2 HVIs TIMBOG SA P200K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, makaraang makumpiskahan ng P200,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina alyas “Rene”, at “Jalil”, kapwa residente ng Barangay H2, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-7:05 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Dasmariñas Component City Police Station sa Barangay Saint Peter II, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa…

Read More

2 PATAY SA SUNOG SA BOARDING HOUSE

ILOILO CITY – Patay ang isang estudyante at isang call center agent sa sunog na sumiklab sa residential area sa Brgy. San Nicolas, sa bayan ng La Paz noong Linggo ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Lynrose Sobretodo, 26, call center agent, taga Bayan ng Pototan, Iloilo, at Renz David Aguilar, 21-anyos, 3rd year Civil Engineering student sa University of San Agustin. Ang dalawa ay nakulong sa kani-kanilang kuwarto sa nasunog na boarding house sa nasabing lugar. Ayon sa BFP-Iloilo, posibleng natutulog ang dalawa nang sumiklab ang sunog bandang…

Read More

SLEX WORKER PATAY SA PAMAMARIL NG NAKATALONG SECURITY GUARD

PATAY ang isang trabahador ng South Luzon Expressway (SLEX) matapos barilin ng OIC ng mga security guard ng isang industrial park sa Brgy. Batino, Calamba City, Laguna nitong Sabado ng hapon. Dead on the spot ang biktima na kinilala ng Calamba City police na si Ronald Viñas Santillan, 32 anyos, residente ng Muntinlupa City at welder ng Archen Construction Group. Kinilala naman ang suspek na isang alyas Demetrio, residente ng Barangay San Pedro, Sto Tomas City, Batangas at security-in-charge ng Calamba Premiere Industrial Park (CPIP). Ayon sa imbestigasyon ng Calamba…

Read More

TRICYCLE DRIVER BINOGA SA ULO SA FOOTBRIDGE

QUEZON – Dead on the spot ang isang 48-anyos na tricycle driver matapos barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek sa footbridge sa Brgy. Buenavista East, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Agaton De Silva, residente ng nasabing barangay. Ayon sa report ng Candelaria Police, naglalakad ito sa footbridge dakong alas-9:20 ng gabi nang biglang lumitaw ang suspek at ilang beses na pinaputukan ang biktima. Sabog ang ulo nito na siyang agarang ikinamatay ng biktima. Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang…

Read More

BUNTIS NALUNOD SA IRRIGATION CANAL

TAYABAS CITY – Nalunod ang isang buntis sa irrigation canal sa Brgy. Opias, Tayabas City nitong Sabado ng hapon. Kinilala ng biktima na si Mary Joy Sagun Diala, 26-anyos. Ayon sa report, nag-iisang naglalaba ang biktima sa lugar pero nang mag-aalas-5:00 ng hapon ay nadiskubre ito ng kanyang mga kaanak na walang buhay sa mababaw na canal. Ayon sa pamilya nito, madalas na nakararanas ng pagkahilo ang biktima dahil sa kanyang pagdadalantao at mayroon din itong history ng epilepsy. Ayon naman sa pulisya, posibleng nahilo ito at nawalan ng malay…

Read More

Bago pansamantalang inilibing CAGAYAN DE ORO LANDSLIDE VICTIMS DUMAAN SA DNA SAMPLING NG NBI

NAIHATID na sa pansamantalang pinaglibingan sa sementeryo noong Huwebes sa bayan ng Mawab ang 14 na hindi pa nakikilalang narekover na mga biktima ng Masara, Maco Landslide. Pero tiniyak ni DILG Management of the Dead (MDM) focal person Leah Anora na naisagawa muna ng NBI ang proper DNA sampling at case numbering sa mga ito bago sila inihatid sa kanilang mga pansamantalang libingan, kaya madali itong maki-claim muli ng mga kaanak sa sandaling ito ay ma-identified at tumugma sa DNA test ng naghahanap na mga kaanak. Kumpleto rin aniya at…

Read More

88-ANYOS NA LOLA NAGULUNGAN NG TRUCK

CAVITE – Agad nalagutan ng hininga ang isang 88-anyos na lola makaraang magulungan ang katawan ng isang truck habang tumatawid sa kalsada sa Bacoor City noong Huwebes ng umaga. Sa punerarya na dinala para sa autopsy examination ang katawan ng biktimang si alyas “Dionesia”, 88-anyos. Kinilala naman ang driver ng isang Shaanxi X3000 truck na may plakang NFU-8066, na si Francismar Cagado y Curato, 46-anyos. Ayon sa ulat, nakahinto ang driver ng truck na si Cagado habang naka-stop light sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Talaba II, Bacoor City, dakong…

Read More

NAWAWALA SA LANDSLIDE SA DAVAO DE ORO, 38 PA

BUMABA na sa 38 ang nawawala sa landslide sa Masara sa Maco, Davao de Oro. Ito ay matapos makarekober pa kahapon ng 14 a bangkay ang search and retrieval team. Ayon sa Maco MDRRMO, hanggang 4:00 ng hapon nitong Miyekoles, umabot na sa kabuuang 85 dead bodies ang nakuha mula sa ground zero. Anim sa mga narekober ay mga bahagi na lamang ng katawan makaraan ang walong araw na pagkalibing sa lupa mula sa gumuhong bundok. Nagpapatuloy pa rin ang paghahanap sa mga nawawala matapos mag-shift ang operation ng reponders…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA TRIKE VS BOOM TRUCK

BATANGAS – Patay ang driver habang sugatan ang pasahero nang makasalpukan ng sinasakyan nilang tricycle ang isang boom truck sa national highway, Bypass Road sa Brgy. Sta. Cruz, Sto. Tomas City noong Martes ng gabi. Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Metro Lipa Medical Center sa Lipa City ang biktimang si Lito Orig, 37, habang nilalapatan naman ng lunas ang pasahero nitong si Bartolome Sogoni, 53, parehong taga Brgy. Ibabang Pagsabangon, Pagbilao, Quezon. Ayon sa report ng Sto. Tomas City Police, dakong alas-10:30 ng gabi nang makasalpukan ng…

Read More