P92.8 MILYON ANG USAPAN, P1 MILYON ANG PIYANSA?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NAPAILING talaga ako nang mabasa ko ang balita tungkol kay Bong Revilla. Pinayagan siyang makapagpiyansa ng P1 milyon sa kasong malversation na may kinalaman sa umano’y P92.8 milyon. Alam kong hindi pa ito katapusan ng kaso. May paglilitis pa at wala pang desisyon ang korte kung guilty ba siya o hindi. Pero bilang isang ordinaryong mamamayan, hindi ko maiwasang magtanong. Paano naging P1 milyon lang ang piyansa sa kasong may halagang P92.8 milyon? Alam ko rin na ang piyansa ay hindi kabayaran sa perang…

Read More

SENADO PINASOK NG MAGNANAKAW

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAPUKAW ang atensyon ng mga netizen sa nangyaring nakawan daw dyan sa Senado. Pero tila hindi naman sila seryoso lalo pa’t dinog-show nila ang pangyayari. Bago ito, kinumpirma ng Pasay City Police na pinasok daw ng magnanakaw ang gusali. Ang malaking tanong ng bayan: Napasok na raw? Hindi ba matagal na? Kung tutuusin, medyo late na nga sa balita ang mga pulis. Taon-taon na kayang pumapasok ang iba’t ibang klase ng magnanakaw dyan—may naka-barong, may naka-polo, at mayroon ding mahuhusay mag-budol tuwing budget season. Kaya naman…

Read More

MARY GRACE PIATTOS AT IBA PA IHAHARAP KAYA NG OVP?

RAPIDO ni PATRICK TULFO MUKHANG mahihirapan ang Office of the Vice President na sanggain ang mga ebidensyang inilabas sa Senado ng auditor ng Commission on Audit (COA) sa pagdinig sa impeachment case kay VP Sara Duterte nitong Lunes (Aug. 3, 2026). Sa pangunguna ng kilalang abogado at prosecution counsel na si Atty. Lorna Kapunan, iniharap bilang testigo si COA-Intelligence and Confidential Funds Audit Office state auditor Roderick Wamil na inilatag ang paggasta ng OVP sa P125 milyon sa loob ng 11 araw. Wala raw dokumento o resibo ang mga pinaglaanan…

Read More

AMOY-SARIWA NA, LUNAS PA: TANGLAD PARA SA MALUSOG NA PAMAYANAN!

KAAGAPAY SA KAUNLARAN Ni Jun Villarica MGA kalalawigan at kasing-bayan, alam niyo ba na ang simpleng damo na paborito nating isahog sa tinola at litson manok ay may nakatagong “ginto” para sa ating kalusugan? Opo, ang tanglad o lemongrass ay hindi lang pampabango ng ulam, kundi isang powerhouse na halamang gamot na kayang-kayang puksain ang iba’t ibang karamdaman sa tiyan at katawan! Sa katunayan, kung isasalin natin sa ating katutubong wika ang mga nakasulat sa mga medikal na libro, ang tanglad ay isang subok na halamang gamot para sa mga…

Read More

DIPLOMATIC LANE NI DR. MANAOIS NG NAIA PAIRCARGO

On the Level Ni JUNEX DORONIO SA gitna ng kaliwa’t kanang reklamo sa burukrasya, may mga opisyal pa ring tahimik pero tuloy-tuloy ang paggawa ng tama. Isa na rito si Dr. Siegfred “Yeye” L. Manaois—isang pangalan na hindi man laging nasa headline, pero ramdam ang ambag sa likod ng maayos na galaw ng kalakalan. Kamakailan, inimbitahan siya ng Royal Norwegian Embassy sa Maynila, sa pangunguna ni Ambassador Kristian Netland, bilang resource speaker sa Seafood Stakeholders’ Workshop na ginanap sa SMX Mall of Asia, kasabay ng World Food Expo (WOFEX). Hindi…

Read More

PNP DETERMINADONG SOLUSYONAN ANG PABAGO-BAGONG SECURITY THREAT SA BANSA

KURDAPYO  DETERMINADO talaga itong si PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr. na solusyonan ang mga bantang panseguridad, matapos pangunahan ang closing ceremony ng “IED Threat and Security Symposium” sa Boracay. Ka-Toto, tinalakay sa symposium ang banta na may kinalaman sa iba’t bang security threat kabilang na ang Improvised Explosive Device (IED). Layon sa nasabing symposium, mga Kurdapyo, ay ang pagpapalakas ng technical knowledge sa IED identification, analysis at investigation. Nitong Hulyo 31, araw ng Biyernes, ay nagtapos ang nasabing symposium na dinaluhan ng 55 mga kalahok at ng ilang foreign…

Read More

SELECTIVE JUSTICE: KATARUNGAN BA O SANDATA NG KAPANGYARIHAN?

PUNA ni JOEL O. AMONGO SA isang demokratikong lipunan, ang batas ay dapat na pantay ang pagtingin sa lahat. Hindi ito dapat kumikiling sa may kapangyarihan o naninindak sa mga kritiko ng pamahalaan. Ngunit sa kasalukuyan, lumalakas ang tinig ng mga nagsasabing tila umiiral ang tinatawag na “selective justice”—isang sitwasyon kung saan ang pagpapatupad ng batas ay pinaghihinalaang mas mabigat laban sa mga nasa oposisyon at sa mga nagsisiwalat ng umano’y katiwalian. Marami ang nagtatanong kung bakit tila mabilis ang pagkilos ng ilang ahensya kapag ang iniimbestigahan ay mga personalidad…

Read More

Karahasan sa Paaralan: Ligtas pa ba ang mga Mag-aaral?

At Your Service Ni Ka Francis ISA na namang malungkot na yugto ang bumalot sa bansa matapos ang magkahiwalay na insidente ng karahasan sa loob ng mga paaralan na nagdulot ng pagkasawi ng mga kabataang dapat sana’y abala lamang sa pag-aaral at pangangarap. Sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte, tatlong estudyante ang nasawi at pito ang nasugatan matapos ang isang pamamaril noong umaga ng Hunyo 22. Samantala, isang Grade 9 student naman ang nasawi matapos saksakin sa loob mismo ng Las Piñas National High School. Ang…

Read More

Sa Maynila: Krisis Pinansiyal noon, Matatag na Pananalapi ngayon

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA EKSAKTO, Hunyo 30, 2026, sa pagbabalik ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pamumuno, isang mabigat na hamon ang kinailangan na harapin. Krisis sa pananalapi, halos nasaid, nasimot ang kabangbayan ng lungsod, at paano gagalaw ang mga programa, ang mga proyekto at mga serbisyo kung walang sapat na salapi? Ang buwis ng taumbayan, ito ang buhay na dugo na magpapatakbo sa mabilis na pagbangon, at paglago ng kabuhayan ng isang lokal na pamahalaan. Napakabigat na pasanin ito na kailangang isabalikat ni Mayor Isko, at…

Read More