasawi ang apat na piloto ng Philippine Air Force matapos magsalpukan ang dalawang SF-260 Marchetti trainer aircraft habang nagsasagawa ng training flight sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas. Sa halip na makiramay, may ilang netizen pa ang nagawang mangutya—isang asal…

Read More

Kailan Naging Katanggap-tanggap ang Ganitong Biro?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN “PASENSYA na, joke lang ‘yon.” Ilang beses na ba nating narinig ang mga salitang ito mula sa mga taong nahuling nagsabi ng hindi angkop? Para bang sapat nang tawaging biro ang isang bagay upang mawala ang bigat ng kanilang sinabi. Pero hindi lahat ng biro ay nakatatawa, at lalong hindi lahat ay dapat palampasin. Ang mas nakababahala, sa pagkakataong ito, isang 12 taong gulang na bata ang naging paksa ng naturang biro. Umani ng batikos ang isang reporter matapos tanungin si Kanye Avendaño kung…

Read More

ILLEGAL DISMISSAL AT IBA PA ISINAMPA SA YASCI SA DOLE-NLRC

PUNA ni JOEL O. AMONGO PORMAL nang nagsampa ng illegal dismissal, maltreatment, harassment, separation pay claim, illegal deduction, service incentive leave, holiday pay, overtime pay, COLA, at minimum wage laban sa Young Achievers’ School of Caloocan, Incorporated (YASCI) ang isang janitor matapos siyang tanggalin nito nang walang malalim na dahilan. Si Ryan Nallica Limqueco, 39-anyos, janitor, residente ng Brgy. 171, Bagumbong, Caloocan City, ay nagtungo sa National Labor Relations Commission (NLRC), Regional Arbitration Branch-NCR ng Department of Labor and Employement (DOLE) upang ireklamo ang nasabing paaralan na nagtanggal sa kanya.…

Read More

WALANG HANGGANAN SA PAGTUGIS SA KRIMEN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI dapat maging hadlang ang hangganan ng mga lungsod at bayan sa mabilis na pagtugon ng pulisya sa krimen. Sa kalakhang lungsod na magkakadugtong ang mga komunidad, mahalagang maging mabilis at koordinado ang operasyon ng mga alagad ng batas. Kaya nararapat suportahan ang Unity Borderless Policing System o “Timpuyog” ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Inilunsad ang programa sa Southern Police District (SPD) sa Taguig City nitong Oktubre 19 upang alisin ang mga hadlang sa hurisdiksyon sa pagitan ng mga police station at substation. Layunin…

Read More

PARANGAL SA MALOLOS, BUNGA NG SOLUSYONG MAY PAKINABANG SA MAMAMAYAN

TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG mahalagang pagkilala ang natanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa 2026 Galing Pook Awards sa pangunguna ni Mayor Atty. Christian D. Natividad. Ang parangal ay para sa North Manila Bay Nature-based Solutions Pilot Project sa Barangay Pamarawan, na gumagamit ng mga materyales mula sa kalikasan upang makatulong na mabawasan ang epekto ng malalakas na alon at pagbaha sa komunidad. Hindi lamang ito tungkol sa pagkilala sa isang proyekto. Mas mahalaga ang layunin nitong protektahan ang mga residente at makatulong sa kanilang kabuhayan. Sa Barangay…

Read More