2022 US Open juniors ALEX EALA UMUSAD SA SINGLES SEMIS

LUMAPIT si Philippine tennis ace Alexandra “Alex” Eala sa inaasam na unang singles title ngayong taon matapos umabante sa semifinals ng 2022 US Open juniors sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Flushing Meadows, New York. “SEMIS-BOUND!!! Amazing atmosphere!” Ito ang pinost ng Pinay teener na estudyante ng Rafael Nadal Tennis Academy matapos biguin ang doubles partner na si Mirra Andreeva ng Russia, 6-4, 6-0, sa quarterfinals nitong Huwebes. Ngunit dahil lubhang napagod ang magpartner sa doubles matapos maglaban sa singles event na inabot ng isang oras at…

Read More

Halaga ng panalo ng SMB sa 2022 PH Cup

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA MATAPOS ang mahigpitang pagtutuos sa pagitan ng San Miguel Beermen at Talk ‘N Text ­Tropang Giga para sa 2022 Philippine Cup ng 47th PBA, tinanghal na kampeon ang isa sa tatlong prangkisang pag-aari ng RSA (Ramon S. Ang) Group sa pinaka-prestihiyoso sa tatlong regular conference ng kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at Asya. Sa ika-10 PH Cup title, muling nakamit ng Beermen at ni coach Leo Austria ang karangalang matawag na “hari” ng first conference. Natuldukan din ng Beermen ang tatlong…

Read More

SUPORTA HILING NG PSC SA WORLD CUP HOSTING

HUMINGI ng suporta si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala para sa pagho-host ng bansa sa FIBA World Cup sa susunod na taon. “I encourage everyone, not just the basketball-loving Filipinos, to support the country’s hosting of the World Cup, which gives so much pride for the Philippines ­being one of the hosts, and stay behind our very own Gilas Pilipinas team,” panawagan ng dati rin PBA Commissioner at Executive Director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas. Si Eala ay naging project director ng orihinal na Smart Gilas Pilipinas noong…

Read More

2022 US Open Juniors EALA USAD SA Q’FINALS

Ni ANN ENCARNACION HATAW ang Filipino tennister na si Alex Eala sa 2022 US Open Juniors tournament matapos manalo sa singles at doubles events (Huwebes sa Manila). Umabante si Eala sa quarterfinals ng singles matapos daigin si eighth seed Taylah Preston, 6-2, 7-6, sa Round of 16. Agad nagtala ng 5-1 lead ang Pinay teen ace sa pambungad na set na tuluyan nitong inangkin. Nakabawi naman ang ­Australian sa second set at muntikan pang magwagi, ngunit ginamit ng dating ITF Juniors World No. 2 na si Eala ang natipong karanasan…

Read More

NBA STARS PAKITANG GILAS

NAGNINGNING ang mga NBA star sa EuroBasket nitong Martes (Miyerkoles sa Manila). Nagrehistro si Giannis ­Antetokounmpo ng 41 points sa 27 minuto para sa Greece, umiskor ng 36 puntos si Luka Doncic sa Slovenia, at si two-time reigning NBA MVP Nikola Jokic ay may 29 points sa Serbia. Sila ang tatlong world’s best ­players na umakay sa kani-kanilang ­koponan sa group-stage wins sa European championships. May isa pang nalalabing group-stage game sa bawat team at kasunod nito ang trip sa Berlin na naghihintay sa Greece, Slovenia at Serbia sa paghablot…

Read More

DURANT TINOPAK NA NAMAN

NAG-AALBURUTO na naman si Brooklyn Nets superstar Kevin Durant. May kinalaman ito sa NBA 2K23 at hindi niya nagustuhan ang kanyang papel sa latest edition ng nasabing video game. Nang makitang binigyan lamang siya ng 96 overall rating, negatibo ang naging reaksyon ng player. Sa kanyang Twitter account @KDTrey5 nagpost si Durant ng: “Aye @Ronnie2K I’m gonna need an explanation on why I’m not a 99? This has become laughable.” Subalit ang 96 overall rating ay masasabing ‘incredible’ Dahil isa ito sa ‘best ratings’ na makuha ng player at isang…

Read More

PACQUIAO ABALA SA PAGBABALIK SA RING

Ni EDDIE ALINEA MAGIGING abala si eight-division world boxing champion Manny Pacquiao sa huling quarter ng taon para sa kanyang pagbabalik sa ibabaw ng ring. Nakatakdang sumabak si Pacquiao sa exhibition match laban kay South Korean Youtuber at martial arts expert DK Yoo sa ­Disyembre 10 sa Seoul. Maliban dito, ipinahayag ng 43-anyos na dating mambabatas, may negosasyon siya sa isa pang hiwalay na laban sa Enero 2023. Ayon sa ulat ng yahoo.com base sa panayam ng Agence France Press (AFP), ang makakalaban ng Pambansang Kamao ay ang dating French…

Read More

EJ Obiena tuloy sa pagbulusok

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA ALAM ba ninyo na si Pilipino pole vaulter ­Ernest John Obiena ay umakyat sa pangatlong puwesto na pinakamagaling sa kanyang event sa buong daigdig nang walang suporta sa pamahalaan? Noong nakaraang linggo lamang ipinahayag ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na ibinalik na siya bilang miyembro ng pederasyon, na sinundan ng anunsyo ng Philippine Sports Commission na makatatanggap na siya muli ng suportang pinansyal bilang kasapi ng pambansang koponan. Patunay ito na kahit ­naayos na ang gusot sa pagitan…

Read More

CAVS PINABORAN DAHIL KAY MITCHELL

MALAKING asset para sa Cleveland Cavaliers ang pagdating ni three-time All-Star guard Donovan Mitchell. Nitong Sabado (Linggo sa Manila), opisyal nang nakuha ng Cavs ang serbisyo ni Mitchell mula sa Utah Jazz na inaasahang makakadagdag para tumaas ang tsansa ng team sa Eastern ­Conference. Kabilang sa package na ipinadala ng Cleveland sa Utah kapalit ni Mitchell sina guard Collin Sexton, forward Lauri Markkanen at rookie guard Ochai Agbaji, kasama ang unprotected first-round draft picks nito sa 2025, 2027 at 2029. Magsu-swap din ang dalawang koponan ng kanilang first-round drafting rights…

Read More