CAVITE STATE U, MULING MAY BOMB THREAT

MULI na namang nakatangggap ng pagbabanta na pasasabugin ang main campus ng Cavite State University (CVSU) noong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa report, nakatanggap sa email ang tanggapan ng CVSU Office of the Vice President (ovppass@cvsu.edu.ph) bandang alas-5:14 ng madaling araw ng isang mensahe na nagsasaad ng: “Sa pagsikat ng araw, habang umiinit mamaya ay sabay-sabay ay mga pagsabog sa CvSU Main. Nakakaawa ang mga bata, mainit, maraming pagsabog at putukan. Ilikas nyo ang mga estudyante sa lalong madaling panahon”, mula sa sender na rem.delaantonio@gmail.com

Hindi naman binanggit sa pagbabanta kung kailan at anong oras isasagawa ang pagpapasabog.

Agad namang humingi ng assistance sa mga awtoridad ang pamunuan ng CVSU at habang isinusulat ang balitang ito ay wala namang naganap na pagsabog.

Matatandaan na noong Marso 18 ay nakatanggap din ng pagbabanta ang CVSU ng kahalintulad na email kung saan nai-report na rin sa tanggapan ng Indang Municipal Police Station.

(SIGFRED ADSUARA)

39

Related posts

Leave a Comment